Maya Personal Loan tinaasan ng hanggang P400K
DARATING talaga ang panahon na handa ka na para sa susunod mong malaking hakbang. Maging ang next era mo ay pagpapalago ng negosyo, pagpapa-renovate ng bahay, o pag-invest sa future mo, hindi dapat kakulangan sa financial support ang maging dahilan para hindi ito matuloy.
Para sa maraming Filipino, ang pagkuha ng personal loan ay tila isang mahabang proseso. Kailangang maghanda ng requirements, magsumite ng documents, at pumunta sa banko ng ilang beses. Pero hindi naman kailangang maging ganoon kahirap.
Sa Maya Personal Loan, puwedeng mag-apply direkta sa Maya app—walang paperwork at walang collateral na kailangan. Kapag approved na ang application, diretso nang papasok ang loan proceeds sa inyong Maya Wallet, kaya mas madaling maisasakatuparan ang mga plano .
Ngayon, mas malaki na rin ang puwedeng mahiram. Tinaasan na ng Maya, ang leading digital financial services platform sa Pilipinas, ang borrowing limit ng Maya Personal Loan. Eligible users can now borrow up to ₱400,000 through the same fast and fully digital application.
Bukod sa mas mataas na loan amount, may repayment terms na rin hanggang 48 months, kaya mas predictable ang monthly payments at mas madaling i-fit sa budget.
At dahil fully digital ang buong application process—mula application hanggang disbursement—mas simple at mas hassle-free ang paghiram ng pera, para mas kaunting oras ang ilaan sa proseso at mas maraming oras sa susunod na malaking hakbang.
Bisitahin ang maya.ph or mayabank.ph, at i-follow @makeyourmoneymaya on Facebook, Instagram, YouTube, and TikTok para updated.