Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talo na ang bayan kay PNoy

00 BANAT alvin
SA dami ng kontrobersiyang bumabalot sa administrasyong Aquino ay mukhang hindi siya dapat na mabigyan pa ng pangalawang termino bilang pangulo ng bansa.

Magmula sa isyung DAP at PDAP at pinatunayan na rin niya ang pagkakaroon ng pagki-ling sa mga taong nasasangkot sa katiwalian kagaya na lamang ng pagdidiin niya sa mga miyembro ng oposisyon.

Malinaw naman na kapag ito’y kanyang ka-alyado ay awtomatikong kanyang ipinagtatanggol at inaabswelto kahit hindi pa niya napa-iim-bestigahan.

Halata rin hindi nasunod ang kanyang daang matuwid dahil sangkatutak din naman ang ano-malya sa kanyang administrasyon lalo na sa usapin ng pag-budget at paggamit sa pera ng bayan.

Maging ang mga tao na dating naniniwala sa kanyang matinong pamamahala ay pabawas nang pabawas at ito ay malinaw sa sangkatu-tak na survey na nagpapatunay na hindi na sila sang-ayon sa palakad ni PNoy.

Bukod sa selective prosecution ay kitang-kita rin sa administrasyong ito ang kawalan ng plano sa maraming aspeto na kailangan sa isang matatag na ekonomiya.

Naririyan ang problema sa koryente sa halos lahat ng parte ng bansa na lubhang kaila-ngan para masustena ang patuloy na sinasabi nilang paglago ng ekonomiya.

Bagaman sinasabi nilang nababawasan ang unemployment rate sa bansa ay nagdudumilat naman ang katotohanang  umaabot na sa 3 mil-yon ang walang hanapbuhay sa estado.

Katoto lamang ni PNoy ang naghahangad ng kanyang pangalawang termino dahil sila ay hapi pero malinaw naman sa pulso ng mamamayan na ayaw na nila sa anak ni Tita Cory at iyan ay lalabas sa mga darating na survey na tatanungin ang taumbayan sa kanyang term extension.

Tao ang dapat magtulak sa 2nd term ni PNoy at hindi ang kanyang mga kaalyado sa LP katulad nina Kinatawan Egay Erice at Ben Evar-done, na may tatak nang tuta ng Palasyo.

‘Wag na sana niyang abutin ang hagupit ng taumbayan at kasaysayan dahil sayang naman ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang na may tatak talagang pagmamahal sa demokras-ya at mamamayan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …