Thursday , December 19 2024

Mat Vicencio

Sara-Digong o Go-Digong?

Sipat Mat Vicencio

MUKHANG hindi kontento si Senator Bong Go na tumakbo na lamang bilang vice president sa 2022 elections at lumalabas na sasabak ito sa presidential race at ang kanyang magiging kandidato sa pagkabise-presidente ay si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Nangangamoy away ngayon sa Malacañang at pati sa loob ng PDP-Laban, partido ng administrasyon. Labo-labo na rin at kanya-kanyang balyahan kung sino …

Read More »

SABONG, SAPAC o SAGO?

Sipat Mat Vicencio

SA OKTUBRE 1 hanggang 8, magsisimula na ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa lahat ng mga tatakbong kandidato sa darating na pambansa at lokal na eleksiyon na nakatakda sa 9 May 2022. Ang mainit na pinag-uusapan ngayon ay kung matutuloy ba ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte at kung sino ang kanyang kukuning ka-tandem …

Read More »

Poe, Gatchalian tatapusin ang pekeng LPG

Sipat Mat Vicencio

KAMAKAILAN lamang, sa botong 21-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No.1995 o LPG Act na naglalayong magtatag ng Cylinder Improvement Program na titiyak na mahihinto sa mga pamilihan ang bentahan ng mga depektibo at pekeng LPG. Mukhang nakalampag ang Senado. Ibinunyag kasi kamakailan ni Senator Grace Poe ang mga nagkalat na peke at depektibong …

Read More »

Panis ang senatorial bets ni Digong

Sipat Mat Vicencio

KUNG totoo mang pinangalanan kamakailan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ilan sa kanyang mga Cabinet secretary bilang kandidato sa pagkasenador, hindi nangangahulugang nakatitiyak ang mga ito ng kanilang panalo sa nakatakdang pambansang halalan sa 2022. Panis at nangangamoy sa baho ang lumulutang na pangalan ng mga kandidato ng administrasyon at higit na makabubuti kung hindi sila tumakbo at magretiro …

Read More »

Kailangan tumakbo ni Sara sa 2022

Sipat Mat Vicencio

POLITICAL survival at proteksiyon sa kanilang pamilya kung bakit obligadong tumakbo si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio bilang pangulo ng bansa sa darating na May 9, 2022 national elections. Hindi kailangan kombinsihin ng mga kaalyado sa politika si Sara para tumakbo sa eleksiyon dahil alam niya kung ano ang mangyayari sa kanila, lalo na sa kayang amang si Pangulong …

Read More »

Nasaan ang gobyerno ni Digong?

Sipat Mat Vicencio

NAKALULULA ang presyo sa kasalukuyan ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila at maraming maliliit na consumers ang hirap na kung paano mapagkakasya ang kanilang kakarampot na sahod para sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Nasaan ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?  Sa harap ng mga nagtataasang presyo ng mga bilihin, mukhang walang solusyong ginagawa ang pamahalaan …

Read More »

‘Bugbugan’ sa 2022 senatorial race

Sipat Mat Vicencio

NGAYON pa lang, dapat na sigurong mag-isip-isip ang mga politikong nagbabalak tumakbo sa pagkasenador sa darating na eleksiyon. Masasabing sobrang ‘sikip’ ang senatorial race at makabubuting hindi na lamang sila tumakbo sa nakatakdang eleksiyon sa 2022. Kung magdedesisyon na tumakbo ang re-electionist senators, aabot ang bilang nito sa siyam, bukod pa sa mga nagbabalak magbalik-Senado, na pawang malalakas dahil may …

Read More »

Grace versus Sara sa 2022

Sipat Mat Vicencio

KAPAG nagkataon, isang babae ang susunod na magiging pangulo ng Filipinas. Sa katauhan ni Senator Grace Poe at ni Davao City Mayor Sara Duterte, ang pukpukang labanan ng dalawang politikong ito ay inaasahan sa nakatakdang eleksiyong pampanguluhan sa 9 Mayo 2022. Bagamat masasabing may bentaha si Sara dahil sa malawak na makinarya at organisasyon, hindi naman matatawaran ang pinanghahawakan ni …

Read More »

Comelec kontrolado ng Smartmatic

Sipat Mat Vicencio

SA kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ibasura at huwag nang tangkilikin ang Smartmatic, nakapagtatakang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag at paghahari nito sa loob ng Comelec. Kung hindi aaksiyon si Digong, malamang makuha ng Smartmatic ang P660.7 milyon kontrata para sa pagsasaayos ng vote counting machines (VCMs) na muling gagamitin sa nakatakdang 2022 …

Read More »

Mailap ang katarungan kay FPJ

Sipat Mat Vicencio

ILANG taon na rin ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Fernando Poe, Jr., at magpahanggang ngayon ang alaala ng kinikilalang “Da King” ng Philippine movies ay nagpapatuloy at hindi pa rin naglalaho. Taong 2004, 14 Disyembre, ganap na 12:01 ng madaling araw, sa edad na 65, namatay si FPJ sa St. Luke’s Hospital, Quezon City. Stroke na nagresulta …

Read More »

Walang “counter propaganda” ang media group ni Velasco

Sipat Mat Vicencio

SA KABILA ng sunod-sunod na banat na ginagawa ng mga kalaban ni House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa ipinatutupad nitong ‘purging’ sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, tahimik, at walang aksiyong isinasagawa ang kampo ng Speaker lalo na ang media group nito. Ngayon ang tamang panahon para magsagawa ng counter propaganda o “offensive” ang head ng media team ni Velasco …

Read More »

Poe, Drilon kinuwestiyon ang pondo ng DSWD

Sipat Mat Vicencio

NAGTATAKA si Senador Grace Poe kung bakit hindi nagagamit at nakatengga lamang ang napakalaking pondo ng DSWD na nagkakahalaga ng P2.2-billion para sa feeding program sa kabila na alam naman ng lahat na napakahalaga ng programang ito. Sa Senate plenary debates para sa 2021 budget ng DSWD kamakailan, kinuwestiyon ni Poe kung bakit hanggang ngayon ay walang solusyon o alternatibong …

Read More »

Ibahagi ang inyong yaman!  

Sipat Mat Vicencio

MASASABING ‘bugbog-sarado’ na talaga ang kalagayan ng taongbayan hindi lamang dahil sa mapamuksang COVID-19 kundi pati na rin sa pananalasa ng magkakasunod na bagyong Rolly at Ulysses. Sa mga naunang datos ng NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Ulysses ay umabot na sa P2.14 bilyon at P482.85 milyon naman ang pinsala sa impraestruktura. Nakapagtala rin ang NDRRMC ng …

Read More »

Hindi kayang ‘gibain’ si Briones

Sipat Mat Vicencio

SA KABILA nang patuloy na pagsasaayos para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at guro sa panahong ng pandemya, pilit namang ‘ginigiba’ ng mga leftist organizations ang ginagawa ng Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Sec. Leonor Briones.   Nakapagdududa ang ganitong sunod-sunod na atake ng National Union of Students in the Philippines (NUSP), Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark) …

Read More »

Maling ‘galaw’ ni Velasco

Sipat Mat Vicencio

MARAMI ang nag-akala na sa pagkakaluklok ni Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong speaker ng House of Representatives, ang mga tapat at kakamping kongresista nito ay mabibigyan ng puwesto matapos masibak si dating Speaker Alan Peter Cayetano. Pero marami ang nagkamali sa mga kaalyadong kongresista ni Velasco, dahil sa halip na sila ay ilagay sa mga pangunahing komite, ang mga …

Read More »

Special session banta ni Digong kay Cayetano

Sipat Mat Vicencio

ANG apat na araw na special session ng House of Representatives na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na magsisimula sa 13-16 Oktubre ay magsisilbing “balaraw na nakaumang sa ulo” ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Sa panahon ng special session, malamang may paglagyan si Cayateno kung maaantala at hindi kaagad maipadadala sa Senado ang  P4.5 trillion proposed national budget …

Read More »

Matet, sundin mo ang term-sharing!

Sipat Mat Vicencio

ANG LINAW, at kahit saan mo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, halatang nagpapalusot lang itong si House Speaker Alan Peter Cayetano!  Hindi kayang debatehin ng sino man na ayaw talagang ibigay ni Cayetano ang speakership kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ang kasunduan na mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pumagitna kina Cayetano at Velasco, ay klaro na …

Read More »

Bakbakan sa 2022 vice presidential race

Sipat Mat Vicencio

SA HALIP pagtuunan ng pansin ang mga tatakbong politiko sa pagkapangulo, minabuti nating higit na pulsuhan ang mga posibleng tumakbong kandidato sa pagkabise-presidente sa darating na 2022 presidential election. Asahang sa darating na Enero, kanya-kanyang postura na ang mga tatakbo sa pagkabise-presidente at tiyak na mararamdaman natin ang kanilang presensiya sa media pati na ang gagawing paglilibot sa lugar ng …

Read More »

DPWH budget sinopla ni Grace at Ping

Sipat Mat Vicencio

NITONG nakaraang linggo, pormal nang sinimulan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagdinig sa panukalang pambansang budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion para sa gastusin ng Filipinas sa 2021. Sa taong ito, ang pambansang budget ay nakatuon para sa pagpapaunlad sa healthcare system, food security, paglikha ng mas maraming trabaho, at pagsusulong ng digital government at economy para higit pang …

Read More »

Ginigiba si Arnold?

Sipat Mat Vicencio

KUNG tutuusin, hindi na bagong balita ang usapin na si Arnold Clavio ang ama ng panganay na anak ni Sarah Balabagan. Panis na ang balitang ito at matagal nang paulit-ulit na lumulutang lalo na kung merong nasasaling si Arnold na malalaking politiko. Kaya nga, hindi nakapagtataka kung bakit biglang pumutok ang balita sa social media at ang biglang paglutang ni …

Read More »

Happy birthday, Da King!

Sipat Mat Vicencio

SA HUWEBES, Agosto 20, muling ipagdiriwang ng mga nagmamahal kay Fernando Poe, Jr., ang kanyang ika-81 araw ng kapanganakan. At sa paggunita ng mga tagahanga ni FPJ, higit na kilala sa taguring Da King, inaasahang muling sasariwain ang magagandang alaalang kanyang iniwan. Sa puntod ni Da King, sa Manila North Cemetery, ang pagsasama-sama ng mga tagasuporta para muling ipakita ang …

Read More »

Sibakin ang media handler ni Sen. Villar

Sipat Mat Vicencio

PANAHON na siguro para sibakin ni Sen. Cynthia Villar ang kanyang mga media handler. Parang walang matinong payo na ginagawa ang mga nakapalibot kay Villar kaya madalas at paulit-ulit na mali ang mga binibitiwang salita nito sa publiko. Baka naman wala talagang ginagawang advise ang mga media handler at hinahayaan na lamang nilang sumabak si Villar sa media interviews kaya …

Read More »

Trabaho, koryente, tubig sa SONA ni Digong

Sipat Mat Vicencio

NGAYONG araw, isasagawa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang ika-limang State of the Nation Address o SONA. Ang SONA, base sa Konstitusyon, ay obligasyon ng isang Pangulo na taunang mag-ulat sa taongbayan hinggil sa kalagayan ng bansa at kasabay nito ang paghahayag ng mga planong gagawin ng pamahalaan sa darating na taon. Iniaatas din ng Konstitusyon sa Pangulo ng …

Read More »

Cayetano hindi susundin ang term-sharing kay Alvarez

Sipat Mat Vicencio

DAHIL sa pangyayaring hinatulan ng ‘kamatayan’ ang prangkisa ng ABS-CBN, masasabing lalong tumatag ang liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano at mukhang nasa posisyon ngayon na hindi sundin ang napagkasunduang speakership term-sharing kay Rep. Lord Allan Velasco. Malinaw na pagsunod sa kagustuhan o kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ginawa ng Kamara kaya naisakatuparan ang pagsibak sa ABS CBN, …

Read More »

“Hoy, Marcoleta, hindi ka editor!”

Sipat Mat Vicencio

SIGE, sabihin na nating nagtagumpay na nga ang grupo ni Congressman Dante Marcoleta na ipasara ang ABS-CBN matapos bumoto ang 70 kongresista sa pagbasura sa hinihinging Congressional franchise ng dambuhalang broadcast network. Ang mga akusasyon tulad ng citizenship ni Eugenio “Gabby” Lopez, usapin sa tax evasion, labor violation at iba pang kontrobersiya ang tinitingnang dahilan na siyang nagpabagsak sa TV …

Read More »