PICKLEBALL SA ‘PINAS, AANGAT SA WORLD-CLASS LEVEL
Kosmas, US firm JDC nagsanib-puwersa para sa mega-facility sa Pasig

Kosmas KAVC JDC Pickleball

ANG pormal signing na sanib-puwersa ng Kosmas at US firm JDC, (mula sa kaliwa) JDC COO West Shaw, co-founder Collin Johns, KAVC board of director Sophia Lapus, at KAVC head of operations Richard Bachmann bilang eksklusibong Delivery Partner ng Johns Design & Consulting sa Pilipinas.

PASIG CITY — Nakatakdang sumailalim sa world-class na pag-angat ang pickleball sa Pilipinas matapos pormal na lumagda sa isang makasaysayang kasunduan ang Kosmas Athletic Ventures Corporation (KAVC) at ang US-based Johns Design & Consulting (JDC), kompanyang itinatag ng mga pickleball superstar na sina Ben at Collin Johns.

Nilagdaan ang kasunduan noong Hulyo 28 sa Atleta 63, Inc. sa Bridgetowne, Pasig City, na magbibigay-daan sa pagtatayo ng Helios Pickleball Center, isang modernong pasilidad na inaasahang magbubukas sa 2028.

Itatayo sa Bridgetowne sa ilalim ng Robinsons Land Corporation ang mega-facility na magkakaroon ng 25 tournament-grade courts at isang 2,000-seat championship center court na kayang magdaos ng malalaking internasyonal na torneo gaya ng Professional Pickleball Association (PPA) at Major League Pickleball (MLP).

Ayon kay dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at kasalukuyang KAVC Head of Operations Richard Bachmann, malaking hakbang ito upang higit pang mapatatag ang posisyon ng Pilipinas sa mabilis na lumalagong isport.

“Nasaksihan natin ang biglaang pagsikat ng pickleball sa bansa at parami nang parami ang mga court na itinatayo. Kung mapananatili natin ang kasikatan nito, maaari ring magkaroon ang Pilipinas ng matatag na puwesto sa pandaigdigang pickleball,” ani Bachmann.

Dagdag pa niya, hindi lamang isang sports venue ang Helios kundi isang kumpletong sports ecosystem na magsisilbi sa mga recreational player at magiging handa rin sa pagho-host ng malalaking internasyonal na kompetisyon na may world-class broadcasting capabilities.

Ibinunyag din ni Bachmann na ang proyekto sa Pasig ang magsisilbing flagship facility lamang, dahil balak din ng KAVC na magtayo ng kahalintulad na world-class pickleball centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Upang matiyak na pasok sa pandaigdigang pamantayan ang mga pasilidad, kinuha ng KAVC ang serbisyo ng JDC para sa technical consulting, architectural design at facility planning.

Naniniwala naman si Collin Johns, co-founder ng JDC at 35-time PPA doubles champion, na handa na ang Pilipinas para maging sentro ng pickleball sa Asya.

“Napakabilis ng paglago ng pickleball sa buong mundo at nakahanda ang Pilipinas na maging pangunahing hub ng isport sa Asya. Layunin naming matiyak na ang bawat pasilidad ay itinayo ayon sa pinakamataas na pandaigdigang pamantayan, mula sa playing surface at ilaw hanggang sa kabuuang daloy ng laro,” ani Johns.

Ayon naman kay KAVC President Kim Lapus, ang pakikipagtulungan sa mga pandaigdigang eksperto gaya ng JDC ay bahagi ng kanilang layunin na makapagtayo ng world-class sports facilities na magpapalakas sa mga atleta at sa sports infrastructure ng bansa.

Bago pa man matapos ang Helios Pickleball Center sa 2028, nakatakda ring mabuksan sa ikaapat na quarter ng taong ito ang Helios Beta sa Bridgetowne, Pasig.

Magtataglay ito ng 14 tournament-grade courts na nakabatay sa international standards at magsisilbing venue ng kauna-unahang Professional Pickleball Association (PPA) Asia Tour sa Pilipinas, simula sa PPA 125 ngayong Disyembre, na susundan ng PPA 500-Manila Open 2027 sa Enero ng susunod na taon.

Samantala, inanunsiyo rin ng Johns Design & Consulting ang paghirang sa KAVC bilang eksklusibong Delivery Partner nito sa Pilipinas, bilang bunga ng matagumpay nilang kolaborasyon sa Helios Pickleball Club.

Ayon kay JDC Chief Executive Officer West Shaw, napatunayan ng KAVC ang kakayahan nitong magdisenyo, magpatakbo at magpanatili ng world-class pickleball facilities kaya ito ang kanilang napiling eksklusibong katuwang sa bansa.

Sinabi rin ni pickleball legend Ben Johns na bagama’t magkakaiba ang bawat merkado, iisa ang pamantayan ng isang mahusay na pasilidad—mula sa disenyo, ilaw, layout at karanasan ng bawat manlalaro—na kanilang dadalhin sa Pilipinas katuwang ang KAVC.

Simula Agosto 1, 2026, gagamitin ng KAVC ang buong sistema ng JDC sa disenyo ng pasilidad, operasyon, business model, training at knowledge transfer upang higit pang mapaunlad ang pickleball sa bansa.

Ayon kay Sophia Lapus, miyembro ng KAVC Board of Directors, layunin nilang gawing pangunahing pandaigdigang destinasyon ng pickleball ang Pilipinas.

“Kasama ang Johns Design and Consulting, hindi lamang ito isang proyekto kundi isang pangmatagalang kampanya upang makamit ang pandaigdigang pagkilala at maipuwesto ang Pilipinas bilang pangunahing international hub ng pickleball, at ang Helios ang magiging sukatan ng layuning ito,” ani Lapus. (KAVC/HNT)

PIN4D

PIN 4D

Login PIN4D

Daftar PIN4D

Link PIN4D

Link alternatif PIN4D

Situs PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D