Wednesday , February 21 2024
SB19 Ben&Ben

SB19, Ben&Ben top winners sa Awit Awards 2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINOMINA ng SB19 at Ben&Ben ang katatapos na Awit Awards 2022 kamakailan na isinagawa sa Newport Performing Arts Theater, Pasay. Pitong award ang nakuha ng SB19 samantalang lima naman ang sa Ben&Ben.

Nakuha ng P-pop powerhouse SB19 ang maraming award kasama ang Best Performance by a Group Recording Artist, Most Streamed Artist, at Best Pop Recording para sa  Bazinga.  

Lima naman ang nakuha ng indie folk-pop band na Ben&Ben kasama ang Album of the Year para sa kanilang 2021 release Pebble House, Vol 1: Kuwaderno. 

Nagwagi naman si Zack Tabudlo bilang Song of the Year para sa Binibini samantalang ang Anticipation ngLeanne & Naara ang itinanghal na Record of the Year. 

Nagwagi rin sina KZ Tandingan bilang Best Performance by a Female Recording Artist para sa kantang 11:59Zild bilang Best Performance by a Male Recording Artist para sa kantang Kyusi. Wagi rin ang awitin ni Belle Mariano na Sigurado bilang Favorite Song at si Belle bilang Breakthrough Artist. Favorite Female Artist naman si Maymay Entrata, Favorite Male Artist si Darren Espanto, at Favorite Group ang BGYO.

Nanalo rin bilang Best Traditional/Contemporary Folk Recording ang Wag Kang Aalis ni Ice Seguera

Napanood ang Awit Awards sa MYX Global’s YouTube channel na ang host ay sina Edward Barber at Samm Alvero. Nagbigay naman ng kanilang performances sina Paolo Sandejas, Sam Concepcion, Maymay, Janine Berdin, Lola Amour, ALAMAT at iba pa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Allen Dizon

Allen sa mga best actor trophy: Priceless ‘yun

NAGING usap-usapan ang pagbebenta nI Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy na natanggap para sa …

Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay klik na sa ‘Pinas

MA at PAni Rommel Placente ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty …

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

Maris Racal Rivermaya

Maris Racal umeksena sa concert ng Rivermaya: Rico My Oppa!

I-FLEXni Jun Nardo KINABOG ni Maris Racal ang lahat ng nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong nakaraang …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …