Saturday , January 29 2022

AMLC ‘pasok’ sa offshore accounts ng PECO owners

ISANG abogado mula sa Iloilo City ang nakatakdang magsampa ng reklamo sa Anti-Money Laudering Council (AMLC) laban sa mga may-ari ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na mayroon itong  3 offshore companies sa Bahamas.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron ng Iloilo City, ang reklamo ay kanyang ihahain sa AMLC upang magbukas ng imbestigasyon at malaman kung saan dinala ng PECO ang umabot na sa bilyong sinisingil nito sa power consumers gayong hindi naman napagbuti ang serbisyo at pasilidad sa loob ng ilang dekada.

“I will pursue this case on behalf of Ilonggos who suffered from paying electricity bills almost double of those being paid by people in Metro Manila,” pahayag ni Atty. Lauron.

Sinabi ni Lauron, may ilang dekadang nagtiis ang mga residente ng Iloilo sa palpak na serbisyo at sira-sira ang mga pasilidad ng PECO sa kabila ng pagbabayad nila ng sobra-sobrang singil sa koryente kaya nararapat lamang na imbestigahan ang offshore accounts nito.

Tinukoy ni Lauron ang isang report ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) isang

US-based non-profit organization na may global network ng mga reporters at media organizations na nagsasagawa ng pag-iimbestiga sa mahahalagang isyu sa buong mundo kasama ang PECO na pagmamay-ari ni Luis Miguel Cacho, nagmamay-ari ng investment companies sa British Virgin Islands.

Sa pamamagitan ng Portcullis TrustNet Fund Services Ltd., isang Singapore-based company, nagawa umano ng PECO na makapag-set-up ng tatlong kompanya sa British Virgin Islands.

Ang unang kompanya ay Costa Group Investments Ltd., na nakapangalan sa yumao nang si Luis Miguel Cacho, ang patriarch ng Cacho Clan ng PECO, nairehistro ito noong 11 Abril 2000 at may company address na Portcullis Trustnet Chambers, PO Box 3444 Road Town Tortola, Bristish Virgin Islands.

Kabilang sa Board of Directors ng kompanya sina Luis Miguel Ayesa Cacho na umaakto rin bilang corporate secretary, Jose Maria E. Cacho at isang William Michael Valtos, Jr., Portcullis Trustnet (BVI or British Virgin Islands) Ltd., na nagsisilbi rin keeper of records.

Si Luis Miguel ang tumatayong Pangulo at Chief Operating Officer (COO) ng PECO habang ang anak nito na si Marcelo Cacho ang head ng Public Engagement and Government Affairs.

Sa tulong din ng Portcullis Trustnet Fund Services Ltd., at Financial Services Company na Valtos, nag-o-operate sa Filipinas, US at Asia, ay nakapag-set up pa ng dalawang investment company ang PECO, ang Prime Rose Technology  na nairehistro sa British Virgin Island noong 11 Oktubre 2000 na tumatayong shareholders si Jose Maria Cacho at ikalawa ang Mega International Services na nai-set up noong 12 Setyembre 2000, nakalista bilang shareholders sina Jose Maria E. Cacho at  JMEC Development Corp habang ang PortCullis Trustnet ang nagsisilbing keeper of records at sa registry.

Ang JMEC Development Corp., ay isang kompanya na nakarehistro sa Filipinas na ang negosyo ay business management consultancy at real estate sale and development sa Iloilo City na matatagpuan sa 168 General Luna St., Iloilo City Proper, Iloilo City, 5000 Iloilo.

Ayon sa ICIJ, ang British Virgin Island ay isa sa pinagtataguan ng yaman ng mayayaman dahil sa secrecy ng mga kompanyang nangangasiwa ng investments.

“A well-paid industry of accountants, middlemen and other operatives has helped offshore patrons shroud their identities and business interests, providing shelter in many cases to money laundering or other misconduct. Ponzi schemers and other large-scale fraudsters routinely use offshore havens to pull off their shell games and move their ill-gotten gains,” ayon sa ICIJ report.

Inilinaw ng ICIJ na maituturing na legal ang investment sa British Virgin Islands ngunit sa nakalipas na ilang taon ay natukoy na nagagamit ang offshore economy para sa money laundering, tax evasion, at fraud.

Sa Filipinas, ilan sa ICIJ members ang mga investigative journalists na sina Roel Landingin, convicted journalist Maria Ressa, US-based journalism school dean Sheila Coronel and multi-awarded journalist and investigative journalist Marites Danguilan Vitug.

About hataw tabloid

Check Also

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Leave a Reply