Monday , December 23 2024

hataw tabloid

Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam. Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño. Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng pekeng …

Read More »

Ano na ang nangyari sa peace and order? Tuloy-tuloy ang patayan sa Pasay City (ATTN: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

SABI nga ni Pasay City mayor Antonino Calixto, ang kanilang siyudad ang larawan ng Philippines my Philippines. Kumbaga, paglabas ng mga turista sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang lungsod ng Pasay ang kanilang matutunghayan, kaya nga nandiyan ngayon ang tinaguriang biggest mall in Asia ang SM MOA, nariyan ang Resorts World Manila, ang Marriott Hotel, ang …

Read More »

Malalaking isda daw naman!

NAKABIBILIB na nga ba ang Department of Justice (DOJ)? Nagpakitang-gilas kasi ang ahensya. Ipinakikita ni DOJ Sec. Leila De Lima na wala kinikilingan ang gobyernong Aquino o ang batas. Patunay dito ay ang pagkakadawit kay Customs Commissioner Ruffy Biazon kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam. Pero bilang paglilinaw, wala po kinalaman ang pagiging komisyoner ni Biazon sa pagsasampa ng …

Read More »

Bagong batayan ang kailangan para sa bayan (Ikalawang bahagi)

ANG pyudalismo rin ang dahilan kung bakit napakababaw ng balon na pinagkukunan natin ng mga lider. Nasa isang sitwasyon tayo na wala talaga tayong mapagpipilian sa mga kandidato. Halos lahat ay pul-politiko kahit sila ay mula sa nakaupong Liberal Party (LP) o United Opposition (UNO). Pare-parehong walang kwenta at tanging pangalan na lamang ang ipinag-iba-iba nila. Sila ay peste na …

Read More »

Biazon smuggled into second batch by DoJ?

AMININ man o hindi ni Secretary Cesar Purisima, may kinalaman siya sa biglang bibitiw nang kanyang katunggali na si Commissioner Ruffy Biazon. Sa pananaw ng mga reporter na kumokober sa waterfront, binitiwan na sa wakas si Biazon ng Malacañang, ni Pinoy sa madaling sabi. Mahirap din kalabanin si Purisima na isang economist at pinuno ng ‘think tank’ ni Pinoy at …

Read More »

Militarisasyon sa Customs?

KAHIT ano pang tanggi ang gawin ng Malacañang na walang ‘militarisasyon’ sa pagkakatalaga ng ilang retiradong heneral sa maseselang posisyon sa kawanihan, hindi ito lubos na paniniwalaan ng taumbayan. Puwedeng patulan ang ideya ng pagtatalaga sa mga retiradong militar at police general sa mga posisyong may kinalaman sa intelligence, law enforcement o seguridad. Bahagi ito ng kanilang propesyon at saklaw …

Read More »

Good feng shui colors para sa Christmas season

SA lengguwahe ng feng shui, ang kai-langang gawin sa malamig na panahon ay maglagay sa inyong paligid ng enerhiya at kulay ng feng shui element ng Fire. Ito ang dahilan kung bakit mara-ming kandila, sinisindihan ang fireplace kung mayroon, at naglalagay ng Christmas lights, habang ang dekorasyon naman ay kadalasang nilalagyan ng ma-tingkad na pula gayundin ang karamihan sa palamuti …

Read More »

Pinay tiklo sa P10-M liquid Cocaine sa NAIA

INIHARAP ni Bureau of Customs (BoC) police OIC Willy Tolentino sa airport media ang dalawang kilo ng liquid cocaine (12mm) na nasabat sa dumating na overseas Filipino worker (OFW) na kinilalang si Mary Joy Soriano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dubai sakay ng Qatar QR-962 kahapon ng umaga. (JERRY YAP) ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula Qatar …

Read More »

Bigtime power rate hike idinepensa ng Palasyo

AGAD idinepensa ng Malacañang ang nakaambang bigtime power rate hike sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon. Nauna rito, maraming konsumer ang umaaalma dahil kung kailan magpa-Pasko saka naman nagtaasan ang presyo ng mga bayarin. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang P1 bawat kilowatt na ipapataw ng Meralco ay risonable at naaayon sa batas. Ayon kay Coloma, malinaw …

Read More »

Enrile utak ng plunder, womanizer, kriminal (Resbak ni Miriam)

DUMALO sa sesyon ng Senado kahapon si Senadora Miriam Defensor-Santiago upang ipahayag ang kanyang privilege speech laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile. Sa harap ng kapwa mga senador, inakusahan ni Santiago si Enrile bilang “mastermind of plunder,” “best friend forever” ni pork scam queen Janet Lim-Napoles, at “womanizer.” Inakusahan din ng senadora si Enrile bilang “global gambling lord,” …

Read More »

3 Kano, Indian nat’l, tiklo sa health card fraud

Arestado ang tatlong Kano, Indian national at 69 Pinoy, matapos salakayin ng  PNP Anti-Cyber Crime Group ang kanilang kompanya dahil sa health card fraud sa Mandaluyong City. Nakompiska sa pag-iingat ng mga suspek ang mga  computer servers, telephones, computers, routers, laptops, VOIP jones, printer, LCD monitors at bulto-bultong dokumento. Ang pagsalakay sa Pantheon Concepts HLK Company, nasa Worldwide Corporate Center, …

Read More »

DoF Usec Sunny Sevilla, Customs OIC

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Finance Undersecretary John “Sunny” Sevilla bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Bureau of Customs matapos magbitiw nitong Lunes si Commissioner Ruffy Biazon. Pansamantalang lilisanin ni Sevilla ang posisyon bilang Department of Finance (DoF) Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privartization na kanyang hinawakan mula pa noong 2010. Unang nagsilbi sa gobyerno si Sevilla …

Read More »

Iranian nat’l nasalisihan ng 2 chinese sa eroplano

NADALE ng ‘salisi ang isang Iranian national habang lulan ng eroplano patungo sa Manila mula sa Shanghai kamakalawa ng hapon. Narekober ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang nawalang wallet ng Iranian na naglalaman ng 11, 000 RMB (Yuan) o katumbas ng  mahigit P60, 000 mula sa dalawang Chinese national sa kanilang pagdating sa airport. …

Read More »

Dawit sa fake SARO sinibak sa House Committee

INALIS na ni House Speaker Feliciano Belmonte sa House appropriations committee ang empleyado ng Kamara na sangkot sa kontrobersya ng pekeng Special Allotment Release Order (SARO). Sinabi ni Belmonte na una nang inilipat si Jose Badong sa Office of the Secretary General ng Kamara habang isinasagawa ng NBI ang imbestigasyon sa fake SARO. Ayon sa House leader, si Badong lamang …

Read More »

Paul Walker pararangalan sa Kamara

ISINUSULONG sa Kamara ang paggawad ng parangal at pasasalamat sa namayapang Holywood star na si Paul Walker. Batay sa House Resolution 577 na inihain ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, nararapat parangalan ang tulad ni Walker na nagpakita ng pagnanais na makatulong sa nasalantang mamamayan sa Filipinas hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Magugunitang nag-organisa ng charity event si …

Read More »

Yolanda death toll pumalo sa 5,719

UMAKYAT pa sa 5,719 nitong Miyerkoles ang bilang ng mga namatay kay bagyong Yolanda, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa update kahapon dakong 6 a.m., sinabi ng NDRRMC na 26,233 ang nasugatan samantalang 1,779 ang nawawala. Nasa 873,434 naman ang bilang ng mga pamilyang nawalan ng tahanan o 4,022,868 katao. Nasa 2,380,019 naman ang bilang ng …

Read More »

Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao dakong 7:58 a.m. kahapon. Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa 57 Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol km timog silangan ng Mati, Davao Oriental. May lalim itong 52 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Inaalam pa ng Phivolcs at NDRRMC kung may naitalang pinsala dahil sa …

Read More »

Reso sa 2013 calamity fund aprub sa senado

INAPRUBAHAN na sa Senado ang resolusyon na naglalayong pahabain ang validity ng calamity related funds sa ilalim ng 2013 national budget upang magamit sa taon 2014. Nasa 12 senador ang pumabor sa Senate Joint Resolution No. 7 at walang tumutol, habang isa ang abstention sa katauhan ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile. Nabatid na tinatayang nasa P12 billion pa …

Read More »

P3.38-B sa relokasyon ng informal settlers

INIHAYAG ng gobyerno na magpapatuloy ang ginagawang relokasyon sa mga pamilyang nakatira sa delikadong lugar sa Metro Manila partikular sa mga nasa estero. Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, naglabas ang kanyang tanggapan ng P3.38 billion sa National Housing Authority (NHA) para sa patuloy na implementasyon ng Housing Program for Informal Settler Families (ISFs) Residing in Danger Areas in Metro …

Read More »

Bagong Umaga, Bagong Pag-asa, konsiyerto para sa biktima ni Yolanda

MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m. Ang Bagong Umaga, Bagong Pag-asa …

Read More »

Andi, ‘di kailangang mamalimos ng suporta kay Albie

INAMIN sa amin ni Andi Eigenman na wala na siyang pakialam sa buhay ng lalaking itinuturing naman daw niyang ama ng kanyang anak na si Albie Casino. ‘Yan ang nabatid namin sa sikat ngayong aktres nang sadyain ito sa taping ng Galema last week. Ayon kay Andi, masaya na siya ngayon sa kanyang pribadong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi …

Read More »

Sexbomb Girls, buwag na?!

ANO naman itong nabalitaan naming tuluyan na raw nagkahiwa-hiwalay ang Sexbomb Girls? Hindi pa namin actually nakokompirma ang isyung ito pero malakas ang tsismis na hindi na raw pipirma ng panibagong kontrata ang buong Sexbomb Girls sa kampo ng kanilang manager na si Joy Cancio. Tila nag-usap-usap daw ang grupo na hindi na sila magpapatali sa dating manager at magkakanya-kanya …

Read More »

PPL, naghandog ng simple at makabuluhang Christmas dinner

ISANG simpleng dinner date for the press ang aming dinaluhan noong Lunes sa imbitasyon ni Perry Lansingan, ang kaibigan naming talent manager ng PPL artists. Simple dahil nagsalo-salo kami sa isang tahimik na gabi kasama ang  talents ng PPL for a dinner at kuwentuhan. Ito na rin ang maagang Christmas party for the press ng PPL na hindi naging magarbo …

Read More »

Kris, nasa Singapore para sa Asian TV Awards

NASA Singapore ngayon si Kris Aquino para sa Asian TV Awards na gaganapin ngayong gabi at isa ang Queen of All Media sa presenter para sa tatlong kategorya. Kasamang tumulak ni Kris sina Kris TV headwriter Darla Sauler at business unit head na si Lui Andrada at ibang staff ng TV host. Nominado raw si Kris bilang TV Personality at …

Read More »