Sunday , December 14 2025

Maricris Valdez Nicasio

Concert King Martin Nievera solid Kapamilya pa rin

Martin Nievera

KAPAMILYA pa rin ang nag-iisang Concert King ng bansa na si Martin Nievera matapos pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4 sa Amerika, bago ang live event ng ASAP Natin ‘Tosa Las Vegas. Para kay Martin, maituturing ang kanyang contract renewal bilang isa sa highlights ng kanyang 40th showbiz anniversary. Dahil dito, labis ang kanyang pasasalamat na manatiling Kapamilya para patuloy na makapagbigay …

Read More »

Jomari wagi sa Rally Sprint RS Open Category

Jomari Yllana Andre Yllana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRANG proud ni Abby Viduya kay Jomari Yllana nangmaka-second runner-up sa Rally Sprint RS Open Category ng Paeng Nodalo Memorial Rally noong November 5 sa Subic Bay Freeport.  Matagal-tagal ding hindi nakapangarera si Jomari subalit hindi nakitaan ng paninibago ang aktor/politiko dahil masigla niyang natapos ang karera at nakakuha pa ng puwesto. Malaking bagay ang suportang ibinigay ni Abby kay Jomari …

Read More »

Boy, Ice sanib-puwersa sa 5th EDDYS Ng SPEEd

Ice Seguerra Boy Abunda EDDYS SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TULOY na tuloy na ang ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th EDDYS nitong nagdaang 2021. Ang OPM icon at premyadong singer-songwriter na si Ice Seguerra ang magdidirehe ng ikalimang edisyon ng The EDDYS. …

Read More »

Kroma mag-a-adapt ng Korean series

Kroma

MATAGUMPAY ang isinagawang paglulunsad at paglalahad ng mga programa ng Kroma Entertainment, isang tradigital (traditional-digital) entertainment company kamakailan sa Kroma Overload event na isiangawa sa Circuit Makati. kasabay ang pagpapahayag ng kanilang mga plano sa taong 2023 kasama na ang pag-adopt ng Korean series at paglulunsad ng local version ng Complex, isang New York City based youth culture media brand. Nakikipag-ugnayan na …

Read More »

Andre malaking pressure pagiging anak nina Aiko at Jomari

Andre Yllana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI talaga showbiz ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana kahit matagal-tagal na rin itong nag-aartista. Diretso at totoo kasi ito sumagot kapag naiinterbyu. Tulad sa isinagawang The Rain in Espana cast reveal kamakailan ng Viva Entertainment, na isa si Andre sa mga ipinakilalang celebrities na kasama rito at natanong kung ano ang advantage at disadvantage na maging anak …

Read More »

Maja ‘di nahirapan sa pagbabalik-Kapamilya: Na-miss ko gumawa

Maja Salvador

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Richard Gutierrez na matagal nang planong magsama sila ni Maja Salvador subalit hindi iyon natutuloy. At pagkalipas ng ilang taon at maintriga si Maja sa ginawang paglipat sa ibang network, nagbabalik ang aktres sa ABS-CBN, kasama si Richard para sa  The Iron Heart. Makakasama nina Richard at Maja sa The Iron Heart sina Sue Ramirez, Jake Cuenca, Dimples Romana, Baron Geisler at marami …

Read More »

Hollywood Lane isasagawa sa Sct Borromeo; Chase Romero ibi-build-up ng KSMBPI

Chase Romero

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANG-MMK o Magpakailanman ang lovelife ni Chase Romero, bida sa pelikula ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc.  (KSMBPI) ni Dr. Michael Aragon na Socmed Ghosts dahil makulay at masalimuot ito. Kuwento ng dating napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, niloko siya ng dating boyfriend at ipinagpalit sa ibang babae. Kaya naman sobra siyang naapektuhan na nauwi sa depresyon.  Hanggang sa dumating ang pagkakataon na makapasok siya …

Read More »

Debbie Garcia 3 kaso isinampa kay Barbie Imperial; VAA nagpahayag ng suporta 

Debbie Garcia Barbie Imperial

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SINAMPAHAN ng slight physical injury ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial matapos ang umano’y pananakit at panunugod sa kanya habang nasa isang bar sa Quezon City. Bukod dito, nag-file rin si Debbie ng grave oral defamation at grave slander by deed laban kay Barbie kahapon ng hapon sa Department of Justice sa Quezon City. Kasama ni …

Read More »

Joshua Mendoza nakamamangha galing sa piano

Joshua Mendoza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TUNAY na nakamamangha ang galing ni Ralph Joshua Mendoza na kamakailan ay itinanghal na 1st placer sa isang piano international competition. Sa edad 18, puwede na siyang ihilera at ilaban sa mga magagaling na pianista. Nakausap namin si Ralph Joshua noong Sabado at naikuwento nitong seven years old pa lang siya’y nahilig na sa pagtugtog ng piano.  Bagamat …

Read More »

Jomari Yllana balik-car racing at acting

Jomari Yllana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Jomari Yllana na hindi pa rin nawawala ang excitement sa tuwing nangangarera siya ng kotse. Bagamat natigil siya ng kung ilang taon sa pangangarera, lalong nadaragdagan ang gigil niya sa paghawak ng pangarerang kotse. Ani Jomari nang makausap namin ito sa paglulunsad ng rally/race event, ang Paeng Nodalo Memorial Rally sa Dapo Restaurant, sinabi niyang bukod sa …

Read More »

Elijah Canlas pinapak ng niknik

Elijah Canlas

NAPAGOD kami habang pinanonood ang Livescream na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Phoebe Walker at idinirehe ni Perci Intalan. Bayolente at sobrang pinahirapan kasi si Elijah sa pelikula at napakaraming challenges ang ipinagawa sa aktor na makapigil-hininga. Maging si Elijah ay aminadong challenging at boldest role ang horror movie na  Livescream. Ginagampanan ni Elijah ang role ng isang online influencer na si Exo. Mahilig siyang gumawa ng mga …

Read More »

Angeli Khang pinagpasasaan ni Jay

Angeli Khang Jay Manalo Selina’s Gold

GRABE sa pinakagrabe para sa amin ang mga ginawang lovescene at paghuhubad ni Angeli Khang sa pelikulang Selina’s Gold na napapanood na sa Vivamax kasama sina Gold Aceron at Jay Manalo. Subalit napansin namin na kahit ganoon katindi ang mga lovescene, paghuhubad, at mga obscene dialogue, inalagaan pa rin siya ng direktor nitong si Mac Alejandre. Nangibabaw pa rin kasi ang galing umarte ni Angeli kaya makakalimutan mong sobra-sobra ang …

Read More »

Sam sa pagpo-propose kay Cat: Hintayin n’yo lang, she’s the one

Sam Milby Beautéderm Health Boosters REIKO KENZEN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Sam Milby na si Catriona Gray na ang the one para sa kanya at hindi na rin naman siya bumabata para hindi maisip na magpakasal. Pero ayaw pa niyang i-reveal kung kailan ba siya magpo-propose dahil mawawala nga naman ang surprise element kapag ipinaalam na niya sa publiko. Sa paglulunsad ng Beautederm kay Sam bilang brand ambassador …

Read More »

Topacio ayaw sa first day last day

Mamasapano Now It Can Told

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-VOCAL ni Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Film Productions sa pagsasabing hindi siya komporme sa “first day, last day” sa mga sinehan tuwing Metro Manila Film Festival. Ang tinutukoy ni Topacio ay ang nangyayaring pagtanggal sa mga pelikula ‘pag hindi kumikita o pinapasok. Sa mediacon Mamasapano Now It Can Told, isa sa official entries sa MMFF 2022 natanong ang lawyer/film producer kung may …

Read More »

Bagong singer na si Tera handa sa bigtime career

Tera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BONGGANG-BONGGA ang paglulunsad kay songwriter- singer-dancer TERA noong Martes, Oktubre 25, 2022, ng Merlion Events Production Inc. at ng Tyronne Escalante Artist Management TEAM, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.  Inawit-sinayaw ni Tera (Earth sa Latin) kasaliw ng music video ang kanyang latest single, Higher Dosage. Komposisyon ni Tera ang Higher Dosage na naisulat niya noon pang 2019. Isa itong …

Read More »

Laplapan nina Joshua at Janella trending 

Joshua Garcia Janella Salvador kissing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang kinilig at nagtatalon sa sorpresang inihatid nina Joshua Garcia at Janella Salvador nang maghalikan ang dalawa noong Lunes sa primetime series na  Mars Ravelo’s Darna. Trending ang eksenang nagtungo si Black Brian (Joshua Garcia), ang “extra” na nag-i- impersonates sa totoong police officer na si Brian Robles sa opisina ni Regina (Janella) para bigyan siya ng red rose sabay sabing, “Sabi …

Read More »

Daniel at Kathryn ‘di inakalang tatangkilikin ang 2G2BT, fans ipina-e-extend

Kathniel 2G2BT Daniel Padilla Kathryn Bernardo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Daniel Padilla na hindi niya inakalang tatanggapin ng netizens ang kanilang show na 2 Good 2 Be True ni Kathryn Bernardo na madalas pang number one sa Netflix at most watched series din sa IWantTFC. Ani Daniel, natakot siya noong una na baka hindi kagatin ng publiko ang kanilang comeback series. Hindi niya inakala na tatangkilikin pa rin sila ng manonood. …

Read More »

Sa paggawa  ng movie at serye
ARJO NANINIWALANG KAYANG MAKIPAGSABAYAN NG MGA PINOY

Ria Atayde Arjo Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKI ang kompiyansa ni Arjo Atayde sa galing ng mga Pinoy kaya nasabi nito nang magtungo sa MIPCOM Cannes n kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa paggawa ng pelikula at teleserye. Dumalo ang aktor/kongresista sa MIPCom Cannes para sa international premiere ng kanyang movie series na Cattleya Killer na ipinrodyus ng ABS-CBN at ng kanilang Nathan Studios. Nakasama niya roon ang mga magulang na …

Read More »

Liza sa pagtangkilik sa K Drama: Hindi minadalimay solid support

Liza Diño FDCP

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAWALAN ng local content na magugustuhang panoorin ng mga Pinoy mula sa mga local producers. Ito ang ibinigay na dahilan ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño ukol sa mungkahing i-ban ang mga Korean series sa Pilipinas.sa suporta Nag-ugat ito sa naging pahayag kamakailan ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa tagumpay ng mga K-drama sa bansa …

Read More »

One Good Day ni Ian Veneracion mala-John Wick movie

Ian Veneracion One Good Day

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA si Ian Veneracion nang sabihing mala-Liam Neeson ang bagong action series niyang One Good Dayng Studio Three-Sixty at sinabing, “Mas bata naman ako! Ha-hahaha! “Actually mala-John Wick (ni Keanu Reeves) at saka si Liam,” ani Ian na after how many years ay ngayon lamang uli gagawa ng action movie. Pero iginiit ng actor na hindi naman siya nanibago sa mga …

Read More »

Nadine sa tumawag ng matanda at tuyot: At least ‘di kasing dumi ng ugali mo

Nadine Lustre

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BINUWELTAHAN at hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang mga basher na maya’t maya ay walang ginawa kundi ang laitin siya. Sa totoo lang, isa si Nadine sa madalas mabiktima ng body shaming at hate comments ng netizens sa social media.  Tulad na lang ng komento sa isa niyang litrato sa Twitter na sinabing ibang-iba ang itsura niya ngayon kompara noong …

Read More »

Little Miss Philippines Marianne Bermudo papasukin na ang pag-arte

Marianne Beatriz Bermundo, 2021 Little Miss Universe

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SABAY na magtutungo sina Marianne Beatriz Bermundo, Little Miss Universe 2021 at Little Miss Philippines 2022 Kate Hillary  Tamani sa Dubai sa October 24 para sa Little Miss Universe 2022. Ipapasa kasi ni Marianne ang korona sa tatanghaling LMU 2022 samantalang si Kate naman ang ating pambato. Ani Marianne, masaya siyang isasalin na niya ang kanyang korona sa tatanghaling Little Miss Universe 2022. “I feel …

Read More »

Newbie singer Jericho Violago kaabang-abang

Jericho Violago

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI ko maiwasang ‘di mapa-wow! habang iniinterbyu ang bagong singer na tiyak naming lilikha ng pangalan sa music industry. Siya si Jericho Violago, cum laude, graduate ng BS Business Management sa Ateneo de Manila University at lahat na yata ng genra ng music ay nakanta niya. Sa pakikipagkuwentuhan kay Jericho over lunch kasama ang kanyang very supportive …

Read More »

The Beer Factory ni CJ Quinzon pambansang gimikan

CJ Quinzon The Beer Factory

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI mahulugang karayon sa dami ng tao ang grand opening ng The Beer Factory sa Eton Centris, Quezon Ave kamakailan dahil sa rami ng nagpunta roon para tunghayan ang bagong gimikan. Puno ng mga kaibigan at kamag-anak ni CJ Quinzon, ang batam-batang milyonaryo at may-ari, ang  loob at labas ng The Beer Factory gayundin ang venue sa labas nito …

Read More »

Angela at Vince isang buong araw nagniig

Vince Rillon Angela Morena

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKAHABA, senswal, at naiiba ang mga estilo sa pagse-sex nina Angela Morena at Vince Rillon ang napanood namin sa private screening ng Tubero naidinirehe ni Topel Lee at collaboration ng APT Entertainment at Viva Films.  Ang dahilan, isang buong araw pala talaga kinunan ang nasabing eksena. Ayon kay direk Topel, “originally we wanted sana a copy of a love story tapos may halong erotika. So ang …

Read More »