IDINEKLARA ng Supreme Court kahapon bilang unconstitutional ang controversial pork barrel fund o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Ipinunto rin ng High Tribunal na illegal ang mga probisyon sa dalawang batas na nagpapahintulot sa Pangulo na gamitin ang Malampaya Fund at President’s Social Fund sa mga layuning hindi kasama sa mandato para sa nasabing mga pondo. Ang …
Read More »P37-M Shabu, Ecstacy huli sa Chinese couple
Arestado ang mag-asawang Chinese national matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Timog Avenue, Quezon City, Martes ng madaling araw. Ayon kay Atty. Jac de Guzman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang buy-bust operation sa tatlong-buwan pagmamanman kina Qiao Wen Jiang alyas Alan at Xiao Xia Chai alyas Angela. Nakipagtransaksyon ang mag-asawa sa isang ahente na nagkunwaring bibili …
Read More »900 sanggol isinisilang sa typhoon hit areas (Sa bawat araw)
NAHAHARAP Sa “heightened risks” ang 235,000 buntis sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Sa ulat ng UN Population Fund (UNFPA), sinasabing nasa 900 deliveries o kaso ng panganganak araw-araw ang naitatala sa nasabing mga area, sa kabila ng kakulangan ng medical supplies at facilities. Samantala, muli rin nanawagan ang World Health Organization (WHO) para sa karagdagang mga medical …
Read More »Nanay itinumba sa harap ng 2 paslit na anak
CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang nanay makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang dalawang paslit na anak sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay si Annaliza Galang. Hindi sinaktan ng suspek ang mga anak ng biktima na sina Jayson, 7, at Renz, 5, residente ng Bibiclat, Aliaga. Sa inisyal na ulat …
Read More »Plunder raps vs JPE, Jinggoy, Bong umabante na
MAAARI nang isagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation sa kasong plunder at graft laban sa ilang mga senador at mga indibidwal, ang pangalawang hakbang para sa resolusyon sa pork barrel scam. Inihain na ng field investigators ng Office of the Ombudsman ang tatlong magkakahiwalay na kasong plunder at graft laban kina Senators Juan Ponce Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada, Ramon “Bong” …
Read More »Delfin Lee pugante pa rin—De Lima
PUGANTE pa rin maituturing ang developer na si Delfin Lee sa kabila ng pag-abswelto ng Court of Appeals sa kasong syndicated estafa at pagpapawalang bisa sa warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Pampanga. Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima, nananatili pa rin ang bisa ng arrest warrant dahil hindi pa naman pinal ang ipinalabas …
Read More »65-anyos Australiano nahulog sa hagdan, patay
PATAY ang isang 65-anyos Australian national makaraan mahulog sa hagdan ng kanilang bahay sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Konrad Reghberger, 65, na hindi na naisugod sa pagamutan makaraang ideklara ng mga rumespondeng tauhan ng Muntinlupa Rescue Team na hindi na humihinga, dakong 1:20 ng madaling araw, nang matagpuang duguan sa paanan ng hagdanan sa …
Read More »Ex-aid ni Imelda Marcos guilty sa Monet painting
NEW YORK – Hinatulang guilty ng korte sa New York ang dating aide ni former First Lady Imelda Marcos, kaugnay sa pagbebenta ng mamahaling Monet painting. Ayon sa New York District Attorney’s Office, guilty si Vilma Bautista, 75, sa conspiracy at nakatakdang ilabas ang sentensya laban sa kanya sa darating na mga araw. “Bautista was found guilty of attempting to …
Read More »Nanay patay sa panganganak, sanggol nadamay
HUSTISYA ang hinihingi ng pamilya ng isang nanay na hindi agad naasikaso sa pangananak sa isang lying-in clinic sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Genalyn Enriquez, 25, ng Don Pedro Subdivision, Brgy. Marulas, Valenzuela City at ang sanggol na nasa sinapupunan. Sa salaysay ng kapatid na si Grace, 27, dakong 8:00 ng umaga kamakalawa nang dalhin …
Read More »Cristine, inaming nakipagrelasyon sa tomboy
HONESTO ang drama ni Cristine Reyes dahil inamin niya sa GGV na nakipagrelasyon siya sa tomboy. Type raw niya ang T-bird dahil Chinita at maputi. Siya pa nga ang nanligaw. “Oo! Ha! Ha! Ha! Ako nga ‘yung nanligaw, ‘di ba? Ano ako noon, Grave IV. Tapos, nawala siya sa akin noong Grade VI,”deklara niya. “Open naman ako roon, eh. Bata …
Read More »Cooper, bayani sa maraming Pinoy
TALAGANG ang tingin ng marami sa ating mga kababayan kay Anderson Cooper ng CNN ay isang hero, dahil naniniwala sila na ang mga broadcasts na ginawa niyon sa Tacloban ang siyang nakatawag ng pansin ng international community para tumulong sa Pilipinas. Ang mga broadcasts na iyon ang nakatawag ng pansin kahit na ng mga dayuhan para magkaroon ng mga pribadong …
Read More »Sharon, Willie, at Angel, mas maipagmamalaki kaysa mga politiko
NAGBIGAY ng P10-M ang komedyanteng si Willie Revillame sa DSWD para maitulong sa mga nasalanta ng Haiyan sa Visayas. Isipin ninyo ha, si Revillame na isa na sa sinasabing pinakamalaking tax payer noong nakaraang taon, meaning malaki na ang naiambag niya sa gobyerno. Ngayon nagbigay pa ulit ng P10-M para sa mga biktima ng bagyo. Sinong opisyal ng gobyerno ang …
Read More »Korina, pinagbakasyon o sinuspinde?
HOW true na one year ang suspension na ipinataw ng ABS-CBN News and Current Affair kay Korina Sanchez? Naunang lumabas na one week ang suspension ng matapang na news anchor matapos niyang patutsadahan ang CNN news anchor na si Anderson Cooper. Marami ang naimbiyerna kay Korina sa kanyang ginawa at talagang pinag-usapan siya sa social media. Parang wala yatang kumampi …
Read More »Ken, nabastos ni Jake sa pag-eksena sa album promo
AYAW na sana ituloy ni Bea Binene ang post-birthday celebration niya sa Crowne Plaza Hotel noong Wednesday ng hapon pero isang buwan na ‘yun nakaplano at nakapagbayad na bago pa dumating ang mapinsalang bagyo na si Yolanda. Pero may project silang mga produkto ng TweenHearts na mag-garage sale online sa Instagram at ido-donate nila sa super typhoon victim thru Kapuso …
Read More »Sikat na singer, living in style pa rin kahit walang shows
NAGTATAKA ang mga kasamahan sa panulat sa isang dating sikat na singer na nakakapagpapuno ng malalaking concert venue sa buong Metro Manila dahil wala naman daw itong shows ay living in style pa rin ang drama. Napapanood daw ang dating sikat na singer sa isang programa na hindi naman siya ang bida dahil one of those na lang siya sa …
Read More »Mumbai Love, nakakikilig na pagmamahalan ng 2 taong nagmula sa ibang panig ng mundo
HINDI isang ordinaryong love story ang Mumbai Love. Ito’y tungkol sa isang lalaki at babae na nagmula sa dalawang magkaibang daigdig, mula sa dalawang bansa at kultura, na hahamakin ang lahat; maging lahi man o tradisyong mana, matupad lang ang pag-iibigang tunay. Ito’y hindi lamang pagmamahalan ng dalawang tao. Ito’y matamis na pag-iisang-dibdib ng dalawang magkaibang-kultura na pinag-sanib ng pag-ibig, …
Read More »Allan K, isa sa special guests ni Michael Pangilinan sa 18MPH sa Zirkoh
TUWANG-TUWA si katotong Jobert Sucaldito sa ipinakitang suporta ng versatile na comedian/TV host na si Allan K sa gaganaping show ni Michael Pangilinan sa Zirkoh Comedy Bar sa Nov. 26 na pinamagatang 18MPH. Likas talaga ang pagiging matulungin ni Allan K, kaya naman lalong humahataw ang kanyang career at patuloy sa pagdating ng mga blessings para sa isa sa hosts …
Read More »CNN anchor na si Anderson Cooper tinawag na Pamela Anderson sa social media
NAGING concerned na nga sa ating bayan ang pamosong CNN anchor na si Anderson Cooper pero sinisiraan pa siya sa social media. Kung ano-ano mga ibinibintang nila kay Cooper kesyo gay ito at tinatawag pa nila ngayong Pamela Anderson. Ang nakakalokah, may isyu pang nagpunta sa sikat na gay bar diyan sa Roxas Blvd., ang international news anchor. Paano naman …
Read More »Prov’l treasurer dinukot sa Sulu
DINUKOT ng hindi nakilalang armadong mga lalaki ang provincial treasurer ng Patikul, Sulu. Sa report ng pulisya, tinangay ng mga armado ang biktimang si Jessie Cabelin, 60, matapos pasukin sa treasurer’s quarters sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu. Nagpapahinga ang biktima nang pasukin ng mga suspek at kinaladkad patungo sa dilaw na Tamaraw. Nabatid sa report na sasakyan ng mga bandidong …
Read More »Paggamit ng Pork Barrel, Malampaya at PSF idineklarang unconstitutional ng Supreme Court
SALAMAT sa deklarasyon ng KORTE SUPREMA. Sa pagkahaba-habang panahon (mula noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino) sa wakas ay mayroon isang institusyon na nagkaroon ng lakas ng loob para sabihing ‘UNCONSTITUTIONAL’ ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o PORK BARREL. Hindi po tayo abogado, pero gusto ko pong linawin na iba ‘yung UNCONSTITUTIONAL. Ibig sabihin po nito, mula sa …
Read More »Mayor Romualdez pinagre-resign!
KALAT ngayon sa internet na sinabihan ni DILG Sec. Mar Roxas si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na gumawa ng sulat, address kay P-Noy, sabihing magre-resign na sa pagka-alkalde dahil hindi na niya magampanan ang kanyang tungkulin bilang mayor ng lungsod. Hindi natin alam kung totoo nga ito. Dahil wala tayong kontak kay Mayor Romualdez at kay Sec. Roxas. Sabi …
Read More »May “tiktik” si Erap sa Supreme Court?
ISANG dating human rights lawyer sa Free Legal Assistance Group (FLAG) ang noon ay hinangaan ng marami bilang abogado ng mga testigo sa Kuratong Baleleng gang rubout case. Ito ‘yung panahon na nasangkot si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa nabanggit na kaso bilang bise-presidente at chairman ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC), kasama ang mga opisyal ng …
Read More »Malinaw na hindi handa
AYON sa ulat ng United Nations Office for Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA) ay milyon pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa nakatatanggap ng tulong kahit mahigit na isang linggo ang nagdaan matapos salantain ng bag-yong si Yolanda ang Central Viasayas. Tinatayang aabot sa mahigit na dalawang milyon ang hindi pa nakatatanggap ng tulong na pagkain. Ito ay …
Read More »P30K Jueteng payola sa mga kolumnista
Gaano kaya katotoo ang kumakalat na mga impormasyon at sa hanay ng mga media men na ang jueteng e namamayagpag pala na may mga kolumnista sa iba’t ibang mga national newspaper ang nabibigyan ng P30,000.00 monthly pa-yola? Sa impormasyong naulinigan ng TARGET ON AIR ay isang “executive editor” mula sa isang national daily tabloid ang enkargado para sa pamamahagi ng …
Read More »Malaking puno sa harap ng bahay, bad feng shui?
ITO ay depende sa eksaktong lokasyon ng punongkahoy sa kinatitirikan ng bahay. Mainam na mabatid ang wasto at eksaktong detalye sa feng shui dilemma, para sa mabisang pagpili ng feng shui cures. Ang punongkahoy ba ay nasa harap ng front door at nakaharang dito? Ang puno ba ay nasa bandang kanan ng bahay o sa kaliwang bahagi ng bahay? Gaano …
Read More »