ISANG top 8 drug personality mula sa Novaliches ang nadakip ng mga awtoridad sa gitna ng pagpapatupad ng search warrant sa kanyang tahanan ng mga operatiba ng Novaliches Station (PS4) ng QCPD sa pamumuno ni Lt. Col. Richard Ian Ang. Kinilala ni Ang ang suspek na si Mel Goloso, alyas Jun Pugad, 31, kilalang big-time drug peddler na nakalista bilang …
Read More »Director ng PNP- AVSEGROUP iba pang opisyal positibo sa CoVid-19
NALAGAY sa balag ng alanganin ang isang mataas na opisyal ng PNP Aviation Security Group at iba pang opisyal nito matapos magpositibo sa nakahahawang CoVid-19, ilang araw nang magsagawa ng Command conference sa Clark International Airport (CIA) lalawigan ng Pampanga. Ayon sa isang reliable source, dinala agad sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City ang Director General ng PNP – …
Read More »House leader duda sa Dito kung makasasabay sa ibang telcos
NANGANGAMBA ang chairman ng House committee on information and communications technology kung magagampanan ng third telco player ang papel nito na makipagkompetensiya sa nangungunang giant network firms sa bansa. Ayon kay Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap, kahanga-hanga ang pahayag ni Globe Telecom Inc., President and Chief Executive Officer (CEO) Ernes Cu na nakahanda ang pinamumunuan niyang kompanya sa pagpasok …
Read More »‘Kuret’ inulam sa Cagayan 2 anak patay, ama kritikal
BINAWIAN ng buhay ang dalawang bata nitong Biyernes, 12 Pebrero, habang nasa kritikal na kondisyon ang kanilang ama sa bayan ng Sta. Ana, sa lalawigan ng Cagayan, matapos malason sa kinaing ‘kuret,’ isang uri ng alimasag na makikita sa coral reefs. Hindi nailigtas ng mga manggagamot ang magkapatid na sina Reign Clark Cuabo, 5 anyos, at Macniel Craigs Cuabo, 2 …
Read More »Muwebles ubos sa upos (Sunog sa Isabela)
NATUPOK ang isang tindahan ng muwebles sa bayan ng San Mariano, lalawigan ng Isabela nitong Sabado ng gabi, 13 Pebrero, na pinaniniwalaang nagsimula dahil sa hindi napatay na upos ng sigarilyo. Ayon kay Fire Officer 1 Shereelyn Liwag, information officer ng BFP-San Mariano, dakong 10:58 pm nang makatanggap sila ng tawag na may sunog sa isang furniture shop na pag-aari …
Read More »Panelo sa LTO execs: ‘WAG PASAWAY (Galvante nilait)
HATAW News Team NAGBABALA si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na huwag maging pasaway at pag-aralan mabuti ang mga patakaran bago ipatupad. Ang pahayag ni Panelo ay kasunod ng kontrobersiyang nilikha ng motor vehicle inspection system (MVIS). “Puwede ba ayusin ninyo? You better shape up or ship out. Dadagdag pa kayo …
Read More »Sharp Philippines’ Entertainment Solutions comes bigger and better with their new TV and Audio Products
Over the years, TV and audio products have been evolving to meet the lifestyle demand of their consumers. Sharp Philippines, one of the leading technology innovators, has been introducing new products to the market with their goal of bringing convenience, protection, and lifestyle evolution to everyone — gearing towards being the best partner of every household. Here are some of …
Read More »Bro. Eli Soriano pumanaw sa Brazil (Lider ng Ang Dating Daan)
YUMAO kahapon, 11 Pebrero, ang lider ng grupong Ang Dating Daan na si Eliseo Fernando Soriano sa bansang Brazil, kung saan siya namamalagi simula nang umalis sa Filipinas ilang taon na ang nakararaan. Si Soriano ang nananatiling lider ng kanilang grupo, ay nagpapaabot ng kanyang mga pangaral sa pamamagitan ng internet. Sinasabing ang balita ay sinalubong nang may pagkabigla ng …
Read More »Alyado ni Erice wanted sa tax evasion
HATAW News Team PINAGHAHANAP ngayon si Konsehal Alexander Mangasar ng Caloocan City matapos lumabas ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan RTC Branch 126 para sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of Justice (DOJ). Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 …
Read More »Pinamalayan gov’t compound nasunog P10-M tayang pinsala (Sa Mindoro)
NAG-IWAN ng pinsala sa mga impraestrukturang tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon ang sunog na tumupok sa government compound ng bayan ng Pinamalayan, sa lalawigan ng Oriental Mindoro nitong Martes ng umaga, 9 Pebrero. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 2:30 am sa tanggapan ng municipal treasurer sa lumang dalawang-palapag na gusali. Inilinaw ni Senior Fire …
Read More »Sen. Poe at anak na si Brian sumaklolo sa biktima ng sunog sa Zamboanga City
INAYUDAHAN ni Sen. Grace Poe ang 120 homeless families sa Zamboanga City na biktima ng sunog sa Cabato Road, Brgy. Tetuan noong 6 Enero. Ipinagkaloob ang tulong sa pamamamagitan ng Panday Bayanihan, isang non-government organization na pinamumunuan ng kanyang anak na nagsisilbing chief of staff na si Brian Poe Llamanzares. Tumanggap ang mga benepisaryo ng bags na naglalaman ng bbigas, …
Read More »LPG depektibo, kulang sa timbang kalat sa merkado (Poe sa DOE: Solusyonan mataas na presyo)
NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) na kagyat na gumawa ng aksiyon laban sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng ‘pekeng’ liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang mga negosyante kung anong kapahamakan …
Read More »ICTSI union leader itinumba ng tandem (4-anyos nene sugatan)
ISANG lider ng unyon ng mga manggagawa sa pantalan ang pinagbabaril, na kanyang ikinamatay, habang sugatan ang 4-anyos pamangking babae, sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi, 7 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonardo “Ka Esca” Escala, presidente ng unyon ng mga manggagawa sa Manila port operator International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI). Sa inisyal na ulat …
Read More »Opisyal ng PRO Duterte group timbog sa 3.9 kilo ng damo
ISANG pinaniniwalaang auditor ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang nadakip nitong Biyernes, 5 Pebrero, dahil sa pagbibiyahe ng halos kalahating milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa lungsod ng Tabuk, sa lalawigan ng Kalinga. Naharang ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ronnel Tacata, 38 anyos, sa isang quarantine control checkpoint sa Brgy. Bantay …
Read More »Poe, Gordon, Recto, Sarmiento pinuri sa kanilang aksiyon
PINURI ng apat na cause-oriented groups, National Public Transport Coalition (NPTC), United Transport Alliance Philippines (UTAP), National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP at Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI-Kalikasan), na may libo-libong kasapi sina senators Grace Po, Ralph Recto, Richard Gordon, at Rep. Edgar Mary Sarmiento sa mainit na suporta sa kanilang ipinaglalaban, lalo ang …
Read More »4 Caloocan employees kinasuhan ng cyber libel
SINAMPAHAN ng kaso ni Caloocan City 2nd district representative Edgar “Egay” Erice ng kasong cyber libel ang apat na kawani ng pamahalaang lungsod matapos gumawa ng social media meme gamit ang pekeng quote mula sa mambabatas. Paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Law ang isinampa ni Erice sa Quezon City Prosecutors’ Office laban kina Marilou Santos Concon, Yvette Mari …
Read More »P10K cash-aid isinulong ni Cayetano at aliados
PINANGUNAHAN ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang asawang si Taguig Rep. Lani Cayetano ang paghahain ng House Bill 8597, Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program, na naglalayong mamahagi ng dagdag na ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemyang CoVid-19. Iminumungkahi nitong mabigyan ang bawat pamilya ng P1,500 o P10,000, alinman ang mas mataas depende sa bilang ng …
Read More »Pananakot ni Parlade sa lady journo kinondena (Journalism is not terrorism)
HATAW News Team MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ang pagbabanta ni Lt. General Antonio Parlade sa isang lady journalist na isinulat ang balita kaugnay sa oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terror Act (ATA) sa Korte Suprema. Nagbanta si Parlade, na gagamitin ang ATA laban kay inquirer.net reporter Tech Torres-Tupas ay nagbigay katuwiran sa mga argumento na ang batas ay …
Read More »Sundalong off-duty todas sa sariling baril
PATAY ang isang sundalong off-duty na aksidenteng nabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Tukuran, lalawigan ng Zamboanga del Sur, nitong Linggo, 31 Enero. Kinilala ni P/Capt. Jubain Grar, hepe ng Tukuran police, ang biktimang si Army Staff Sergeant Neil Gonzales, na ayon sa mga nakasaksi ay aksidenteng nakalabit ang kanyang kalibre .45 baril habang …
Read More »Filipino community sa UAE nagluluksa para sa kapwa expat (PH embassy nangako ng hustisya sa OFW)
NAGLULUKSA ang higit isang milyong Filipino sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagkamatay ng isang Pinay na receptionist na naiulat na nawawala noon pang Marso 2020 at natagpuan ang kanyang labi noong isang buwan. Bumaha sa social media ang mga panawagan ng hustisya, mga mensahe ng simpatya at pakikiramay para sa mga kaanak ni Mary Anne Daynolo, receptionist sa …
Read More »QC SK Federation President bago na, Ex-official pinatalsik ng Comelec sa pandaraya ng edad
MAY bago nang itinalagang Sangguniang Kabataan (SK) Federation President ang Quezon City, matapos patalsikin ng Commission on Elections (COMELEC) ang dating opisyal ng federation dahil sa pagsisinungaling nito sa kanyang edad noong tumakbo sa halalang 2018. Nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si John Paolo A. Taguba, SK Chairman ng Barangay Escopa IV, QC, sa harap ni Department of Interior and …
Read More »Laguna barangay chairman niratrat sa clearing operations
HINDI nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Bay, sa lalawigan ng Laguna nang pagbabarilin ng apat na suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo, nitong Linggo ng umaga, 31 Enero. Sa ulat mula sa Bay police station, kinilala ang biktimang si Arnold Martinez, 54 anyos, kasalukuyang kapitan ng Barangay Tranca, sa naturang bayan. Nabatid …
Read More »Temperatura sa Baguio bumaba sa 9.4°C (Klima lalong lumalamig)
BUMAGSAK ang temperatura sa lungsod ng Baguio hanggang 9.4 °C nitong Linggo ng umaga, 31 Enero, ayon sa synoptic station ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mas mababa sa 10 °C dakong 5:00 am. Ayon sa Pagasa, naitala ang temperatura dakong 6:30 am, pinakamalamig sa kasalukuyang panahon ng amihan. Katulad ito ng pinakamalamig na temperaturang naitala noong …
Read More »Parada, concert hindi magaganap sa Chinese New Year
IPAGBABAWAL muna ang pagkakaroon ng kahit anong aktibidad sa Chinese New Year sa 11 Pebrero, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo sa 120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD). Ayon sa alkalde nagpupulong ang mga organisasyon ngunit tiniyak na walang paradang magaganap sa nasabing pagdiriwang. Aniya, maagang naabisohan ang mga Filipino Chinese community sa …
Read More »120th founding anniv ng MPD pinangunahan ni Mayor Isko
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagdiriwang ng ika-20 founding anniversary ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkoles ng umaga sa MPD headquarters United Nations Ave., Maynila. Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagkaroon ng wreath laying ceremony sa “Heroes Wall” ng mga napaslang na miyembro ng MPD habang sila ay tumutupad sa kanilang mga tungkulin. Sa maikling programa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com