Utak, lookout tiklo sa pamamaslang, gunman tinutugis

arrest, posas, fingerprints

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Balagtas MPS, Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), at Regional Intelligence Division 3 (RID 3) ang dalawang indibiduwal na sangkot sa pamamaril at pamamaslang sa isang 28-anyos lalaki sa Sitio Barmat, Brgy. Wawa, sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 27 Hulyo.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Mark Anthony San Pedro, hepe ng Balagtas MPS, bunga ng isinagawang follow-up at hot pursuit operations katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) na pinamumunuan ni P/Maj. Mark Anthony Tiongson, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas Teteng, na nagsilbing lookout, at alyas Unyok, na itinuturong mastermind sa krimen.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang isang suspek na kilala lamang sa alyas na Jadi, na itinuturong gunman sa insidente.

Nakompiska mula kay alyas Unyok ang tinatayang 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P108,800 at isang Star Eibar Spain Caliber 9mm pistol na kargado ng siyam na bala.

Batay sa masusing imbestigasyon, lumalabas na may kaugnayan sa ilegal na droga ang motibo ng pamamaril.

Samantala, patuloy ang isinasagawang operasyon para sa pagkilala at agarang pagkakaaresto sa gunman na nananatiling nakalalaya.

Pinuri ni P/Col. Jay Baybayan, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang agarang pagkilos ng mga operatiba na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto sa mga sangkot sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO