Saturday , February 4 2023
Blvck Ace

Bagong P-pop group na Blvck Ace malakas ang dating; sumabak sa matinding training

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT tatlong buwan lamang dumaan sa matinding training, napakalakas ng dating ng bagong P-Pop group, ang Blvck Ace na nasa pangangalanga ng Blvck Entertainment nina Engineer Louie at Grace Cristobal. Kitang-kita ang galing ng grupong kinabibilangan nina Anasity, Ely, Jea, Rhen, at Twinkle nang magpakitang gilas sila bago simulan ang media conference noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Grace walang ka-counterpart ang binuo nilang grupo. Natanong kasi ito kung ang Blvck Ace ay counterpart sa ‘Pinas ng Black Pink at mabilis niyang sinagot na hindi.

Aniya, “Wala kaming ka-counterpart. So from the name itself, ‘yung Blvck Ace, from Blvck Entertainment kaya andoon din ‘yung black. Then ‘yung ace, it derive from my name itself. Si Ace galing sa Grace, siyempre kapag sinabing Ace, siya ‘yung alas natin. 

“So sila iyong pinaka-unang-una naming ini-launch na girl group or mga artist ng Blvck Entertainment kaya naging Blvck Ace. I wanted also to let you know na kaya siya naging Blvck Ace, ito iyong unang labas nila and at the same time ito iyong mga fresh, mga first timer, first time nila lahat. First time nila sa lahat ng bagay,” paliwanag ni Grace na bukod sa pag-aalaga ng talent, pagpo-produce, may iba pa silang negosyo, ang Grace appliances.

Ipinagmamalaki ni Grace ang grabeng training na ginawa nila sa grupo na may kanya-kanyang makabagbag-damdaming kuwento sa kani-kanilang buhay kaya tiyak na gagawin nila ang lahat para maabot ang kanilang mga pangarap.

“Actually dumaan silang lahat sa sobrang training. Hindi lang training na actual for their bodies, kahit iyong mga personality development, andyan din ‘yung training namin sa kanila,” sambit ni Grace.

“And for course mabibigla kayo kasi for three months lang sila nag-training. So ibig sabihin, dahil sa ganoon lang ang time for the training, andyan iyong listen and follow the instruction. Kasi naging attentive sila sa lahat ng bagay na gusto naming ipagawa sa kanila. And yet alam na alam naman nila na wala naman kaming ipagagawa sa kanila na ikasasama nila. But of course lahat ikakabuti nila.” 

Very proud si Grace sa kanilang mga alaga. “Kaya andito tayo at mayroong media presscon kasi gusto naming ipakilala sa inyong lahat kung gaano sila kagaling kasi almost three months lang nang ilabas namin sila. ibig sabihin ang disiplina nagsisimula rito sa bahay nila.”

Sinabi pa ni Grace hindi lamang pang-P-Pop ang Blvck Ace.  

“Actually kasama na rin sila sa P-Pop. And ang pinaka-importante roon ayaw ko ring mag-settle lang sa pagiging P-Pop. Ang gusto ko pa rin siyempre kahit paano maipagpatuloy natin ang pagmamahal natin sa OPM music. So andito sila para at least para maipakita ang novelty songs. iyon ang pinaka-ano namin, novelty. Kung narinig ninyo iyong ‘Pasahero’ so kahit sino rito ma-e-LSS na. So ang market namin pangkalahatan, wala tayong pinipiling market. Ang importante roon ang novelty songs maipakita namin,” paliwanag pa ni Grace.

‘Positive’ kung i-describe ng Blvck Ace ang kanilang musika dahil gusto nilang makapagbigay ng positibong pananaw sa mga listener ng kanilang music. Nais din nilang relatable ang kanilang musika tulad ng unang single nilang Pasahero na tribute sa mga taxi, jeepney, motorcycle, at transport service drivers na siyang mga naghahatid ng ligtas sa ating patutunguhan. Sa malalim na pananaw, ang ‘driver’ ay patungkol sa isang kaibigan at ang ‘pasahero’ ay patungkol sa isang indibidwal na nangangailangan ng tulong sa mga pinagdaraanan sa buhay. Tulad ng lyrics sa kanta: Ikaw ang aking pasahero. Ako ang s’yang magmamaneho. At ako ang ‘yong superhero. Na taga payo o sa t’wing akala mo tinatalikuran ka na ng mundo.’

Iri-release rin nila ang ikalawang single ngayong Disyembre na isang Christmas song.

Wala namang paistaran o lider sa lima. Lahat sila ay pantay-pantay at nagtutulungan.

‘Ika ni Ely, “Walang roles, gusto ng management pantay-pantay kami and we as a group may kanya-kanyang talent. Talented kaming lahat mapa-acting, singing, dancing, dahil andito rin ang Blvck Entertainment, our management, para hasain pa po ang iba naming talent at ma-improve pa. Kaya we don’t apply roles po kasi we can be a singer, a dancer flexible po kami sa lahat. And andito ang management para gabayan po kami just like our Engineer Grace Cristobal said kanina.”

Sinang-ayunan naman ito ni Twinkle, at aniya, “I agree with that, lahat namin kami tulong-tulong. Kung may nakikita po kaming kulang dito sa aming kasama tinutulungan namin. Tinuturuan namin siya, hindi namin siya pinababayaan kasi nga tinitingnan namin ang bawat isa sa amin na pantay-pantay, walang mataas o kung sino iyong mas nababagay dito.”

Lahat ng members ng Blvck Ace ay mga first timer pagdating sa pagpe-perform na ang edad ay nagre-range mula 18 to 19. Ang Blvck Ace ay isa lamang sa mga grupo na ipakikilala ng Blvck Entertainment. Marami pa silang nakalinyang proyekto gaya ng concerts, live events, film, at iba pa, na dapat abangan ng publiko sa darating na 2023.

Available na ang Pasahero sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Geezer, Medianet, Boomplay, YouTube at iba pang music streaming platforms.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …