Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

2 Pinoy kulong sa Money Laundering sa Hong Kong

DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas. Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera. “At present, two Filipinos are serving time in Hong …

Read More »

Pinay, Miss International 2013

KASAMA ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sina Miss Netherlands (kaliwa) at Miss New Zealand (kanan). (via REUTERS/Yuya Shino) Kinoronahan ang pambato ng Filipinas na si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 sa katatapos na pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi. Tinalo ng 21-anyos Pinay beauty ang 71 kandidata sa 53rd Miss International beauty pageant. Umangat si …

Read More »

Parricide vs mister ni Ruby Rose pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang kasong parricide laban sa asawa ni Ruby Rose Barrameda, at kasong murder laban sa kanyang tiyuhin. Batay sa 16 pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Pedro Corales, ibinasura ng CA Special 16th Division ang petition for certiorari na inihain ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III dahil sa kawalan …

Read More »

Brownout sa 2015 mas matindi — Trillanes

INATASAN ni Senador Antonio Trillanes IV ang Energy Regulatory Commission (ERC) na masusing bantayan ang mga dagdag-singil na ipapataw ng Manila Electric Company (Meralco) sa susunod na mga buwan. Kasunod ito ng pagbubulgar ni Trillanes na posibleng magkaroon ng brownout sa taon 2015 dahil sa kakulangan ng mga bagong power plants na sasagot sa inaasahang mas maraming demand sa koryente. …

Read More »

$12.9-B total damages sa Yolanda — PNoy (Rehab matatapos sa 2017)

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III na $12.9 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda at maaaring madagdagan pa kapag natapos ang assessment. Aniya, inaasahang sa 2017 pa matatapos ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Sinabi ng Pangulong Aquino, simula sa susunod na taon, puspusan na ang pagtatayo ng mga estrukturang nasira sa kalamidad. Si Pangulong …

Read More »

Tigil-putukan sa Pasko — NPA

MAGDEDEKLARA ng tigil-putukan ang komunistang rebelde ngayong Kapaskuhan upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng pagkatatag ng Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26. Sa pahayag sa kanilang website nitong Martes, sinabi ng CPP na: “The leadership… is set to declare a ceasefire in order to pave the way for the national celebrations of the [Party’s] 45th anniversary …

Read More »

Magsisimbang gabi 2 estudyante na-hit and run

TUGUEGARAO CITY – Sugatan ang tatlong estudyante na dadalo sana sa Simbang Gabi kahapon ng madaling-araw matapos banggain ng isang sasakyan ang kanilang sinasakyang tricycle. Kinilala ang mga biktimang sina Jasmine Mae Justado, 16, residente ng Caritan Centro, Tuguegarao City; Kirsten Jasmine Tablac, 17, ng Claveria; at Kristine Joy Baloran, 17, ng Pamplona, Cagayan. Patungo sana ang tatlong estudyante sa …

Read More »

2 patay, 5 sugatan sa bus vs motorsiklo

CAGAYAN DE ORO CITY – Nananatili sa kustodiya ng PNP ang driver ng bus ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) na bumangga sa isang motorsiklo sa Brgy. Tatay, El Salvador City, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng dalawa katao at lima ang sugatan. Kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Elizabeth Roa, guro ng El Salvador College, …

Read More »

2 tanod itinumba, suspek utas din

PATAY ang dalawang barangay tanod makaraan pagbabarilin sa Calatrava, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Ayon sa testigong si Crisanto Suerto, Jr., barangay tanod, binaril ng lalaking nakasuot ng bonnet ang mga biktimang sina Ludovico Lusaria at Hilarion Quezon sa harap ng plaza ng Brgy. Lagaan dakong 9 p.m. Ang dalawang biktimang kapwa mula sa Brgy. Anie, ay agad binawian ng …

Read More »

Paghakot ng basura sa Quezon City may bayad na rin!?

MALAPIT na raw maaprubahan ang panukalang ordinansa ni Quezon City District 1 Councilor Victor Ferrer, Jr.,  chairman ng ways and means committee, na naglalayong SINGILIN ang Quezon City residents ng P100 hanggang P500 kada taon bilang bayad sa basura. ‘E paano ‘yung mga mahihirap na residente na hindi kayang magbayad kahit ng P100, ano ang mangyayari sa basura nila?! Hindi …

Read More »

Sigla ng Maynila ibabalik ni Philip Lacuna?

SABI ni Mayor Erap, sa Liga ng mga Barangay sa Philippine Columbian clubhouse kamakailan, ‘e tulungan siyang ibalik ang nawalang sigla sa MAYNILA dahil nagbalik na ang tiwala ng mamamayan sa kanyang administrasyon. Oww com’on!? Kung dati raw ay lubog sa utang (ito na lang lagi niyang sinasabi sa mamamayan, gayong malinaw na mayroon pang pondo ang Maynila nang bumaba …

Read More »

Ginza sauna cum spa-kol sa Quezon Ave maraming gimik!

ISA ang GINZA SAUNA sa matatandang establisyemento d’yan sa Quezon Avenue. Dekada 80 pa lang ‘e GINZA SAUNA na ‘yan. Hanggang ngayon 2013 na ‘e naririyan pa rin. Pero kakaibang SAUNA ‘yan. Mayroon silang ini-o-offer na ‘special extra service’ if the price is right! Napaka-espesyal na ‘body SPA.’ Kaya huwag na tayong magtaka na kahit luma na ‘yang GINZA ay …

Read More »

2 Pinoy kulong sa Money Laundering sa Hong Kong

DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas. Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera. “At present, two Filipinos are serving time in Hong …

Read More »

Pinay, Miss International 2013

KASAMA ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sina Miss Netherlands (kaliwa) at Miss New Zealand (kanan). (via REUTERS/Yuya Shino) Kinoronahan ang pambato ng Filipinas na si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 sa katatapos na pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi. Tinalo ng 21-anyos Pinay beauty ang 71 kandidata sa 53rd Miss International beauty pageant. Umangat si …

Read More »

Strong Front Door

ANG front door, o main door, ay napakahalaga sa feng shui, ito man ay front door ng bahay o front door ng negosyo. Sa feng shui, nasasagap ng bahay ang Chi, o energy nourishment sa pamamagitan ng front door, kung gaano kalakas ito, ganoon din kalusog at higit na balanse ang front door, ganoon din kalakas at kainam ang kalidad …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Ang katigasan ng i-yong ulo ang sisira sa iyong kinabukasan. Taurus  (May 13-June 21) Bunsod ng iyong pagpapabaya ay malalagpasan ka ng magagandang oportunidad. Gemini  (June 21-July 20) Sa pagsusumikap mong umasenso, napapabayaan mo ang iyong kalusugan. Cancer  (July 20-Aug. 10) Ipagpatuloy ang magandang nasimulan. Magiging maganda ang iyong kinabukasan. Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Palaging ihahanda …

Read More »

End of the world sa dream

Gud pm po, Npngnip q ay end of d world na dw, nkktakot  e2, tas daw po, may nakita aq na ibon, d q lng matandaan kng ano nangyari s ibon, ano kaya meaning ng drims q? kol me mr pisces, dnt post my number,  wait q po ito s tabloid nyo, tnx… To Mr. Pisces, Ang iyong napanaginipan na …

Read More »

May mga baklang insekto rin!

MAAARING ituring na simple ang sex sa mga insekto: palipad-lipad at pagsasayaw, pagyakap sa tiyan, mabilis na pagkubabaw sa sahig ng kagubatan. Subalit lumilitaw sa bagong pag-aaral na ang mga enkuwentrong homoseksuwal sa mga insekto ay nagpapakita na ang pakikipagtalik nila’y maaaring may nakakubling mga komplikasyon din. Malawak ang ginawang pag-aaral ng mga researcher ukol sahomosexual behavior ng mga hayop, …

Read More »

Fan ng ‘Lord of the Rings’ bumuo ng Hobbit village

LUMIKHA ang isang fan ng “Lord of the Rings” ng sarili niyang Hobbit-sized village, na may local pub, sa Czech Republic. Sinabi ng estudyanteng si Svatoslav Hofman, sini-mulan ang kanyang proyekto nitong nakaraang taon sa Orlickych: “I am a massive fan and wanted to create my own Middle Earth. “I started last summer during the academic break and build the …

Read More »

Pari’t Madre

Pari: Sister, ikaw ba ang nasa CR? Kunin ko lang toothbrush ko. Sister: Sandali, naka-panty lang ako. Pari: Ok, antay ako. Sister: Pasok na, wala na ako panty! Estudyante Bugaw: Sir, Chicks P1,500 estudyante! Man: Ganun ba? Hanapan mo ako ng mga P1,000 lang pero mas magaling pa sa estud-yante. Bugaw: Meron din, sir. PRINCIPAL, ok yun! After the wedding …

Read More »

Punla sa mabatong lupa (Part 23)

NATIGALGAL SI EMAN NANG MAKITA  ANG BANGKAY NI ONYOK SA GARAHE Natunton niya sa isang sulok ng garahe ang pinagtapusan ng mga patak niyon. Naroon ang isinilid na duguang bangkay na litaw ang ulo. Si Onyok ! Lagas ang pang-itaas na mga ngipin, alsado sa magkabilang pisngi ang malalaking pasa, at butas ang noo sa tama ng punglo. Biktima ng …

Read More »

Castro numero uno sa puntos

NANGUNGUNA ngayon ang off guard ng Talk ‘n Text na si Jason Castro sa scoring samantalang si Junmar Fajardo ang lamang sa rebounding, ayon sa pinakabagong mga statistics na na-release ng PBA kahapon. Naga-average ngayon si Castro ng 21.4 puntos bawat laro samantalang kasunod sa kanya si Jay Washington ng Globalport na may 19.7 puntos bawat laro. Bukod dito, sina …

Read More »

Ang mahalaga manalo

E ano naman ang problema kung sa huling apat na games ng Petron Blaze ay nahirapan ang Boosters bago nalampasan ang mga nakalaban at nagwagi? Ang mahalaga ay nanalo sila, hindi ba? Marami kasi ang nagsasabi na tila pumupugak daw ang Petron at napag-aaralan na ng mga karibal kung paano silang tatalunin. Hindi na raw kasi convincing ang mga panalo …

Read More »

No choice na si Mayweather Jr

KAPAG hindi nagkaroon ng kaganapan ang labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon, ano ang magiging direksiyon ng boxing career ng dalawa? Tingin natin, kapag patuloy na iniwasan ni Floyd si Pacquiao sa taong 2014, muling tataas ang inis sa kanya ng boxing fans.   Aba’y ano pa nga ba ang gagawin niya sa ibabaw ng ring …

Read More »

Kid Molave inihahanda sa 2014 Triple Crown Championship

Inihayag ni Horse owner Emmanuel Santos, na target ngayon ng kanyang alaga ang malalaking pakarera para sa susunod na taon 2014. Kabilang sa paghahandaan ni Santos ang 2014 Triple Crown Championship matapos ang magaan na panalo nito sa 14th Philtobo Juvenile Championship na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Ang Kid Molave ay nakitaan ng impresibong panalo para …

Read More »