Kargado ng baril kelot hoyo sa Bulacan

No Firearms No Gun

ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhaan ng modified airgun na converted sa caliber .22 at isang bala habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS, katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), bilang bahagi ng Joint Police-Barangay Peacekeeping Action Teams, Mobilization towards Crime Prevention and Detection in Central Luzon (JBM Patrol System) sa Barangay Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng umaga, 3 Oktubre.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Mark Louie Sigua, hepe ng Sta. Maria MPS, nagpapatrolya ang mga tauhan ng himpilan kasama ang BPAT ng Brgy. Guyong nang lumapit ang isang concerned citizen at nagbigay ng impormasyon kaugnay sa isang lalaking may dalang baril.

Agad nagresponde ang mga operatiba sa lugar at nagsagawa ng beripikasyon at nakompirmang may hawak ang suspek na isang modified airgun na converted sa caliber .22, walang serial number, kasama ang isang live ammunition na caliber .22.

Nang hingan ng kaukulang dokumento para sa legal na pagmamay-ari o pagdadala ng baril, hindi nakapagpakita ang suspek alinman dito.

Dahil dito, inaresto ang suspek na kinilalang isang 57-anyos lalaking residente sa nabanggit na barangay.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Sta. Maria MPS custodial facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act para na nakatakdang isampa laban sa kaniya sa Office of the Provincial Prosecutor, sa lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)