Wednesday , December 11 2024

‘Boy Sagasa’

EDITORIAL logoTAPOS na ang 2015…

Pero hanggang ngayon ay wala pa tayong nakikita ni anino ng LRT 1 Extension project na magdudugtong umano sa Baclaran at sa Bacoor, Cavite.

Sa kanyang campaign sortie noong 2013 sa Cavite, ipinamaglaki ni PNoy na mase-serbisyohan ng nasabing proyekto ang 250,000 pasahero sa pagtatapos ng 2015.

At ipinagmalaki niyang siya ay may pa-labre de honor.

“Turo po ng tatay ko sa ‘kin, pag nagbitaw ako ng salita, mahirap o madali, kaila-ngan mangyari.

“At pag hindi ho nangyari ito, nandiyan ho si  Secretary (Joseph Emilio “Jun”) Abaya na nangangasiwa ng proyektong ito, dalawa na kaming magpapasagasa siguro sa tren.”

Enero 2016 na ngayon…

Walang LRT 1 extension at lalong walang nagpasagasa sa tren…

Ang rason? Hindi pa nagagawa ang riles at tren na sasagasa kay PNoy at kay Abaya.

At ‘yun siguro ang dahilan kung bakit malakas ang loob ni PNoy na maghamon noon na magpapasagasa silang dalawa ni Abaya sa tren…

Alam siguro niyang hindi talaga magagawa ang ipinangako niyang LRT 1 Extension.

‘Yan ang palabra de honor – PNoy version.                             

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *