Saturday , May 28 2022
Sipat Mat Vicencio

Malaking tulong si Imee sa kandidatura ni Leni

SIPAT
ni Mat Vicencio

WALANG ibang dapat pasalamatan kundi si Senador Imee Marcos kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga sumusuporta ngayon kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Ang maruming mga atakeng pinakakawalan ni Imee sa social media ay hindi tumatalab at sa halip lalo lamang lumalakas at tumitibay ang suporta ng taongbayan sa kandidatura ni Leni.

Nakapagtatakang biglang nagbago ang taktika ni Imee. Kung dati ay anyong maamong tupa na hindi pumapatol sa ipinupukol ng kanyang mga kaaway, ngayon naman ay parang isang mabangis at naglalaway na hyena na handang lumapa ng kanyang mga kalaban.

Mali ang ginagawa ni Imee! Ang kanyang pakikipagbardagulan ay lumilikha ng maraming kaaway at pati ang kandidatura ng kanyang nakababatang kapatid na si Bongbong ay naaapektohan.

Lumalabas tuloy na kakampi si Imee ni Leni. Sa ginagawang pakikipag-away ng senador, marami ang nagagalit at imbes si Bongbong ang kanilang tulungan, marami ang bumabaliktad at pumupunta kay Leni para kanilang suportahan.

Hindi na natuto si Imee. Ang mahabang karanasan at pamamaraan sa politika ay kanyang nakalimutan at hindi naaalala na mas epektibo kung ang isang tao ay inaapi at pinagtutulungan dahil sa huli ito ang mananalo sa laban. FPJ formula, noh!

Sa ngayon, tuwang-tuwa ang kampo ni Leni sa ginagawang mga banat ni Imee dahil kahit na paano nababawasan at gumagaan ang trabaho ng mga organizers ng ‘Kakampink’ at madali nilang nakukumbinsi ang mga botante para sa kanilang kandidato.

Itigil na rin sana ni Imee ang kanyang pagmamayabang o pagmamataas lalo na sa kanyang mga interview at presscon na parang sinasabing panalo na si Bongbong kahit hindi pa naman tapos ang eleksiyon.

Sabi nga ni Imee, “sasabihin ko ang totoo, ang dami-dami yatang nag-o-audition na maging Cabinet member. ‘Yan ang aking nakikita marami talaga. Dati, ayaw talaga sa gobyerno. Ngayon magvo-volunteer. ‘Yan ang nakakatuwa.”

Sana makita at gayahin ni Imee ang ginagawa ni Bongbong na sa kabila ng walang tigil na batikos ng kanyang mga kalaban, hindi niya ito pinapatulan at nagpapabugbog lang dahil alam niyang siya ang papanigan ng taongbayan.

Hindi natin alam kung ano ang nangyari kay Imee at hindi rin natin alam kung sinong henyo ang nagbigay ng advice sa kanya para umastang siga o maton at makipag-away ngayong panahon ng eleksiyon.

Sabi nga, sige Lenlen pa more!

About Mat Vicencio

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Murang kuryente, langis possible kahit hindi ibasura tax measures

PROMDIni Fernan Angeles KUNG gusto may paraan. Ito ang diin ni Energy Undersecretary Benito Ranque …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Stiff neck tanggal agad sa machine therapy at Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang araw po sa inyo Sis Soly Guy Lee at Sis Fely …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Leadership ni QC Jail Warden Supt. Bonto, sinasabotahe

AKSYON AGADni Almar Danguilan Malalamang na desperado-desperado ngayon ang “mastermind” sa layuning mapalitan si Quezon …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDIni Fernan Angeles SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay …