APAT ang itinuturing na persons of interest ng Manila Police District (MPD) sa pagpatay sa opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ng hapon. Batay sa nakalap na footages mula sa CCTV ng MPD, makikita kung paano tinambangan ng una at pangalawang persons of interest ang biktimang si Helen Dacanay, 59, Senior Labor Officer, residente sa Blk …
Read More »Pagpaslang sa broadcaster kinondena ng Palasyo
KINONDENA ng Palasyo ang pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon. Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso. “This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family,” aniya. Bilang co-chair ng …
Read More »Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin
BALIK-PELIKULA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso! Makakasama ni Mayor Isko ang isa sa mga sikat na aktor na si Coco Martin para sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Tampok ang dalawa sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na mapanonood ngayong Pasko. Ayon kay Moreno, gaganap siya bilang alkalde sa naturang pelikula. Bagamat maikli ang role ay …
Read More »Abogado ni Joel Cruz nangamote sa ebidensiya, Kasong estafa vs Dupaya ibinasura ng piskalya
HINDI sustenable ang ebidensiyang iniharap ng kampo ng tinaguriang ‘lord of scents’ na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn dela Cruz Dupaya kaya ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang kasong estafa laban sa huli. Sa resolusyong inilabas ng piskalya, isinaad na “The case lacks any evidence of any false pretense or fraudulent act of which …
Read More »Para sa 2020… P17.8-B Manila executive budget aprobado na
INAPROBAHAN na ng Sangguniang Panglungsod ang P17.8 bilyong executive budget sa taong 2020 para sa lungsod ng Maynila. Si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang tumayong presiding officer sa Konseho na nanguna sa pagpasa sa nasabing pondo sa ika-33 regular session gayondin si Majority floor leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua. Makatutulong ang inilaang pondo para sa mga …
Read More »Hepe ng DTI Lab sa Cavite tulog sa oras ng trabaho
NAISPATANG natutulog kahit oras ng trabaho ang isang nagngangalang Jay (nasa cubicle) sa loob ng laboratory na nagsusuri ng mga produktong sumasailalim sa mandatory certification ng Department of Trade and Industry (DTI)M sa Dasmariñas, Cavite. Nauna na umanong inireklamo na kahit nasa laboratory premises ang ilang staff ay naglalaro lamang kahit office hours. Wala umanong biometric sa nasabing laboratory, kaya …
Read More »Globe, Singtel volunteers sanib-puwersa (Sa tree-planting sa Iba, Zambales)
MULING bumisita sa bansa ang mga employee volunteer mula sa Singtel ng Singapore upang makibahagi sa 8th Overseas Volunteering Program (OVP) ng Singtel Group na ini-host ng Globe Telecom. Ang grupo ng anim na Singtel at 13 Globe volunteers ay nagtungo sa Iba Botanicals eco-village sa Iba, Zambales upang magtanim ng Acacia, Kakawati, Langka, at Kasoy sa mga lugar na …
Read More »Labor leader itinumba sa Laguna (‘De facto martial law’ hirit ng militante)
ISANG lider manggagawa at coordinator ng Makabayan nitong nakaraang halalan, Mayo 2019 ang pinaslang sa lungsod ng Cabuyao, sa lalawigan ng Laguna nitong Lunes ng gabi, 5 Nobyembre. Sa ulat mula sa Laguna police, naglalakad ang biktimang kinilalang si Reynaldo Malaborbor, 61 anyos, kasama ang kaniyang asawa malapit sa kanilang tahanan sa Bgy. Banay-Banay nang barilin ng suspek mula sa …
Read More »Ako Naman, Kiel Alo’s biggest break sa Music Museum
KIEL ALO is tagged as the HUGOT KING of the new generation—a balladeer par excellance indeed! Everytime he sings his favorite love songs, he makes heads turn. Maybe because his voice has so much sincerity and sweetness. “Palagi na lang sila. AKO NAMAN! AKO NAMAN!” he jokes during a tsikahan which indeed up with a pre-birthday concert entitled AKO NAMAN …
Read More »30 bakwit sa Cotabato naospital sa pagkain ng ulam na baboy
ISINUGOD sa pagamutan ang hindi bababa sa 30 internally displaced persons (IDPs) mula sa mga evacuation center ng bayan ng Malasila sa lalawigan ng Cotabato dahil sa pagsusuka at pagtatae. Ayon kay Cotabato Acting Vice Governor Shirlyn Macasarte, namumuno sa Incident Management Team (IMT), agad dinala ang mga bakwit sa kalapit na mga pagamutan upang malapatan ng lunas. Kinilala ang …
Read More »Digong hiniling mamagitan… Sabotahe duda sa Iloilo blackout
NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan ng Panay upang alamin ang totoong kaganapan sa serye ng mga blackout sa nasabing lugar makaraang lumutang ang mga espekulasyon na ang nasabing power outage ay ‘pinagplanohan’ at sinabotahe. Ayon sa mga residente, sakaling totoo ang duda na ang Iloilo blackout ay sinabotahe, kailangang papanagutin ng Pangulong Duterte kung sinoman ang may …
Read More »DOE nakiisa na sa Green group sa ‘di paggamit ng karbon
NAGPAHAYAG kahapon ng suporta ang Power for People Coalition (P4P) sa Department of Energy (DOE) sa panawagan sa Meralco na baguhin ang regulasyon at bigyan ng kakayahang umangkop ang ‘power suppliers bidding’ sa pangangailangan ng enerhiya, kasabay ng pagtutulak na isama ang renewable energy (RE) sources sa power distributor’s energy mix. HIniling ng Meralco na mag-bid para sa 1,200 megawatts …
Read More »Cebu Pac bukas na sa bagong aplikasyon (Para sa cadet pilot program)
BINUKSAN ng Cebu Pacific, pangunahing flag carrier sa bansa, ang paghahanap ng 16 bagong recruits upang sumailalim sa kanilang cadet pilot program. Maaaring mag-apply ang mga Filipino college graduates na proficient sa English, may average grade na hindi bababa sa 80% o equivalent nito sa mga subject na may kaugnayan sa Math, Physics at English, at nasa maayos na kondisyon …
Read More »Isko nasa S. Korea para sa climate at air quality
LUMIPAD kahapon ng umaga, Linggo patungong Seoul, South Korea upang dumalo sa dalawang araw na conference kaugnay sa climate and air quality si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang pagdalo ng alkalde, kasunod ng imbitasyon ni dating United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon. Magsasalita ngayong umaga ang alkalde sa International Forum on Air and Climate Change ng National …
Read More »22 katao patay sa serye ng lindol sa Mindanao
HINDI bababa sa 22 katao ang namatay sa serye ng malalakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao mula noong huling bahagi ng Oktubre, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council. Ayon sa ulat ng NDRRMC, 16 katao ang namatay sa lalawigan ng Cotabato, kung saan naitala ang epicenter ng magnitude 6.6 …
Read More »Tserman, batugan ka! — Isko
“BATUGAN ka! Kung hindi ka batugan, namomolitiko ka!” Ito ang tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco ”Isko Moreno” Domagoso sa kanyang capital report kaugnay sa mga barangay chairman na pasaway. Partikular na tinukoy ng alkalde si Chairman Raul Marasigan ng Barangay 628 Zone 63 sakop ng Sta. Mesa, Maynila matapos siyang i-report ng netizen kaugnay sa tambak na debris sa …
Read More »19 patay, 22 sugatan sa truck na nahulog sa bangin sa Apayao (Kumuha ng binhi at tulong)
IMBES karagdagang kabuhayan, sariling buhay ang ibinuwis ng 19 katao kabilang ang ilang senior citizens, nang mahulog ang sinasakyan nilang Elf truck sa isang bangin sa bayan ng Conner, lalawigan ng Apayao dakong 7:00 pm nitong nakaraang Huwebes, bisperas ng Undas, 31 Oktubre. Nabatid sa mga imbestigador, sugatan ang 22 iba pang pasahero ng nabanggit na truck. Kinilala ang mga …
Read More »P30.5-M donasyon at TF ni Isko personal na iniabot sa PGH
MISMONG si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nagkaloob sa Philippine General Hospital (PGH) ng milyon-milyong donasyon kabilang ang kanyang talent fee sa kanyang pagmomodelo sa JAG Jeans. Umabot sa halagang P30.5 milyong donasyon kabilang ang kanyang P1 milyong talent fee mula sa isang kilalang brand ng damit, ang pormal niyang ipinagkaloob sa tanggapan ni PGH Director Gerardo Legaspi. …
Read More »Paggunita sa Undas kasado na, QC councilors nagpaalala sa publiko
PLANTSADO na ang paghahanda ng pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita sa araw ng Undas ngayong 1-2 Nobyembre para matiyak ang kaligtassan ng publiko. Kaugnay nito nagpaalala si Quezon City 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa publiko na bukod sa dapat matiyak ang maayos at matiwasay na pagbiyahe ng mga kababayan natin na magsisipag-uwian sa kanilang …
Read More »Radio manager at Remate tabloid stringer itinumba (Sa Tacurong City)
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Mindanao-based radio station manager na si Benjie Caballero, limang beses binaril ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek dakong 1:15 pm, kahapon , 30 Oktubre, sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ang ulat ng pagkamatay ni Caballero ay inihayag ng Aninaw Productions sa kanilang social media page kasabay ng pagkondena sa pag-atake laban sa mga mamamahayag …
Read More »PH cinema, bumida sa Tokyo Film Festival
NAPAHANGA ng Pinoy filmmakers at actors na nag-represent sa bansa ang mga hurado sa ika-32 Tokyo International Film Festival (TIFF) Red Carpet at Opening Ceremony sa Roppongi Hills, Tokyo, Japan. Sa 181 na pelikula para sa exhibition ng TIFF ngayong taon, walong productions ang mula sa Pilipinas—marka ng isang impressive feat sa Philippine Cinema. Pinangunahan nina Bela Padilla, Mara Lopez, …
Read More »Mindanao niyanig ng kambal na lindol (Estudyante, 5 pa patay)
HINDI pa man nakababawi sa lindol na tumama sa isla sa unang bahagi ng buwan ng Oktubre, niyanig muli ng dalawang malalakas na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao na nag-iwan ng anim na patay at dose-dosenang sugatan kahapon ng umaga, 29 Oktubre. Naunang yumanig ang 6.6 magnitude lindol sa bayan ng Tulunan sa lalawigan ng Cotabato dakong 9:04 am …
Read More »‘Wag bawasan, dagdagan… PGH P10-B budget iginiit ng All UP Workers Union
HINILING ng health workers ang P10-bilyong budget mula sa pamahalaang Duterte para sa Philippine General Hospital (PGH) sa isinagawa nilang piket sa bukana ng ospital, kamakalawa. Isinaad ng All UP Workers Union-Manila, isang kinikilalang unyon ng rank and file na kawani ng pagamutan na makatuwiran ang hinihiniling nilang budget dahil makikinabang dito hindi lang ang health workers, kundi maging ang …
Read More »4K pulis ipakakalat sa mga terminal, sementeryo sa Metro Manila
IPINAKALAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang halos 4,000 pulis na magbabantay sa mga terminal at sementeryo sa Metro Manila. “Sa araw na ito maglalagay kami ng police assistance desks sa lahat ng terminal, lalo sa malalaking terminal natin sa Cubao at malalaking sementeryo,” pahayag ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas. “Bukas magde-declare na kami ng full alert,” …
Read More »Panahon pa ni Erap… 120K kidney patients, nakalibre sa Manila dialysis center
DISYEMBRE 2014 pa nang buksan ni former Manila Mayor Joseph Estrada ang pinakamalaking dialysis center sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila. Ito ang inihayag ng kampo ng dating alkalde, na sa pamamagitan umano ng City Ordinance 8346 at Council Resolution No. 163 na inaprobahan ng konseho noong Abril 2014, binigyan ng kapangyarihan si Estrada na pumasok …
Read More »