Thursday , June 4 2026

Pribatisasyon ng Orthopedic immoral — CBCP

MARIING tinutulan ng Simbahang Katoliko sa Filipinas ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cansino, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ang pagsasapribado ng orthopedic hospital ay labag sa “morals and quality of life” sapagkat mapipigilan nito ang mga may sakit lalo na ang mahihirap na makapagpagamot.

Ang Philippine Orthopedic Center ay itinayo para sa mga mahihirap at responsibilidad ng gobyerno na tulungan sila kaya hindi ito dapat ipasa  sa  mga  pribadong kompanya, aniya.

Binigyan-diin ng pari na ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan ay karapatan ng isang mamamayan na pinapangalagaan ng Saligang Batas ng Filipinas kaya responsibilidad ng pamahalaan na ipagkaloob ito sa taong bayan.

Tiniyak ng komisyon na nakikipagdayalogo sila sa iba’t  ibang grupo na tutol sa privatization ng Philippine Orthopedic Center at susuportahan ang petisyon sa Korte Suprema para tutulan ang nasabing plano.

Batay sa ulat, oras matuloy ang proyekto, 70 beds lang ang ilalaan sa mga indigent patients, 420 beds para sa sa mga pasyenteng mayroong PhilHealth.

Maaari rin tanggihan ng bagong management ang mga non-paying patients sakaling puno na ang 70 higaan at posibleng mawalan ng trabaho ang ilang empleyado ng naturang ospital.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …