LA UNION – Nakapiit na sa San Fernando City Jail at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mag-live-in partner na suspek sa brutal na pagpatay sa 61-anyos lolo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union. Ang mga suspek ay sina Richard Cabigun, 22, surveyor ng DENR, residente ng Brgy. Pagudpud, San Fernando …
Read More »P2 fare hike hirit ng transport groups
PLANONG maghain ng petisyon ngayong linggo ang ilang transport groups para hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe, sa gitna nang panibagong oil price hike. Ayon sa grupo, target nila ang karagdagang P2.00 sa kasalukuyang minimum fare na P8.00. Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang panibagong …
Read More »Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)
Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI), nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga. Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank. Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado …
Read More »‘Sinasapian’ sa Agusan dumarami
BUTUAN CITY – Nagkasa ang mga magulang, mga guro at principal ng Datu Lipos Makapandong National High School gayondin ang local officials sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ng mga hakbang upang matapos na ang anila’y pagsapi ng masasamang espirito sa mga estudyante na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 6. Ayon kay Luzminda Pagalong, principal ng paaralan, mula sa 11 …
Read More »Romualdez pinagbibitiw ni Roxas
IBINULALAS ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kanyang sama ng loob kaugnay sa aniya’y pagpapabitiw sa kanya sa tungkulin ni DILG Secretary Mar Roxas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, sa Congressional Oversight Committee Hearing sa Senado kahapon. (JERRY SABINO) IBINUNYAG ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tinangka ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary …
Read More »Malampaya funds gagamitin vs power rate hike
INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kina Energy Sec. Jericho Petilla, Executive Sec. Jojo Ochoa, Finance Sec. Cesar Purisima, Justice Sec. Leila de Lima at Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa na pag-aralan ang posibleng paggamit ng Malampaya funds para maibsan ang bigtime power rate hike. Ayon sa Pangulong Aquino, nais niyang matapos ang pag-aaral bago siya bibiyahe papuntang …
Read More »Super Lotto jackpot lumobo sa P107-M
BIGO pa rin mapalunan ng mga mananaya sa Lotto ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang winning number combinations ay binubuo ng 10-36-44-35-19-39 na ang premyo ay nasa P107,698,860. Matatandaang nitong buwan ng Setyembre, isa ang maswerteng nanalo ng Super Lotto jackpot na ang premyo ay nasa mahigit P77.14 million. …
Read More »Anak ng trader patay, 1 pa sugatan sa pamamaril
ZAMBOANGA CITY – Agad binawian ng buhay ang anak ng isang negosyante habang sugatan naman sa ligaw na bala ang isang babae sa insidente ng pamamaril sa Brgy. Tetuan sa Zamboanga City. Batay sa report ng Zamboanga City police office (ZCPO), tadtad ng tama ng bala ng M16 Rifle ang biktimang kinilala ng pulisya na si Al-Sabri Omar Jainuddin, 31, …
Read More »P10-K bonus sa DoLE workers
INIANUNSYO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P10,000 bonus ng mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DoLE) Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa 80th anniversary ng DoLE sa Quezon City. Sinabi ng Pangulong Aquino, bilang insentibo ito sa kasipagan at dedikasyon ng mga kawani ng DoLE sa paglikha ng mga trabaho. Ayon sa Pangulong Aquino, partikular na …
Read More »6th Presidential Award, tinanggap ng SMI
NATANGGAP ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ikaanim na Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) – Exploration Category sa pagpapakita ng namumukod-tanging antas ng dedikasyon, inisyatiba at inobasyon upang mas mapahusay ang pamamahala sa kapaligiran, kaligtasan at kalusugan gayondin sa pagpapaunlad ng komunidad. Ayon kay SMI Executive Vice President Justin Hillier, buong pagpapakumbabang tinanggap nila ang pagkilala at ibinahagi ang …
Read More »Padyak boy, patay sa tarak
PATAY ang isang pedicab driver nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Ronald Vargas, 38, ng Unit 30 Bldg. 7, Temporary Housing, Tondo. Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:15 ng madaling araw natutulog ang biktima nang pasukin ng …
Read More »Evacuation, deployment ikinasa sa Yemen
ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 3 ang crisis alert sa bansang Yemen, sa gitna nang patuloy na pag-igting ng tensyon sa nasabing rehiyon. Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez, sa ilalim ng alerto, ipinaiiral na ng gobyerno ang “total deployment ban” ng overseas Filipino workers sa nasabing bansa. Binanggit din ng opisyal, nakahanda ang pamahalaan na …
Read More »Sexy pictures ni Heart, sa CR daw ilalagay ni Sen. Chiz
MUKHA ngang hawak ni Heart Evangelista ang license to thrill the night she was launched as newest endorser at calendar girl for 2014 ng isang alak! Ang tanong munang papasok sa utak mo eh kung nagustuhan kaya ito ng mga overprotective niyang mga magulang. Na sinagot naman niya after ng kanyang rampa sa entablado na naka-off shoulder gown na hindi …
Read More »Derek, napamura sa ‘pambabastos’ ni Cristine
IBA rin palang mag-trip itong si Cristine Reyes. Pinaglaruan kasi ng hitad ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay on his birthday pa. Saw her Facebook video na ipinakita ni Cristine ang plastic na daga na inilagay niya sa pagkain. She then went to Derek at ibinigay niya ito sa kanyang ex-boyfriend. Napamura nga si Derek sa shock nang makita niya …
Read More »Pangakong bonus ni Willie sa staff, ibinigay na! (Nagkaroon lang ng aberya, kaya na-delay)
NAG-REACT ang kampo ni Willie Revillame sa nasulat namin dito sa Hataw na hindi tinupad ng TV host ang mga pangako niyang tulong sa mga empleadong nawalan ng trabaho ng mawala ang programang Wowowillie sa TV5. At dahil sa nasulat ay nakatanggap daw ng mensahe ang lahat ng mga dating empleado ni Willie na makukuha nila ang kabuuang suweldo noong …
Read More »Korina at Robin, nagbigay-tulong sa mga Badjao
SA isang linggong hindi napanood si Korina Sanchez sa TV Patrol at hindi napakinggan sa kanyang radio program na Rated Korina ay isa sa binisita niyang bayan ang Zamboanga kasama ang aktor na si Robin Padilla para bisitahin ang mga Badjao na nasunugan ng bahay sa Zamboanga na resulta ng digmaan ng MNLF (Moro National Liberation Front) at mga puwersa …
Read More »SpinNation ni Jasmine, pinuri ni MVP
ANG ang saya-saya ni Jasmine Curtis Smith noong Sabado sa live episode ng SpinNation dahil nasa loob pala ng studio ang kanyang special someone na si Sam Concepcion. Sa SpinNation kasi ay may pinahuhulaang kanta at isa rito ay ang Dati na kinanta ni Sam na sa nakaraang Filipino Pop Music Festival na in-interpret ng binata kasama sina Tippy Dos …
Read More »Krista, nagpakita ng suso at nakipag-lovescene sa kapwa babae
AYAW nang pag-usapan ni Krista Miller ang pagkakasangkot niya kay Cesar Montanona siyang dahilan ng paghihiwalay nila ni Sunshine Cruz. Mas gusto niyang pag-usapan ang torrid kissing scene at tikiman nila ni Mara Lopez sa pelikulang Kabaro na idinirehe ni Francis Jun Posadas. Tumatalakay ito sa same sex relationship nina Mara at Krista. Tuhog din sa gay relationship ng dalawang …
Read More »Rona, may Pamaskong handog concert
MASAYANG ibinalita ng maganda at mahusay na mang-aawit na si Rona Dela Rama na mayroon siyang show na gagawin sa December 12, Thursday sa Music Box, Timog Ave., Cor., Quezon Ave., Quezon City. Ito ay ang Re-Throw Back na makakasama sina Mel Kevin, Joan, Roselyn at ang bagong sumisikat na compositor o arranger na si Max Gilbert. Ayon kay Rona, …
Read More »Filipino Reader Con 2013, matagumpay na idinaos
NAGING matagumpay ang pagdaraos ng 3rd Filipino Reader Con sa pakikiisa ng mga Filipino writer, publisher, book reader/collector, bloggers, at ng iba’t ibang grupo ng electronic social media na ginanap noong Disyembre 7 sa Rizal Library ng Ateneo de Manila University, Sikatuna, Quezon City. Kabilang sa mga writer na dumalo sa event sina Rey Atalia, author ng mga aklat …
Read More »Kumukulo ang dugo ng Claudinians kay bubonika!
Hahahahahahahahahaha! The loyal followers of Ms. Claudine Barretto seem to have this deep-seated resentment for chakistic Crispy Chaka basically because of the grossly damaging things that she’s been writting about their idol in her cheaply written columns. Hahahahahahahahaha! The other day, they seemed to have reached the end of their tether and would want to express their hatred for the …
Read More »Bagong Umaga, Bagong Pag-asa, konsiyerto para sa biktima ni Yolanda
https://www.facebook.com/events/636237956418908/?ref=22 MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m. Ang Bagong Umaga, Bagong …
Read More »Assistant ni Dr. Benjamin Tayabas niraraket ang UDM?
NALULUNGKOT tayo sa ginagawang pandurugas umano ng isang opisyal d’yan sa Universidad De Manila (UDM). Dahil sa kanyang katakawan sa kwarta ay sinisira niya ang isang sistema at magandang programa sa edukasyon na ipinamana ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manileño lalo na sa mga kapos sa kakayahang pinansiyal para papag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak. Sa UDM …
Read More »Seryoso na raw ang Media killings
O ‘yan, sabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, seryoso na raw ang MEDIA KILLINGS. Noong una ‘e not so serious, ngayon serious na raw. Kailangan pa palang may paslangin ulit bago aminin na seryoso na ang media killings. Naman Secretray Colocoy ‘este’ Coloma, ipinanganak ka ba kahapon lang?! Hindi mo ba nababalitaan ang mga nangyayari? Que pa na naging communications …
Read More »Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy
IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.” Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si Leviste …
Read More »