Thursday , June 4 2026
Sipat Mat Vicencio

Grace tiyak ang panalo sa VP race

SIPAT
ni Mat Vicencio

KATAKA-TAKA kung bakit sa pinakahuling survey na ginawa ng Pulse Asia ay hindi isinama ang pangalan ni Senador Grace Poe sa mga posibleng tumakbo at manalo sa pagka-bise president sa darating na 2022 elections.

Tila may pananadya yata ang hindi pagsali ng kanyang pangalan sa listahan at isinama lang ang pangalan niya sa posibleng manalo sa pagka-presidente sa kabila na may deklarasyon ang senador na hindi na siya tatakbo sa pampanguluhang eleksiyon.

Pero kung tatakbo nga si Grace, walang kaduda-duda na mananalo siya sa pagka-bise presidente lalo na siguro kung ang tandem niya ay si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa mga lumulutang na pangalang vice presidentiables, walang maaasahang panalo si Senate President Tito Sotto, Senator Bong Go, Senator Richard Gordon, Senator Sherwin Gatchalian at dating Senator Sonny Trillanes.

Maliban sa 2016 vice presidential loser at dating Senator Bongbong Marcos, ang lahat ng nag-aambisyong maging bise presidente ay sa kangkungan lamang dadamputin pagdating ng halalan.

Hindi maipagmamalaki ni Bongbong ang sinasabing “Solid North” na magiging baluwarte ng kanyang boto dahil tiyak na hindi pahuhuli ang mga supporter ni Grace na patuloy na nagmamahal sa kanyang amang si Fernando Poe, Jr., ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Filipino.

Ang “magic” ni FPJ ay nagpapatuloy at malabong kaya itong gibain o banggain ni Bongbong sa darating na halalan.

At balikan natin ang Pulse Asia, patunay ito na malakas pa rin si Grace.  Akalain n’yo bang sa kabila ng kanyang pagdedeklara na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo ay umani pa rin ng maraming boto. Pumasok sa ika-apat na puwesto, kahit hindi siya madalas makita sa mga balita ngayon at hindi sumasabay sa mga pang-eepal ng tatlong nasa unahan.

Talagang nakapagtataka lang kung bakit hindi siya isinama sa listahan ng pagka-bise presidente. Nanguna sa nasabing survey si Pangulong Duterte, Moreno, Sotto, at Marcos.

Kung isinama lang si Grace, baka siya ang nanguna.

Sa ngayon, hindi pa rin malaman kung talaga bang tatakbo si Grace sa pagka-bise presidente pero ang malinaw ay wala siyang deklarasyong binibitiwan hinggil sa nasabing posiyon maliban kung wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo.

At kung tatakbo naman itong si Digong, nakow, hindi na dapat pinagpapapansin pa ngayon dahil siya ang taong walang isang salita!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …