Nagtatapon ng basurang abo
Rice husk fired power plant sa Nueva Ecija inireklamo

DENR

INIHAIN sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region III ang pormal na reklamo kaugnay ng sinasabing ilegal na pagtatapon ng rice husk ash o basurang abo sa Barangay San Gregorio, sa bayan ng Rizal, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa reklamong may petsang 22 Hulyo 2026, hinihiling sa DENR ang agarang imbestigasyon sa nasabing ilegal na pagtatambak ng abo sa isang bulubunduking lugar sa barangay.

Nakasaad sa reklamo na ang mga abo ay pinaniniwalaang nagmumula sa mga rice husk-fired power plant sa lungsod ng San Jose at bayan ng Llanera.

Batay sa kalakip na Google satellite images, makikita ang malawak na bahagi ng kabundukan na natabunan ng maitim na deposito ng basura.

Kalakip din sa reklamo ang larawan ng isang dump truck na sinasabing ginagamit sa pagdadala ng naturang abo sa lugar.

Nagbabala ang mga naghain ng reklamo na maaaring magdulot ang naturang pagtatapon ng polusyon sa hangin dahil sa lumilipad na alikabok, kontaminasyon ng lupa at tubig, pagkasira ng kalikasan, at negatibong epekto sa turismo at kabuhayan ng mga residente.

Binanggit sa reklamo na kung mapatutunayang nagkaroon ng paglabag, maaari itong saklawin ng iba’t ibang batas, kabilang ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, RA 8749 o Philippine Clean Air Act, at ang mga probisyon ng Philippine Environmental Impact Statement System at Philippine Environment Code.

Nananawagan sa social media ang ilang residente sa lokal na pamahalaan ng Rizal na magsagawa ng agarang inspeksiyon sa lugar, tukuyin ang mga responsable, at ipatupad ang batas laban sa ilegal na pagtatapon ng basura upang maprotektahan ang kalikasan at mga turistang destinasyon sa bayan.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang DENR, lokal na pamahalaan ng Rizal, o ang mga kompanyang iniuugnay sa reklamo hinggil sa mga alegasyon. (MICKA BAUTISTA)

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO