Monday , May 27 2024

Micka Bautista

9 lawbreakers sa Bulacan, kinalawit

Bulacan Police PNP

ANG NAGPAPATULOY na operasyon laban sa kriminalidad ng pulisya sa Bulacan ay humantong sa pagkaaresto sa mga indibiduwal na sangkot sa paglabag sa batas kamakalawa. Sa ulat na isinumite kay P/Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang naaresto ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) ang isang drug dealer sa isinagawang buybust operation sa Brgy. San Juan, …

Read More »

PNP nakipagtulungan sa Donate Pilipinas

PNP Donate Pilipinas

NAGSAGAWA ng Community Outreach Program ang Donate Philippines sa pangunguna ni Myrna Reyes sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni P/General Rommel Francisco D. Marbil, Chief PNP sa Sitio San Martin, Brgy. Sto Nino, Bamban, Tarlac nitong 28 Abril 2024. Ang nasabing aktibidad ay isang collaborative effort ng Directorate for Police Community Relations na pinamumunuan ni P/MGeneral …

Read More »

Gob. Fernando nanguna sa inter-agency program  BULACAN RIVERS BUBUHAYIN PARA BAHA KONTROLIN

DANIEL FERNANDO Bulacan

INIHAYAG ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan, kasama ang mga kinatawan ng tanggapan ng mga pamahalaang nasyonal at mga lokal na opisyal, ang pagpapatupad ng Bulacan River Dredging and Restoration Program sa buong lalawigan, bilang tugon sa panawagan ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order 2020-07 para sa pagbuhay sa natural …

Read More »

3 sabungero timbog sa tupada

Sabong manok

HINDI na nagawang makatakas ng tatlong indibiduwal nang dakpin matapos mahuli sa aktong nagsasabong sa tupadahan sa Brgy. Sta. Cruz, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 28 Abril. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ipinadala kay PRO3 Director B/Gen. Jose Hidalgo, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na …

Read More »

Sa Bulacan
TULAK, ESTAPADORA, KOBRADOR NG STL/JUETENG NASAKOTE

Sa Bulacan TULAK, ESTAPADORA, KOBRADOR NG STL JUETENG NASAKOTE

ARESTADO ang limang indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa inilatag na kampanya ng mga awtoridad laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 28 Abril. Sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ikinasa ang isang drug-sting operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos CPS at Bocaue MPS na …

Read More »

Bulacan idineklarang avian influenza-free

Bulacan

MATAPOS ang mahigit 90 araw mula nang makompleto ang mga hakbang sa pagkontrol sa sakit, idineklara ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang lalawigan ng Bulacan bilang Avian Influenza-Free Province sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 14, Series of 2024, kasunod ng 10 kompirmadong kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) Subtype H5N1 sa lalawigan na …

Read More »

SHS student natagpuang lumulutang na sa ilog

dead

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang estudyante na palutang-lutang sa ilog sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 24 Abril.                Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Manuel C. De Vera, Jr., hepe ng Bocaue MPS, kinilala ang biktimang si Carlisle Abraham Rivera, 18 anyos, senior high school student sa Dr. Yanga Elementary School, at …

Read More »

Sa 24-oras crackdown ops ng PRO3 higit P6-M droga nasamsam

PNP PRO3

NAGBUNGA ang maigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga nang madakip ang mga taong nasa likod nito at nasamsam ang malaking halaga ng pinaniniwalaang ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, at Zambales nitong Miyerkoles ng gabi, 24 Abril. Sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, pinangunahan ng …

Read More »

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den saka inaresto ang apat na indibiduwal kabilang ang maintainer sa ikinasang buybust operation sa lungsod ng Mabalacat City, lalawigan ng Pampanga nitong Miyerkoles ng gabi, 24 Abril. Kinilala ng PDEA team leader ang mga suspek na sina Oliver Ventura alyas Berong, 43 anyos; Mark Anthony …

Read More »

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

Bulacan Police PNP

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P127,000 at pagkaaresto sa isang most wanted person, ilang drug dealers, at mga lumabag sa batas mula kamakalawa hanggang kahapon ng umaga, 23 Abril 2024. Sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang …

Read More »

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

gun ban

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Zaragoza, Nueva Ecija, Lunes ng hapon, 22 Abril. Dinakip ng Zaragoza Municipal Police Station katuwang ang ibang law enforcement units, si Zhi Jun Li, 44 anyos, kilala rin bilang Samuel Li, negosyante at residente sa Barangay Del Pilar, Zaragoza, Nueva Ecija. Nahaharap ang akusado sa …

Read More »

Sa Oplan Katok ng Central Luzon police
CL POLICE NAKAPAGPASUKO NG 200 PLUS LOOSE FIREARMS

PNP PRO3

MAHIGIT 200 loose firearms ang boluntaryong isinuko ng mga may-ari ng baril sa mga awtoridad sa mahigpit na isinagawang “Oplan Katok” sa buong Central Luzon mula 19 Marso hanggang 19 Abril. Pahayag ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang “Oplan Katok” ay isang programa ng Philippine National Police na nagbabahay-bahay ang mga awtoridad upang bisitahin ang mga may hawak …

Read More »

Army Major pinasok, sa sariling opisina pinagbabaril, patay

042224 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA ISANG opisyal ng Philippine Army ang pinasok sa loob ng kanyang opisina at pinagbabaril ng nag-iisang lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Marungko, sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 20 Abril. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Major Dennis …

Read More »

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kompetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose!” Ito ang makahulugang mensahe ni Bulacan Governor …

Read More »

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

marijuana

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na dakong 11:40 pm, ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) ay nagkasa ng matagumpay na drug sting …

Read More »

PRO 3 host ng CL Anti-Illegal Drugs Summit

PNP PRO3

IDINAOS ng Police Regional Office 3 ang 1st Central Luzon Anti-Illegal Drugs Summit, kalahok ang hindi bababa sa 200 indibiduwal, kahapon, Lunes, 15 Abril 2024. Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) 3 sa pamumuno ni Atty. Anthony Nuyda ang summit na naglalayong mapanatili ang sama-samang pagsisikap na patuloy na labanan ang ilegal na droga at itulak …

Read More »

P540 ‘obats’ nasamsam, 25 tulak nasakote

shabu drug arrest

HALOS mapuno ang mga piitan sa Bulacan matapos maaresto ng pulisya ang 25 durugistang tulak sa isinagawang sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang kahapon,15 Abril 2024. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang nagkasa ng matagumpay na drug sting operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del …

Read More »

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Bulacan Police PNP

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya sa Bulacan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa kamakalawa. Nagresulta ang ikinasang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Obando Police MPS, sa pagkaaresto ng dalawang durugista na naaktohan sa paggamit at pangangalakal ng ilegal na droga. Nasamsam sa operasyon …

Read More »

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa Bulacan ang seguridad at kaligtasan ng mall-goers sa pamamagitan ng kanilang taunang Joint Tactical Inspection at General Assembly na isinagawa ng Customer Relations Services ( CRS) Department and Security Force sa Open Parking ng SM City Baliwag kamakailan. Layunin ng Joint Tactical Inspection (JTI) na …

Read More »

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

Bulacan Police PNP

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P240,000 kabilang ang pagkaaresto sa 11 pinaghihinalaang tulak at dalawang wanted na personalidad hanggang kahapon, 11 Abril. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na nagkasa ng sting operation ang Station Drug Enforcement …

Read More »

National wealth tax para sa likas na tubig
MOTION FOR RECONSIDERATION INIHAIN SA SC NG BULACAN GOV

DANIEL FERNANDO Bulacan

NAGHAIN ng Motion for Reconsideration si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa Korte Suprema sa naging desisyon nito tungkol sa natural wealth tax para sa likas yaman partikular ang tubig na nanggagaling sa lalawigan, kahapon 11 Abril 2024. Ang tubig sa mga ilog ng mga watershed ng lalawigan na dumadaloy patungong Angat Dam ang pangunahing pinagkukuhaan ng inumin para sa mga …

Read More »

PGB nagsagawa ng sportsfest para sa mga Bulakenyong PDLs

Bulacan

BILANG bahagi ng pangako ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pagpapalawak ng mga programang rehabilitasyon para sa mga Bulakenyong persons deprived of liberty (PDLs), ang Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pangunguna ni P/Col. Rizalino A. Andaya ay nanguna sa paglulunsad ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang “Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog na Piitan” na …

Read More »

4 Drug dealers, 6 law offenders sa Bulacan, arestado

Bulacan Police PNP

APAT na personalidad na sangkot sa ilegal na droga at at anim na lumabag sa batas ang naaresto ng Bulacan police sa iba’t ibang operasyon na isinagawa sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, 7 Abril. Sa ikinasang magkakahiwalay na buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Ildefonso at San Rafael Municipal Police Station (MPS), apat na tulak …

Read More »

23 pasaway nalambat sa Bulacan

23 pasaway nalambat sa Bulacan

ARESTADO ang 23 indibidwal na pawang may paglabag sa batas sa patuloy na operasyon ng pulisya laban sa kriminilidad hanggang nitong Huwebes, 4 Abril sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ang epektibong track down operations na inilatag ng mga operatiba ng Calumpit at Pulilan MPS …

Read More »