Saturday , December 21 2024

Arabela Princess Dawa

Bagsik ni Pacquiao walang kupas — Roach

MARAMI ang humangang fans ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa inilabas na video sa social media sa kanyang opening day training sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Hindi halatang 42 anyos na si Pacquiao dahil nananatili ang bilis ng footwork kaya naman maging ang kanyang premyadong trainer na si Freddie Roach ay bumilib. Walang pagbabago ang kilos at lakas …

Read More »

Eala nabigo sa J1 Roehampton

MATAPOS ang Wimbledon debut may tatlong araw na ang nakalipas, nakalsuhan ang pamamayagpag ni Filipina ace Alex Eala matapos ang quarterfinals upset sa J1 Roehampton. Hindi kinaya ni 16-year-old tennister, Eala si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic nang yumuko ito, 4-6, 1-6, sa quarterfinals round ng International Tennis Federation Juniors’ Grade A tournament na ginanap sa London noong Sabado ng …

Read More »

Yulo markado sa Olympics

MARKADO si gymnast Carlos Edriel Yulo ng kanyang mga makakalaban sa 2021 Tokyo Olympics na ilalarga sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Japan. Umugong ang panga­lan ni 21-year-old Yulo nang magkampeon sa men’s floor exercise sa FIG World Artistic Gymnastics Champion­ships sa Stuttgart, Germany noong 2019. Paborito ni Yulo ang floor exercise at ito ang pinaghahandaan ng kan­yang mahigpit …

Read More »

So kampeon sa Paris Rapid & Blitz

HINIRANG na overall champion si super grandmaster Wesley So sa katatapos na 2021 Paris Rapid and Blitz na ginanap sa Rue de Tilsitt, France. Ito’y dahil nanguna ang Bacoor, Cavite native So sa Blitz-B nang magtala ito ng 7.5 points sa 10-player single round robin. Pangatlo lang si dating Philippine Chess team star player So sa first round ng Blitz-A …

Read More »

Orcollo hari sa Classic 9-ball Open

WALANG kupas sa tumbukan si former world champion Dennis “Robocop” Orcollo matapos sikwatin ang korona sa katatapos na 8th Annual Big Tyme Classic Open 9-Ball na ginanap sa Big Tyme Billiards sa Spring, Texas. Hindi maawat ang pananalasa ni Orcollo sa US circuit nang pagulungin nito si Shane Van Boening ng Amerika sa finals upang masiguro ang kanyang ika-10 titulo …

Read More »

Magno walang pahinga sa training

DESIDIDO si Irish Magno na sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na ilalarga sa Japan sa Hulyo kaya walang panahon para mag-relax. Puspusan ang ensayo ni Pinay boxer Magno dahil papalapit na ang takdang araw na hinihintay. Nagarahe nang matagal si Magno dahil sa coronavirus  (CoVid-19) pandemic, kaya wala pa siyang pormal na training simula nang isailalim sa enhanced …

Read More »

Nat’l Karatekas sasalang sa int’l tournaments

PAGPASOK ng 2021, may plano agad ang national karatekas sa mga sasalihang kompetisyon bilang paghahanda sa 2021 Olympic Games qualifying tournament. Tututukan nila ang tatlong international competitions na sasalihan ng national karatekas na magsisimula sa Pebrero, ito’y ang World Karate Federation Premier League tournament Lisbon, Portugal,  sa Premier League tournament sa Azerbaijan, Turkey at ang Asian Indoor and Martial Arts …

Read More »

Garcia gustong makaharap si Pacman

MARAMING boxers ang nag­haha­ngad makaharap si 8-division world champ-ion Manny Pacquiao. Isa na rito ang bagong interim World Boxing Council (WBC) lightweight champion na si Ryan Garcia. Maaaring ilang laban na lang at magreretiro na sa boksing ang Pamban­sang Kamao ng Filipinas, kaya naman bago mang­yari ‘yun ay nais ni Garcia na makipagsapakan  kay Pacquiao. Inihayag ni Garcia na idolo niya …

Read More »

Orcollo nanalasa sa US billiard kahit may pandemya

PAHIRAP ang 2020 dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19), apektado ang mga atleta dahil bukod sa naudlot ang mga sasalihan na events ay hindi sila makapag-ensayo. Pero nakabuwenas si cue artist Dennis Orcollo sa pandemic kahit  na-stranded ito sa America dahil sa lockdown kaya nanatili siya doon hanggang quarantine period  dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na salihan ang mga billiards …

Read More »

Ginebra buenas sa pandemic

SINO ang makapagsasabi na may magaganap na sporting event sa taong 2020, dahil sa pamiminsala ng coronavirus (COVID-19) ay naisipan ng gobyerno na mag-lockdown. Natengga ang mga nakalinyang preparasyon sa Olympic Games at maging ang Philippine Cup ay naapektuhan, isang game pa lang sa PBA ay nasalto na ang mga laro. Marso nagsimula ang quarantine period kaya halos anim na …

Read More »

Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard

KALAT na sa social media  ang pagkainis  ng ibang Los Angeles Clippers’ players sa kanilang star player na si Kawhi Leonard. Masyadong binibigyan ng importansya ng LAC management si Leonard kaya naman nag-aastang superstar sa kanilang team. May special treatment si two-time NBA finals Most Valuable Player (MVP) Leonard kaya banas sa kanya sina Patrick Beverly, Montrezl Harrell at Lou …

Read More »

Magno tutok sa online training

NAKATUTOK muna si Tokyo Olympics-bound Irish Magno sa kanyang boxing clinic habang naghihintay ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na silang mag-ensayo. May boxing clinic si Magno sa Iloilo City, tinutulungan niya si coach Raynald Ardiente  sa pagtuturo ng basic boxing sa Fitstart Gym sa  mga kabataan na gustong mag boksing. “Tinuturuan ko sila ng mga basic …

Read More »

Marcial handa nang sumalang sa training  

LUMAPAG na sa  US si middleweight Eumir Felix Marcial kaya anumang oras ay maaari na siyang magsimula ng kanyang trainings. Pahayag ni 24-year-old Marcial na magsisimula na siyang  mag-ensayo  para paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at ang debut niya bilang professional boxer sa United States. Matagal na walang pormal na ensayo si Marcial dahil sa pagsasailalim sa …

Read More »

James, Paul magkakasama sa Lakers

KILALANG magkaibigan sina basketball superstar LeBron James at Chris Paul sa labas at loob ng court at iyon ang puwedeng maging  daan  para magkasama sila sa iisang team. May mga usapang posibleng magsama sina James at Paul sa 2020-21 NBA season. “Chris Paul would love to come back to L.A. I know it would be a dream come true for …

Read More »

Obiena handa sa susunod na laban

May sasalihan na naman si Tokyo Olympics bound Ernest Obiena at naghihintay lang ito ng imbitasyon para sa Golden Spike sa Ostrava sa Setyembre. Paniguradong babawi Pole Vaulter Obiena dahil sa  nakaraan ay lumanding sa 5th place sa Janusz Kusocinski Memorial sa Poland. Kinulang ang 5.62m na kanyang nalundag, lumanding sa 5th kaya wala itong nahablot na medalya. Nagwagi sa …

Read More »

Marcial hahawakan ni Roach

PAKAY ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na maging world champion din na katulad niya si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial. Para malaki ang tsansa ay dalawang respetadong trainers ang ipinatututok ni eight-division world champion Pacquiao kay Marcial. Sina  Hall of Famer Freddie Roach at Justin Fortune ang gagabay sa training program ni Marcial para maging handa sa …

Read More »

Brogdon nag-ensayong may suot na face mask (Kahit nakarekober na sa COVID-19)

NAGSUOT ng face mask si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon sa kani­lang practice. May dalawang malaking dahilan ang pagsusuot niya ng mask kahit pa magmukhang katawa-tawa sa practice, una’y upang hindi mailang at maging komportable ang kanyang teammates, pangalawa ay para hindi kumalat ang virus. Isa si Brogdon sa NBA players na nagpositibo sa COVID-19 pero gumaling na. Siya ang …

Read More »

San Miguel, TnT unahan sa game 5

WALANG ibang nasa kukote ng TNT KaTropa at San Miguel Beer kundi makuha ang panalo sa Game 5 upang mamuro sa pagsilo ng titulo sa PBA Commissioner’s Cup. Tabla sa 2-2 ang best-of-seven finals sa pagitan ng KaTropa at Beermen, maghaharap sila ngayong Miyerkoles bandang  alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. Pinagulong ng San Miguel Beer ang TNT KaTropa 106-101 …

Read More »

Nuggets tibag sa Trailblazers (McCollum kumana sa opensa)

KUMANA si CJ McCollum ng 20 points upang tulungan ang Portland TrailBlazers sa 97-90 panalo kontra Denver Nuggets sa Game 2 ng 2018-19 National Basketball Association (NBA) second round playoff. Tabla na ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of-seven match, halos dominahin ng TrailBlazers ang laban hanggang sa kaagahan ng fourth quarter kung saan ay lamang sila ng 14 puntos. …

Read More »

Dormitoryo sa PSC maayos na

Rizal Memorial Sports Complex PSC

MAGKAKAROON muli ng matutuluyan ang mga national athletes mula sa 10 sports dahil bagong gawa ang dormitories sa Philippine Sports Com­mission sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City. zMahigit tatlong bu­wang inayos ang mga tutuluyan ng mga atleta at ayon kay Dormitory Head Rocelle Destura kasalukuyang ginagamit ng national athletes mula sa NSAs …

Read More »

Pringle, Standhardinger  sipa sa Nat’l team?

Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

MAWAWALAN ng pu­westo sina Stanley Pringle at Christian Stand­har­dinger kung sakaling makabalik si NBA veteran Andray Blatche sa Pam­ban­sang koponan. Hinayag ni national coach Yeng Guiao matapos nitong  tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madali nitong maisasa­gawa ang pagpapalitan at mabuo ang “chemistry” sa pagbabalik pagsasanay sa Enero 21. “Most of them will be back …

Read More »

Cardinals pinagulong ng Pirates

DIRETSO ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines Pirates sa kanilang pamama­yagpag matapos itaob ang naghihingalong Mapua University Cardinals, 92-76 sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City. Umarangkada sa second quarter ang Pirates upang hawakan ang 20-point lead, 53-32 sa halftime at hindi na lumingon sa likuran hanggang sa matapos ang laban. …

Read More »

Manganti armas ng Adamson U

Sean Manganti Adamson University Soaring Falcons

MALINIS pa rin ang kar­ta ng Adamson Uni­versity Soaring Falcons, nasa ibabaw pa rin sila ng team standings kapit ang 5-0 karta. Tumayog ang lipad ng Falcons nang kalusin nila ang National Uni­versity, 63-58. Sa mga panalo ng Adamson U may isang player ang naging pa­ngunahing instrument, ito’y si Sean Manganti na naging bayani sa 69-68 panalo kontra University of …

Read More »

Letran kumapit sa no. 3

NAKAKAPIT sa No. 3 spot ang Letran Knights matapos tuhugin ang 89-79 panalo kontra naghihingalong Jose Rizal University Heavy Bombers sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City. Solo sa pangatlong puwesto ng team standings ang Intramuros-based squad Letran kapit ang 10-4 record nasa pang-apat ang Perpetual Help Altas na may 9-5 karta matapos kaldagin …

Read More »

Red Lions, Pirates lalong bumangis

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

NAGPAKITA ng bangis ang defending champion San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philip­pines Pirates matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa simula ng second round ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City. Wala pa rin dungis ang karta ng last year’s runner-up Pirates, kinaldag nila ang San Sebastian College, 88-70 sa …

Read More »