Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palusot ni Grace sablay (Sa pekeng SSN)

LUMABO imbes luminaw ang isyu ng paggamit ni presidential candidate Grace Poe ng pekeng Social Security Number (SSN) sa Amerika nang wala siyang maipakitang patunay sa kanyang depensa na ang naturang SSN ay Student Number ID niya nang nag-aaral sa Boston College sa Massachusetts.

Sa isang panayam sa radyo, tinanong si Poe kung maipapakita pa niya ang luma niyang ID sa Boston College pero umiwas siya at sinabing matagal na ang panahong iyon at baka wala na sa kanya ang ID.

Maaari namang i-check sa records ng Boston College ang totoong Student ID number ni Poe pero hindi niya iminungkahi ang ganitong hakbang para mapatunayang nagsasabi siya nang totoo tungkol sa isyu.

Nauna rito, napag-alaman  na si Poe ay gumamit   ng SSN na pagmamay-ari ng isang taong yumao na habang siya  ay naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika.

Sa mga dokumentong nakalap ng pahayagang Daily Tribune, makikitang ginamit ni Grace Poe Llamanzares ang SSN 005-03-1988 na pagmamay-ari ng isang taong “deceased”  o patay na. Ang SSN ay ginamit noon pang 1934 hanggang 1951.

Ayon sa kampo ni Poe, hindi daw ito SSN kundi Student ID number niya Boston College, at ito pa nga raw ay tumutugma sa petsa ng pag-enrol niya sa nasabing kolehiyo sa Estados Unidos noong May 3, 1988.

Pero ayon sa mga nakapuna, hindi ito puwedeng maging Student ID ni Poe dahil kung ang number ay tumutugma sa kanyang date of enrolment, marami siyang makakaparehong Student ID number na nag-enrol din sa petsang iyon.

Isang federal crime sa Estados Unidos ang paggamit  ng SSN ng ibang tao at maaaring makasuhan ang gumawa nito ng identity theft at identity fraud na may karampatang parusang pagkakakulong.

Sa dokumentong nakalap ng Tribune sa Internet, makikitang  ginamit ni Poe ang pekeng SSN noong 1999  nang siya ay nakatalang naninirahan sa Fairfax County, Merrifield;  129 Kingsley Road, Vienna; at Sunset Hills Road, Reston. Ang mga address na ito ay nasa state of Virginia. Ginamit  ulit ni Poe ang SSN noong 2006 nang siya ay nakatira sa Loudon County sa Virginia.

May isa pang SS number na nakapangalan sa isang  Grace Poe Lllamanzares na nakatala sa dokumentong nakalap ng Tribune.  Ito ay ang SSN 538-25-2008 na inisyu ng US government noong 1992 na marahil ay siyang totoong SSN ni Poe, na ipinanganak nang September 3, 1968 at ikinasal kay Neil Llamanzares noong 1991.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …