Saturday , February 4 2023
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Ann nagpasabog ng sweetness sa Juliverse concert

I-FLEX
ni Jun Nardo

DAGUNDONG ang sigawan ng mga nanood ng Juliverse concert nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz  sa Newport Performing Arts last Saturday nang sabihan ng singer/aktres ng, “I love you too” ang aktor sa kalagitnaan ng concert.

First time magsama sa back to back concert ang dalawa at enjoy na enjoy naman ang nanood sa performance nila.

Muling sinabi ni Rayver ang damdamin kay Julie habang kapwa sila nasa stage.

“Naalala mo pa ba noong birthday mo, sinabi ko naman sa ‘yo kung ano ang nararamdaman ko…Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Ann San Jose, I love you. I love you very much,” sabi ni Rayver.

Siyempre, kilig-kiligan ang fans sa pahayag ni Rayver kaya sagot ni Julie, “Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka, kaya gusto kong sabihin na, “I love you too!”

Hayan, kompirmado na ang relasyong Julie Anne at Rayver, huh!

Tutal naman, may Paulo Avelino na ang ex-GF ni Rayver na si Janine Gutierrez kaya deserve naman niyang maging masaya, huh!

About Jun Nardo

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …