Thursday , June 4 2026
Sipat Mat Vicencio

Si FPJ sa mata ni Grace

SIPAT
ni Mat Vicencio

HALOS magkasunod na ipinagdiwang ng pamilya Poe ang kaarawan ng yumaong Hari ng Pelikulang Filipino na si Fernando Poe, Jr., at ng kanyang anak na si Senador Grace Poe.

At alam naman natin na tuwing sasapit ang kaarawan ni Da King, tuwing Agosto 24, binabalik-balikan natin ang masasaya at magagandang alaala ni FPJ.  Sino nga ba naman ang makalilimot sa mga pelikulang sinundan ng sambayanan? Sino nga ba ang hindi nabigyan ng inspirasyon sa mga kuwento ng buhay na binigyan niya ng kulay sa kanyang mga pelikula?

Gaya ng marami, isang malaking inspirasyon at impluwensiya si Da King, sa mismong kanyang anak na si Senador Grace Poe. Kaya nga, hindi maikakaila kung anong prinsipyo ang nangingibabaw sa senador habang ginagam­panan ang kanyang trabaho bilang isang mambabatas.

Sa isang panayam sa senador ng aktres na si Toni Gonzaga kamakailan, binalikan ni Grace ang mga alaala at aral ng ama na nakawaksi lagi sa kanyang isipan at maituturing na kanyang “brand of service” sa pagganap ng kanyang trabaho.

Sa mata ni Grace, ang ama ang malaking halimbawa ng tunay na pagtulong sa kapwa. “You always have to be humble,” ‘yan ang unang pangaral ng ama na hindi niya maiwawaglit sa kayang isip.

“You always have to help, if you have the means to help,”  ang ikalawang turo ni FPJ sa senador na kanyang ginagawa ngayon sa pagganap ng kanyang trabaho.

Kung may pagkakataon nga raw na magkikita o makakausap niya ang ama, naniniwala siyang magiging proud ito sa kanya bilang lingkod ng bayan.

Wala rin pagtanggi sa senador na hindi niya mararating ang kanyang kinalalagyan ngayon kung hindi sa kanyang ama. At proud siya rito at magpakailanman ay tatanawing utang na loob.

Kaya nga sa anumang plano, lalo sa usapin ng politika, nakaangkla sa prinsipyo na turo ng ama ang kanyang mga adhikain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …