Friday , June 2 2023
Bea Alonzo Rhea Tan Anne Curtis Angel Locsin Angelica Panganiban Dimples Romana

Bea happy sa pagbubuntis ni Angelica 

MATABIL
ni John Fontanilla

GAME na sinagot ni Bea Alonzo ang mga katanungan ng entertainment press na dumalo sa launching niya bilang ambassador ng Beautederm na isinagawa sa Luxent Hotel. Iniendoso nito ang Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. 

Natanong si Bea ukol sa kanyang buhay pag-ibig gayundin ang ukol sa mga kaibigan niyang sina Anne Curtis, Angel LocsinAngelica Panganiban, at Dimples Romana. Dalawa sila ni  Angelica na wala pang pamilya pero masaya si Angelica sa pag-aming buntis ito sa kasalukuyan samantalang si Bea ay happy din sa kanyang relasyon kay Dominic Roque.

At kahit wala pa sa plano ng Drama Queen ang pag-aasawa, happy naman ito sa kanyang mga kaibigan lalo na kay Angelica na malapit nang maging mommy.

“Ako masasabi ko siyempre, i’m very very happy for my friends, lalo na si Angge.

“Alam ko talaga na ‘yun ang matagal na niyang gusto, na magkaroon ng baby. So I’m very very happy for her.

“Pero siyempre, may kanya-kanya tayong timeline, hindi naman ako mape-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies,

“Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago kasi ‘yung mga kaibigan ko from high school, mga nagsipag-asawa na saka mga nagsipag-anak na.

“So ‘yun nga! Parang kanya-kanya tayo ng ano eh, kanya-kanya tao ng kumpas sa buhay, kanya-kanya tayo ng struggles, kanya-kanya tayo ng blessings, and I refuse to be compared to these wonderful women kasi kanya-kanya tayo ng strength and weaknesses.”

Sa ngayon nga ay hindi prioridad ni Bea ang pag-aasawa lalo na’t napakaraming proyekto ang kanyang gagawin. Isa na rito ang seryeng pagsasamahan nila ni Alden Richards.

About John Fontanilla

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …