Saturday , July 27 2024

Jake bumigay, naiyak sa papuri ni direk Joel

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EMOSYONAL si Jake Cuenca sa isinagawang media conference ng entry nila nina Sean de Guzman at Dimples Romana sa Metro Manila Film Festival 2022, ang My Father, Myself na handog ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante.

Nagustuhan kasi ng lahat ang arte ni Jake sa ipinakitang trailer ng pelikula dagdag pa ang papuri ng kanilang direktor na si Joel Lamangan.

“Naririnig ko lang na pinupuri ako ni direk Joel, naririnig ko lang na pinupuri n’yo ‘ko, ang laking bagay na talaga sa akin niyan,” panimula ni Jake na nangingilid na ang luhaat medyo garalgal na pagsasalita.

“Sa totoo lang hindi pa ako handa talagang magtrabaho. Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time.

“So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni direk ng ganito, malaking bagay na po sa akin iyon.

“Marami po kasing nangyari noong (lockdown) pandemic pero hindi ko na po iisa-isahin, hindi ko naman kayo iimbitahin sa aking pity party, maraming beses po (na umiyak) kasi everything came to me as a surprise, pero sabi ko nga at the end of it nandito na ako ngayon,” paglalahad pa ng aktor.

Sinabi pa ni Jake na ang Panginoon ang naging sandigan niya noong mga panahong iyon, “I made a deal with God accept life in all conditions, kumbaga anything comes on my way, I’m not gonna give up on my dreams, I never gonna stop and I’m an actor this is what I get paid to cry but for me sabi ko nga after what I’ve been through tanggap ko na ang buhay life is not perfect. I’m gonna be grateful for the good and bad times kasi ito natutunan ko to this journey talo ka naman talaga if you don’t learn.  Kung hindi ka natuto that’s really what you lose.”

Ang sinasabi ni Jake ay ang paghihiwalay nila ng tatlong taon ding naging girllfriend na si Kylie Versoza noong Abril ng taong ito.

“Kung napansin n’yo naman hindi po ako nagsalita, I’ve never said anything sa nangyari, everything else, so, I kept it inside and, in this movie, allowed me to express.

“In-allow ako ng pelikulang ito na maglabas ng emosyon at hindi ako hinusgahan sa set, in-encourage ako ni direk Joel na ibigay. Of course hindi ko ikinukuwento ang mga problema ko sa set but obviously everyone knows kung ano ang pinagdadaanan ko, everyone was very, very supportive with me. ‘Yun ang saving grace ko sa buhay ko na kapag may masamang nangyari sa akin, gagamitin ko para sa out ko,”sambit pa ng  aktor.

Sinabi naman ni direk Joel Lamangan na nakatulong kay Jake ang pinagdaanan nito para mas lalong maging mahusay na aktor at maibigay ang hinihingi niyang acting sa role nito.

Labis din ang pasalamat ni Jake sa ABS-CBN dahil tambak ang trabaho niya ngayon  na matapos ang  Viral Scandal, nasundan agad ito ng The Iron Heart.

Sa kabilang banda, pasabog ang maraming eksena ni Jake kasama si Sean lalo na iyong halikan nilang dalawa na bigay na bigay. Bagamat hindi iyon ang unang pagkakataon na nakipaghalikan sa kapwa niya lalaki sina Jake at Sean, iba ang dating niyon sa mga nakapanood na ng trailer. May positibo at may negatibo. Isa pa sa pinag-usapan ay ang pagbibigay ng R-18 rating ng MTRCB sa kanilang pelikula. 

“Iba-iba ang opinyon but one thing for sure and iyon naman po ang gusto namin mag-invite ng conversation at masakit po ‘yun kung hindi pinag-usapan ang pelikula,” sambit ni Jake.

Kasama rin sa My Father, My Son sina Tiffany Grey,  Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose. Mula pa rin ito sa panulat ni Quinn Carillo.

Mapapanood ito sa  Disyembre 25 bilang bahagi ng MMFF 2022 #BalikSayasa 2022. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …