Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

Blackout sa eleksiyon sa Mindanao posible

MAAARING magkaroon nang malawakang blackout sa Mindanao sa panahon ng 2016 elections. Ito ang babala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng sunod-sunod na pagpapasabog ng mga rebelde sa towers ng NGCP sa Mindanao. Sinabi ni Cynthia Alabanza, Spokesperson ng NGCP, umabot sa 15 tore ang pinasabog ng mga armadong grupo nitong nakaraang taon. Ang reserbang …

Read More »

Protesta ng PH vs China sa test flight tuloy — DFA

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang kanilang protesta laban sa China kaugnay ng test flight na ginawa ng Beijing sa artificial airstrip sa West Philippine Sea. Magugunitang, mismong ang China ang nagkompirma na nakompleto na ng Beijing ang construction ng airfield sa Fiery Cross Reef at nagsagawa na sila ng flight testing para sa civil aviation …

Read More »

‘Boy Sagasa’

TAPOS na ang 2015… Pero hanggang ngayon ay wala pa tayong nakikita ni anino ng LRT 1 Extension project na magdudugtong umano sa Baclaran at sa Bacoor, Cavite. Sa kanyang campaign sortie noong 2013 sa Cavite, ipinamaglaki ni PNoy na mase-serbisyohan ng nasabing proyekto ang 250,000 pasahero sa pagtatapos ng 2015. At ipinagmalaki niyang siya ay may pa-labre de honor. “Turo …

Read More »

Militante nag-rally sa SSS, pension hike inihirit

NAGKILOS-PROTESTA sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa Quezon City ang ilang militante, nitong Martes ng umaga. Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno at Bayan Muna, ipinanawagan ng mga militante na pirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P2,000 across the board SSS pension hike. Pasado na sa Kongreso ang naturang panukala noong Hunyo. Ipinasa na rin …

Read More »

Dalagita na-gang rape sa likod ng school (Nagtapon ng basura)

GENERAL SANTOS CITY – Hinahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaking gumahasa sa isang dalagita sa Glan, Sarangani Province. Ayon sa report ng Glan PNP, ang tatlong mga suspek ay sakay ng motorsiklo. Base sa impormasyon ng pulisya, habang nagtatapon ng basura ang biktima nang madaanan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo. Huminto ang motorsiklo at hiningi ng …

Read More »

Replica ng Poong Nazareno ipuprusisyon (Ilang kalye isasara)

ISASARA ang ilang kalye sa Maynila para sa prusisyon ng mga replika ng Poong Nazareno sa Enero 7. Sa abisong inilabas ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda, babagtasin nito ang Villalobos St., kakaliwa sa Quezon Blvd., kakanan sa C.M. Recto, kakanan sa Loyola St., kakaliwa sa Guzman St., kakanan sa R. Hidalgo …

Read More »

Ampon na 9-anyos nagbigti (Binantaang isasauli sa magulang)

ILOILO CITY – Nagbigti ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang bantaan ng ginang na umampon sa kanya na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang makaraang nakawin ang cellphone ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joseph Jimenez, Grade 3 pupil sa Dacutan Elementary School, Dacutan, Dumangas, Iloilo, natagpuang nakabigti sa labas ng comfort room ng kanilang bahay. Sa …

Read More »

Tserman patay, asawang principal sugatan sa ambush (Sa Cotabato)

PIKIT, NORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem suspects sa probinsya ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Pecson Alang Mangansakan, Brgy. Chairman ng Brgy. Silik Pikit North Cotabato, tiyuhin ni Pikit Vice-Mayor Don Mangansakan. Habang nadaplisan ng bala sa katawan ang maybahay niyang si Marela Mangansakan, principal ng …

Read More »

7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

PITO ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA Guadalupe, nitong Martes ng umaga. Sangkot sa karambola ang dalawang bus, isang taxi, at tatlong jeep. Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang bus ng Roval Transport na biyaheng Muntinlupa-Valenzuela. Dahil dito, sumalpok ito sa jeep na nasa unahan. Bumangga ang jeep sa isa pang …

Read More »

Guro sa Leyte, patay sa saksak ng ex-BF (Sa labas ng classroom)

  TACLOBAN CITY- Naglunsad na ng manhunt operation ang mga pulis ng Maasin City laban sa ex-boyfriend na suspek sa pagpatay sa isang guro sa labas mismo ng silid-aralan sa Libertad Elementary School kamakalawa. Ayon kay Supt. Avelino B. Doncillo, hepe ng Maasin PNP, kinilala ang biktimang si Angelica Miole, 23, Grade 5 teacher at residente ng Brgy. Bactul II, …

Read More »

Senate probe sa ‘SAF 44’ muling bubuksan sa Jan. 25

SA mismong unang anibersaryo ng Mamasapano massacre, muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs committee chairman, Senator Grace Poe, dakong 10 a.m. ng Enero 25 siya muling magpapatawag ng pagdinig sa isyung kinasasangkutan ng Moro Islamic Liberation Front …

Read More »

3 DQ cases vs Duterte iko-consolidate

IKO-CONSOLIDATE ng Comelec ang tatlong disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, lahat ng mga kaso ay hahawakan ng Comelec first division. Sa ganitong paraan aniya ay mas mapabibilis ang pagdinig sa mga kaso. Paliwanag niya, magkakapareho ang nilalaman ng tatlong reklamo kaya walang magiging problema sa …

Read More »

Ex-Leyte mayor et al kinasuhan ng graft sa Omb.

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman ang dating alkalde sa bayan ng Mc Arthur, Leyte. Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa ilegal na withdrawal ng P355,000 para sa overtime pay mula taon 2002 hanggang 2004. Bukod kay dating Mayor Leonardo Leria, pinangalanan din ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang iba pang haharap sa kasong …

Read More »

Retiradong sundalo, pulis isama sa SSL4 (Apela ni Trillanes kay PNoy)

UMAPELA kahapon si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV  kay Pangulong Benigno S. Aquino III na isama ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang uniformed services sa panukalang Salary Standardization Law 4. Ayon kay Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng …

Read More »

Transport Group nagprotesta vs jeepney phase-out

NAGLUNSAD ng kilos-protesta ang ilang driver at operator ng mga jeepney nitong Lunes. Pinangunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pagkondena sa balak ng pamahalaang pag-phase out ng mga lumang jeep na may edad 15 taon pataas. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, nais nilang tuluyan nang ibasura ang kautusang pagpapatigil sa pagpasada …

Read More »

Fake diploma mill sa Recto protektado ng lespu

PROTEKTADO umano ng ilang mga pulis ang pabrika ng pekeng diploma at iba pang legal na dokumento sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue at Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila. Ayon sa ating impormante, nakakokolekta anila nang mahigit sa P30,000 isang linggo ang isang ‘kolektong’ na kinilala nilang si ANTON. Si ANTON umano ay isang civilian striker na sinasabing tauhan …

Read More »

P.1-M reward vs shooting suspect

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña sa sino mang makapagtuturo sa pinaghahanap na barangay tanod na si Raymundo Liza. Si Liza ang bumaril at nakapatay sa 7-anyos na si Mark Angelo “Macmac” Diego at kay Edward Pascual. Sinabi ng alkalde, pag-uusapan pa lamang ng pamahalaan ang pinal na halaga ng pabuya, ngunit sa ngayon aniya …

Read More »

3 justices nagbitiw sa kaso ni Poe

NAGBITIW na ang tatlong justices ng Supreme Court (SC) na bumoto pabor sa pagdedeklarang hindi ‘iligible’ si Sen. Grace Poe sa 2013 senatorial election. Sa isang pahinang resolusyon ng high tribunal, nakasaad na nag-inhibit na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion na kapwa mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal, mula sa kasong …

Read More »

Matinding trapik sa NCR kayang ayusin — Palasyo (Amcham minaliit)

HINDI naniniwala ang Malacañang sa naging pagtaya ng American Chamber of Commerce (Amcham) na hindi na maaaring tirahan ng tao ang Metro Manila kung hindi mareresoba ang traffic congestion. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, may ginagawa na rito ang pamahalaan at ipinatutupad na upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayang naninirahan at naghahanapbuhay sa NCR at kanugnog na rehiyon. …

Read More »

Biktima ng paputok umakyat na sa 839

UMAKYAT na sa 839 ang bilang ng naitalang naputukan ng firecrackers sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ang iniulat ng Department of Health (DoH), batay sa pumasok na impormasyon sa nakalipas na magdamag. Nananatiling mas mababa ito ng isang porsiyento o katumbas ng 11 insidente kung ihahambing sa record sa kaparehong araw noong nakaraang taon. Gayonman, aminado ang DoH na …

Read More »

10-M deboto dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene

TINATAYANG aabot sa 10 milyong deboto ang dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9. Inaasahang darami kung hindi man dodoble ang bilang ng mga deboto dahil natapat sa weekend ang prusisyon. Dahil dito, ayon kay MPD Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, bumuo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Task Force Nazareno na pangungunahan ni NCRPO …

Read More »

P106-M inilaan para sa bala ng fighter jets

NAGLAAN ang gobyerno ng P106.13 milyong pondo para sa ammunitions o bala ng bagong FA-50 fighter jets. Ayon kay Col. Restituto Padilla, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang naturang pondo ay ibibili ng 93,600 rounds of ammunition ng A50 modified gun system ng fighter jets. Kukunin ang pondo mula sa AFP Modernization Act Trust Fund. “These will …

Read More »

26 sugatan sa bus na nahulog sa bangin

NAGA CITY – Sugatan ang 26 katao makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Brgy. Bagong Silang, Calauag, Quezon, pasado 11:30 p.m. kamakalawa. Ayon kay PO3 Arnel Asares ng PNP-Calauag, biyaheng Maynila galing Bicol ang Mega Bus Line na minamaneho ni Felicito Avelida nang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin. Pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng bus na naging …

Read More »

26 pasahero ng jeep na tinangay sa Basilan nasagip ng pulisya

ZAMBOANGA CITY – Ligtas na narekober ng mga pulis ang 26 pasahero ng isang public utility jeepney (PUJ) na napaulat na tinangay ng armadong kalalakihan kasama ng kanilang sinasakyan sa Brgy. Pipil, Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa. Sa report mula sa Ungkaya Pukan municipal police station, nagmula ang naturang sasakyan sa munisipyo ng Tumahubong kamakalawa lulan ang agricultural products at papunta …

Read More »

458 sugatan, 1 patay sa paputok (DoH bigo sa kampanya)

LUMOBO na sa 458 ang bilang ng mga sugatan at isa ang namatay dahil sa mga paputok kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon. Kinompirma kahapon ni Health Secretary Janet Garin, mula sa 384 na naitala simula noong Disyembre 21, 2015 hanggang Enero 1, 2016, umakyat pa ang bilang nito. Inilagay na rin sa tala ng DoH ang isang namatay na …

Read More »