Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

Chinese na nanagasa, nandura, ‘ipinatatapon ni Manila Mayor Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso na ideklarang undesirable alien o ipatapon sa labas ng bansa ang Chinese national na nanagasa at nandura sa pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding. Sa kanyang capital report, inatasan ng alkalde ang MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) para sa tamang proseso patawan ng …

Read More »

Mula sa PSALM pantugon sa nCoV crisis… Power firm ni Ramon Ang dapat singilin sa P19-B utang

SA HARAP ng ginagawang pag­busisi sa mga onerous contract na pin­asok ng gobyerno sa mga nakaraang adminis­trasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan. Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita ang sinseridad ng adminis­trasyon …

Read More »

Cellphone ni Direk, makasalanan

phone text cp

MASYADO raw “makasalanan ang cellphone” ni direk. Kasi nasa cellphone ni direk ang mga picture at video ng mga naka-affair niya, kabilang na ang ilang mga male star. Trip daw kasi talaga ni direk na matapos makipag-sex, ivini-video niya kung sino man ang kanyang nakaka-sex. Payag naman daw ang mga lalaki dahil hindi naman ikinakalat iyon ni direk, at saka siguro …

Read More »

BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado

NABERIPIKA ng Center for Cosmetics Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA), alinsunod sa ginawang monitoring at sample purchase ng pabango na hindi rehistrado ang pabangong Ian Darcy Eau de Parfum. Sa ilalim ng batas, kinakailangang mag­ notify o magrehistro sa FDA ang lahat ng produktong cosmetics, kabilang ang mga paba­ngong ibebenta sa publiko. Ito ay upang masigu­rado …

Read More »

Pinay DH sa Dubai patay sa ‘virus’

ISANG 58-anyos Filipina domestic worker sa Dubai ang iniulat ng pahayagang The Filipino Times (TFT) na namatay dahil sa respiratory illness. Kinompirma ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa nasabing pahayagan sa Dubai. Ayon kay Bello, humihingi ng tulong ang pamilya ng Filipina upang maiuwi ang kanilang kapamilya na nakatak­dang sunugin sa Dubai. Sa panayam ng TFT, nabatid kay …

Read More »

75th anniversary ng Battle for Manila ginunita sa lungsod

GINUNITA ng pama­halaang lungsod ng Maynila ang kata­pangan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipi­no noong panahon ng digmaan upang maka­mit ang pag-asa at demokrasya. Sa ika-75 anibersar­yo ng Battle for Manila, pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko” Do­ma­­goso, ang program at sinabi ng alkalde na isantabi na ang hindi pagkakaunawaan. Aniya, 75 taon na ang nakalilipas at ma­ra­mi na ang …

Read More »

Labi ng ‘expired’ nCoV patient sa PH ikini-cremate — DOH

dead

SINUNOG ang mga labi ng Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV ARD at namatay sa Filipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, 3 Pebrero. “Mayroon tayong tinatawag na burial saka ‘yung pangangasiwa ng pumanaw at ng katawan nito… at sa pinakahuling ulat sa akin, ike-cremate,” pahayag ni Duque sa isang panayam. Dagdag ng kalihim, hindi na maipapasa ang …

Read More »

PH may 80 PUIs sa nCoV

PUMALO sa 80 pasyente ang ikinategoryang persons under investigation (PUIs) para sa novel coronavirus (nCoV) sa pinakahuling tala ng Department of Health (DoH) kahapon ng  tanghali. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, sa nabanggit na bilang, 67 ang naka-admit at nasa isolation. Habang ang 10 ay pinauwi na pero estrik­tong mino-monitor ng mga doktor. Ang tatlo ay kina­bibilangan ng …

Read More »

Digong walang kibo sa bilyonaryong ‘di nagbayad ng utang sa gobyerno? P19-B atraso ng power firm ni Ramon Ang

NANGUNGUNA ang Independent Power Producer Administrators (IPPAs) at electric cooperatives sa listahan ng top corporate entities na matagal nang may pagkakautang sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) nang kabuuang P59.23 bilyon hanggang noong Disyembre 2018. Karamihan sa accounts nito ay inilipat ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa PSALM sa bisa ng  EPIRA, o Republic Act 9136, in 2001. Sa …

Read More »

Senior citizens, PWDs tanggap na sa fast food resto at supermarkets

MAAARI nang makapagtrabaho ang ilang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Lungsod ng Maynila. Lumagda si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kasunduan kasama ang food companies na KFC at Tokyo Tokyo, at maging sa supermarket na Puregold para magbukas ng bakanteng trabaho sa senior citizens at PWDs. Dahil dito, tatanggap …

Read More »

Tauhan ng PAGCOR buking na ‘fixer’

BISTADO ang isang lalaki na sinabing tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang ‘fixer.’ Hindi pinangalanan ni Jimmy Bondoc, Vice President for Social Responsibility Group ng PAGCOR, ang suspek na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Bondoc, nakatanggap sila ng mga ginagawang iregularidad ng suspek tulad nang paglapit sa mga humi­hingi …

Read More »

PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov

NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon. Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong …

Read More »

Ex-Solon: Batangas property ‘di dapat ibigay sa crony ni PRRD… Chevron haharangin kay Dennis Uy

KONGRESO at hindi Malacañang ang dapat magrebyu sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘onerous contracts.’ Pahayag ito kahapon ng liderato ng militanteng grupong Bayan Muna sabay panawagan sa Pangulo na ‘wag ibigay sa kanyang kaibigan at lumalabas na crony na si Dennis Uy ang pama­mahala ng malawak na lupain sa Batangas na ginagamit ng Chevron Philippines bilang gas …

Read More »

8-anyos totoy patay sa ligaw na bala (Target na kagawad sugatan)

PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng isang 8-anyos batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa San Andres Bukid, Maynila. Ayon kay P/Cpt. Roel Purisima, hepe ng PCP Dagonoy, nakikipag­kuwentohan sa harap ng barangay hall ang si Roberto Cudal, kagawad ng Brgy. 775, Zone 84 nang pagbabarilin ng riding in tandem. Naganap ang insiden­te sa …

Read More »

Binondo hospital, Munti negatibo sa coronavirus

NAGLABAS ng impo­rmasyon ang Manila Public Information Office (Manila-PIO) kaugnay sa kumakalat na balita kaugnay sa Chinese national na naospital sa Metropolitan Hospital na umano’y may N19 coronavirus. Ayon sa Manila PIO, base sa isinagawang sur­veillance at imbesti­gasyon ng Manila Health Department (MHD) team at DOH surveillance kinilala ang Chinese na isang lalaki, 27 anyos, at dumating sa Filipinas bilang …

Read More »

Sa flag-lowering ceremony… PH Embassy sa Kuwait napabalitang ‘isasara’

OFW kuwait

PINAYOHAN kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na hangga’t maaari ay huwag maniwala sa mga kumakalat sa social media na nagsasabing magsasara na ang Embahada ng Filipinas sa bansang Kuwait dahil ibinaba na ang bandila ng Filipinas sa labas nito. Ipinaliwanag ng Embahada ng Filipinas sa Kuwait, tulad ng ginagawang flag-raising ceremony tuwing Linggo ng umaga, may …

Read More »

Lockdown sa 2 bayan ng Batangas tinanggal 6 barangay off-limits pa

TINANGGAL ng mga awto­ridad ang lockdown order sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa lalawigan ng Batangas kahapon, 27 Enero, maliban sa anim na barangay na nasa “seven kilometer-radius danger zone” na itinituring na nasa panganib kung sasabog muli ang bulkang Taal. Pinakahuli ang dalawang munisipalidad sa 14 bayan at mga lungsod sa lalawigan na muling nagbukas mata­pos ang …

Read More »

DICT, NTC pinatututok sa 3rd telco… Kapasidad ng Dito minaliit

KINUWESTIYON ng isang militan­teng party-list lawmaker ang kakayahan ng third telco na Dito Telecommunity Corporation na matupad ang nakasaad sa iginawad na permit to operate sa naturang kompanya, kabilang ang pagka­karoon ng 2,500 cell sites pagsapit ng buwan ng Hulyo ng taong kasalu­kuyan. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kasapi ng Makabayan bloc, mag­hahain siya ng resolusyon para …

Read More »

Kobe, 13-anyos anak na babae, 7 pa patay sa chopper crash

LOS ANGELES — Hindi nakaligtas sa kamatayan si Kobe Bryant, ang 18-time NBA All-Star na nagwagi ng limang championships at tina­wag na “greatest basket­ball players of his generation” sa kanyang 20-taong karera sa Los Angeles Lakers, nang mag-crash ang sinasak­yang helicopter nitong Linggo (Lunes sa Maynila). Edad 41 anyos ang pambihirang basket­bolista. Namatay si Bryant sa helicopter crash malapit sa …

Read More »

Aplikante minolestiya ng polygraph examiner

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness ang isang 54-anyos polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Maynila, noong Martes. Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious, may asawa, residente sa …

Read More »

Yorme napaiyak: Resbak sa HR lawyer “Mema lang kayo!”

HINDI napigilan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang maluha nang resbakan ang isang human rights lawyer na tumawag sa kanyang ‘epal.’ Inakusahan ni Atty. Fahima Tajar, isang human rights lawyer, ang alkalde ng paglabag sa ilang batas kaugnay ng pagkakaroon ng billboards sa EDSA para sa mga tinanggap niyang product endorsements. Partikular na binanggit ni Atty. Tajar ang sinabi …

Read More »

‘Alien’ na umebak sa Intramuros wanted

IPINAG-UTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang manhunt operation sa isang foreign national na nakuhaan ng larawan habang ‘umeebal’ sa pampublikong lugar sa Intramuros, Maynila. Inatasan na rin ng alkalde si Department of Tourism,  Culture and Arts Manila (DTCAM) chief Charlie Duñgo na makipag-ugnayan sa administrador ng Intra­muros kaugnay sa nasabing insidente. Sa pahayag ng IA administrator na ipina­dala …

Read More »

Consumers sa Metro mas masuwerte sa serbisyo ng tubig

tubig water

KUNG ikokompara sa ibang urban center, masasabing mapalad pa rin ang mga consumer sa Metro. Kahit marami ang nagrereklamo sa halaga ng bayarin sa tubig, lumi­litaw sa mga datos na pinakamababa pa rin ang singil sa tubig sa Metro Manila kompara sa 12 metro cities sa buong Filipinas maging sa ibang siyudad sa Asia-Pacific region. Ang consumers ng Metro Manila …

Read More »

‘Wag sana kaming mawalan ng trabaho… Technohub workers umapela kay Digong

HINDI pa man gumu­gulong ang imbestiga­syon sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng Uni­versity of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO workers, na nababahala sila sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nanga­ngamba nang mawalan ng trabaho. “Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakaka­takot na …

Read More »