Friday , January 27 2023

Brogdon nag-ensayong may suot na face mask (Kahit nakarekober na sa COVID-19)

NAGSUOT ng face mask si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon sa kani­lang practice.

May dalawang malaking dahilan ang pagsusuot niya ng mask kahit pa magmukhang katawa-tawa sa practice, una’y upang hindi mailang at maging komportable ang kanyang teammates, pangalawa ay para hindi kumalat ang virus.

Isa si Brogdon sa NBA players na nagpositibo sa COVID-19 pero gumaling na. Siya ang huling manlalaro na dumating sa Orlando, Florida.

Noong 24 Hunyo, inianunsiyo na nagpositibo sa test si Brogdon, nag-ensayo siya noong Miyer­koles at balak isuot ang face mask hanggang magsimula ang pagbabalik ng 2019-20 NBA season na gaganapin sa Walt Disney World.

“I feel really good,” wika ni Brogdon. “My conditioning is not where I want it to be, of course. It’s not NBA shape. But I’ve heard people say I look more in shape than they thought I would. I will definitely be in shape by the time games start.”

Ayon kay coach Nate McMillan, kay Brogdon ang desisyon.

“He doesn’t have to do that,” hayag ni McMillan. “But we haven’t really thought about it [spreading] because of all the testing we have go through.”

Ikakasa ang restart ng NBA sa 30 Hulyo na 22 teams lang ang maka­paglalaro at may tig-walong laban lamang sila bago ang playoffs.

Pero sa 22 Hulyo ay magkakaroon ng exhibition games, pitong araw tatagal ang laban, tig-tatlong laro ang bawat teams. (ARABELA PRINCESS DAWA)

 

 

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …

Mark Jay MJ Bacojo Chess

PH bet MJ Bacojo 2nd sa Hong Kong chess tilt

ni Marlon Bernardino MANILA — Iwinagayway ni National Master Mark Jay “MJ” Daños Bacojo ang …

Leave a Reply