Thursday , January 20 2022

Konsintidor si Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

INAASAHANG gera-patani na naman ang mangyayari sa dalawang babaeng malapit kay dating Senator Bongbong Marcos lalo na ngayong inaabangan ng marami ang paghahain ng kanyang kandidatura (certificate of candidacy (COC) filing) na magsisimula sa Oktubre 1 hanggang 8.

Hindi iilan ang nagsasabing mauulit at magiging matindi ang gulo na magaganap sa pagitan ng dalawang babae kapag lumarga na ang kampanya para sa inaasahang presidential bid ni Bongbong.

Mahirap awatin ang dalawang babaeng malapit kay Bongbong, at tulad ng dati maraming madadamay at ang iba naman ay kakalas na lamang sa kampanya kaysa maipit sa dalawang batong nag-uumpugan.

At hindi lamang media group handling ang pinag-aawayan ng dalawang babae, kundi kung sino mismo ang susundin sa pagpapatakbo ng kampanya ni Bongbong at kung sino rin ang dapat na tanghalin sa kanila bilang ‘reyna’.

Lagi’t lagi, ang problema sa bangayan ng dalawang babae ang maituturing na bulabog kapag sumasapit ang kandidatura ni Bongbong.  Walang ginawa ang dalawa kundi ang magbangayan na nagreresulta ng hindi maayos na takbo ng kampanya.

Ang nakapagtataka ay kung bakit iwas-pusoy lagi si Bongbong. Wala tayong nabalitaan sa mga nagdaang gulo ng kanyang kandidatura na pumagitna o pinag-ayos man lamang ang bangayan ng dalawang babae.

Tahasang masasabing konsintidor si Bongbong!  Ayaw niyang masasaling ang isa man sa dalawang babaeng malapit sa kanya kahit na magresulta ng gulo at hindi maayos na pagpapatakbo ng kanyang kampanya.

At kung totoo mang pera ang isa sa pinag-aawayan ng dalawang babae, dapat sigurong makialam na si Bongbong. Nakahihiya kasi kung galing ito sa campaign contributions na nakalaan para gastusin sa kandidatura at hindi para ibulsa.

Maaaring pag-isipan pa si Bongbong na nakikinabang siya sa pinag-aawayan ng dalawang babae kaya hindi siya kumikibo at kumikilos para awatin ang nasabing gulo ng dalawang mahal niya sa buhay.

Kaya nga, mabuting umaksiyon na si Bongbong, at habang maaga ietsapuwera niya ang dalawang babae sa kampanya dahil malamang na maging dahilan ito ng kanyang pagkatalo sa halalan. ‘Yan ay kung kayang gawin ni Bongbong!

About Mat Vicencio

Check Also

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Sino ka?

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMING umaangkin sa karangalan na masabi na sila’y …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mag-isip-isip ‘outside the vaxx’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAHIT paulit-ulit pang itanggi ng gobyerno, hindi mapapasubalian na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Bakuna o kita na may kaakibat na virus?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19 partikular …

Dragon Lady Amor Virata

Tatlong panibagong variant… tama na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HIRAP na dinaranas ngayon ng ating bansa, mahihirapan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Untouchable sa Palasyo

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang kalakaran ng paggamit ng impluwensyang kalakip ng puwesto …

Leave a Reply