4 kilabot na tulak ng Kalye Trese timbog sa buybust

Arrest Shabu

NASAKOTE ang apat na indibiduwal matapos ang matagumpay na anti-illegal drug operation na isinagawa sa Brgy. Sto. Cristo, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 26 Hulyo.

Pinangunahan ni P/Lt. Col. Reyson Bagain, hepe ng San Jose del Monte CPS, ang operasyon ng CDEU kasama ang grupo ni P/Capt. Reynaldo Bayan sa pakikipag-ugnayan sa PDEA dakong 11:41 ng gabi noong Linggo.

Kinilala ang mga dinakip na suspek na sina alyas Feli, alyas Jerry, alyas Jezer, at alyas Jeff, na itinuturong mga kilabot na tulak ng Kalye Trese sa nabanggit na barangay.

Naganap ang pag-aresto matapos ibenta ng mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu sa poseur buyer kapalit ng isang pirasong P500 marked money.

Nang isagawa ang pagsusuri sa kanilang mga gamit, narekober ang nasabing pera, at nakuha ang limang pakete ng pinaniniwalaang parehong ilegal na droga.

Tinatayang nasa pitong gramo ang kabuuang timbang ng nakompiskang ilegal na droga at nagkakahalaga ng P47,600.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jose Del Monte CPS ang mga suspek at ang mga piraso ng ebidensiya habang isinusulong ang pormal na pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa kanila, (MICKA BAUTISTA)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO