ANO ang dapat gamitin na feng shui bagua mirror, sa convex form ba o concave form? Una ang feng shui bagua mirror ay dapat palaging nasa labas ng bahay, at hindi sa loob. Panga-lawa, mai-nam na gumamit lamang ng feng shui bagua mirror kung inirekomenda ng professional feng shui consultant; dahil kung hindi naman, ang bagua mirror ay maaaring hindi …
Read More »Heat kinatay ang Bulls
TINANGGAP muna ng Miami Heat ang kanilang championships ring bago nila tinusta ang Chicago Bulls, 107-95 sa pagbubukas ng 2013-14 National Basketball Association kahapon. Muntik malusaw ang ipinundar na 25-point lead ng two-time defending champions Heat dahil naibaba ito ng Bulls sa walong puntos, 95-87 matapos sumalaksak si Carlos Boozer may 2:47 minuto na lang sa Fourth period. Kumana si …
Read More »Rios handa kay PacMan
TULUY-TULOY ang magandang preparasyon ni dating WBA lightweight champion Brandon Rios para sa magiging laban nila ni Manny Pacquiao sa November 23 sa Macau, China. Tiwala si Rios na nasa tamang landas sila ng preparasyon ni trainer Robert Garcia para talunin ang dating tinaguriang hari ng pound-for-pound. Naniwala naman si Garcia na ibang Manny Pacquiao na ang kakaharapin ni Rios …
Read More »Donaire vs Darchinyan rematch magiging madugo
INAASAHAN na magiging madugo ang rematch nina Nonito Donaire at Vic Darchinyan sa darating na Nobyembre 9 na lalarga sa Texas. Parehong may gustong patunayan ang dalawang boksingero sa magiging paghaharap nila sa nasabing rematch pagkatapos ng mahigit na anim na taon, kaya inaasahan na ilalabas nilang dalawa ang lahat ng lakas sa arsenal para talunin ang isa’t isa. Nagharap …
Read More »Pagdagdag ng koponan prayoridad ni Segismundo
NANGAKO ang bagong tserman ng Philippine Basketball Association board of governors na si Ramon Segismundo na pangungunahan niya ang planong expansion ng liga. Mula pa noong 2000 ay sampu ang mga koponan ng PBA dahil may ilang mga kompanya ang nawala at nabili ng ibang mga prangkisa tulad ng Globalport na nakuha ang prangkisa ng Coca-Cola habang nakuha ng Meralco …
Read More »Almazan MVP ng NCAA
HALOS inaamoy na ni Raymond Almazan ng Letran ang pagiging MVP ng National Collegiate Athletic Association para sa Season 89. Ayon sa mga nakahawak ng statistics ng liga, milya-milya ang layo ng 6-7 na si Almazan mula sa mga humahabol sa kanya para sa parangal. Naga-average ngayon si Almazan ng halos 16 puntos, 12 rebounds at dalawang supalpal bawat laro …
Read More »Miranda itinapon ng Petron
INAYOS kahapon ng Petron Blaze at Globalport ang isang trade habang ginaganap ang planning session ng PBA board of governors sa Sydney, Australia. Sa ilalim ng trade, ililipat ng Blaze Boosters si Denok Miranda sa Batang Pier kapalit ni Chris Ross. Naunang nakuha ng Globalport si Ross mula sa Meralco kasama si Chris Timberlake kapalit naman nina Gary David at …
Read More »Kaso ni Koga iniimbestigahan na ng NCAA
NAGSIMULA nang mag-imbestiga ang National Collegiate Athletic Association sa kaso ng point guard ng San Beda College na si Ryusei Koga na umano’y naglaro sa isang ligang pambarangay kamakailan. Sinabi ng tserman ng Management Committee ng NCAA na si Dax Castellano ng punong abala ng College of St. Benilde na magkakaroon ng desisyon tungkol sa bagay na ito ngayong araw. …
Read More »Ang Zodiac Mo
Aries (April 18-May 13) Mapakikinabangan ng iyong personal and professional relationships ang enerhiya ngayon. Taurus (May 13-June 21) Ang mahabang biyahe patungo sa malayong lugar ang maaaring pangunahing nasa isip mo ngayon. Gemini (June 21-July 20) Mauubos ang iyong oras sa pagtuon sa kalagayan ng iyong pananalapi. Cancer (July 20-Aug. 10) Ang business o romantic partner ay maaaring dumating na …
Read More »Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 56)
MALUNGKOT NA NAGPAALAM SINA MARIO AT DELIA KAY ALING PATRING NA TUMAYO NILANG IKALAWANG INA Tumango ang kanyang asawa at ipinakita ang maliit na supot na telang nakasabit sa leeg nito. “Meron na tayong pang pasahe sa barko,” ani Delia nang ipahawak sa kanya ang salaping napagbilhan nito sa kanilang mga gamit at kasangkapang-bahay. “Mula rito, diretso tayo ng Maynila …
Read More »Peping, POC, PSC officials kinasuhan sa pekeng NSAs
KINASUHAN ni Sen. Antonio Trillanes IV ng malversation sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay ng inilaan na pondo sa mga bogus na National Sports Associations (NSAs). Kinompirma ni Trillanes ang kanyang paghahain ng kaso sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate sub-finance committee sa pondo ng PSC para …
Read More »Napoles ‘nilayasan’ ni Kapunan (Natakot sa death threats)
NAGBITIW na si Atty. Lorna Kapunan bilang legal counsel ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel scam. Ayon kay Kapunan, pangunahing dahilan ng kanyang pagbibitiw sa legal team ni Napoles ay dahil sa natatanggap niyang death threat. Nagsimula aniya ang pagbabanta sa kanyang buhay nang madawit ang pangalan ng negosyante sa pork barrel scam. Inamin ng abogado na …
Read More »DAP muling ipinagtanggol ni PNoy (Sa 10-minutong mini-SONA)
“Hindi kami nagnakaw, at hindi kami magnanakaw; kami ang umuusig sa magnanakaw.” Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang sampung minutong President’s Address to theNation kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III bilang buwelta sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanyang administrasyon bunsod ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Tinukoy ni Pangulong Aquino ang mga sangkot sa pork barrel scam, …
Read More »Paslit bawal sa sementeryo
BINAWALAN ng Manila police ang mga magulang na dadalaw sa puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay na huwag nang bitbitin ang kanilang mga paslit na anak sa Undas. Paalala ni Chief Inspector Claire Cudal, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD), dahil na rin sa taunang problema sa pagkawala ng mga paslit na dala ng mga magulang sa Manila …
Read More »13 areas sa N. Luzon signal no. 1 kay Vinta
NAKATAAS sa signal number 1 ang 13 lugar sa hilagang Luzon dahil sa bagyong si Vinta. Ayon sa ulat ng Pagasa, kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo ay ang Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Nueva Ecija. Ang mga lugar na nabanggit …
Read More »Indian nat’l na mall owner dinukot; 1 patay, 1 sugatan
KORONADAL CITY – Patay ang isang security escort at isa pa ang sugatan makaraang dukutin ng apat armadong kalalakihan ang Indian national na may-ari ng malaking mall sa Cotabato City. Ayon kay S/Supt. Rolen Balquin, chief of police ng Cotabato City, dinukot ng mga kalalakihan si Mike Khemani, may-ari ng Sugni Superstore sa nasabing lungsod. Inihayag naman ni Aniceto Rasalan, …
Read More »Comelec sinilaban ng talunan pulis patay
PATAY ang isang pulis sa naganap na sunog sa opisina ng Commission on Elections sa Iligan City kahapon ng madaling-araw na sinasabing sinilaban ng talunang kandidato sa nakaraang barangay elections. Nagsimula ang sunog dakong 2:20 a.m. at naapula pasado 3 a.m. Kinilala ang namatay sa sunog na si PO1 Rey Borinaga, miyembro ng city’s public safety company. Kabilang si Borinaga …
Read More »Labi ng Pinoy welder narekober na
INAAYOS na ng Philippine Embassy sa Washington ang agarang pagpapauwi sa labi ng Filipino welder na si Peter Jorge Voces, sinasabing nahulog habang nagtatrabaho sa isang oil rig sa Gulf of Mexico. Kinompirma kahapon ni Philippine Ambassador Jose Cuisa, narekober na ng US Coast Guard ang labi ng biktima, tatlong araw matapos maiulat na nawawala. Batay sa inisyal na imbestigasyon, …
Read More »Temperetura sa Baguio City bumagsak sa 12°C level
BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12 degrees Celsius level kahapon ang pinakamababang temperatura sa summer capital ng bansa. Ayon sa Pagasa-Baguio, umabot sa 12.8 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala nila dakong 4 a.m. kahapon. Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Baguio ngayong “Ber-months” mula sa 9.5 degrees Celsius na naitala naman noong nakaraang Pebrero …
Read More »Cessna bumagsak sa lahar, 2 ligtas
NAG-CRASHLAND ang Cessna 152 aircraft s Sta. Fe Lahar Trail sa Central Luzon kahapon, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines. Sinabi ni CAAP deputy director general Rodante Joya, sa inisyal na ulat, ang 152 plane (RPC-8832) ay bumagsak sa lahar trail dakong 8:25 a.m. kahapon. “The aircraft depart(ed) at 7:52 a.m. for Baguio,” aniya. “Based on …
Read More »Hinaing ng Ilocos farmers dininig ni Villar
SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, ang pagdinig hinggil sa hinaing ng mga magsasaka sa Ilocos Norte at Ilocos Sur kaugnay ng malaking importasyon ng bawang na dahilan kung bakit naapektuhan ang lokal na produkasyon at kinikita ng industriya ng bawang. Sa public hearing na ginawa sa Mariano Marcos State Univereity sa Caunatyan, Batac City, …
Read More »9 preso pumuga sa CamSur jail
NAGA CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa siyam bilanggo na tumakas mula sa Tinangis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Pili MPS, dakong 2:30 a.m. kahapon nang iulat ni Susan Bergantin, staff ng penal farm, ang insidente. Ayon kay Bergantin, dakong 12:30 a.m. kahapon habang nagsasagawa siya ng roving inspection kasama …
Read More »2 utas, 20 sugatan sa nahulog na bus
DALAWA ang kompirmadong patay habang 20 ang sugatan matapos bumulusok ang pampasaherong bus kahapon sa Carrangalan, Nueva Ecija. Bangkay na nang idating sa Nueva Vizcaya General Hospital ang mga biktimang sina Christy Lauyan, 37, at Jennifer Tayuto, 18, ng Makati City. Ayon sa ulat, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bulubunduking lugar ng Brgy. Capintalan sa nabanggit na …
Read More »Mag-ina kritikal sa taga ng lasing
LEGAZPI CITY – Kritikal mag-ina sa lalawigan ng Albay matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay dahil sa bintang na pagnanakaw ng alagang manok. Kinilala ang mga biktimang si Siony Broma, 49, at anak niyang si Jaime Broma, 14, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay. Batay sa ulat ng pulisya, bigla na lamang sinugod ng lasing na suspek …
Read More »Estudyante ibalik sa agri schools —Mapecon
HINIKAYAT ng noted Filipino inventor at agriculturist ang mga awtoridad sa pamahalaan na ibalik ang mga estudyatne sa agricultural schools upang sumagana ang produksyon sa pagkain sa bansa. Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., ang kasalukuyang produksyon sa pagkain ay mababa bunsod ng kawalan ng interes ng prospective farm hands na magtrabaho sa bukid dahil sa mababang kita sa pagsasaka bunsod …
Read More »