Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makaahon pa kaya si PNoy?

Marami sa mga political analyst sa bansa ang nag-oobserba kung makakayan pa ni PNoy na makabangon sa pagkakalugmok hinggil sa isyu ng DAP o Disbursement Acceleration Program.

Ang DAP kasi ang pinakamabigat na kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang administrasyon na lubhang nakaapekto sa kanyang popularidad sa masang Pilipino.

Maging ang mga eksperto sa pagpapalakad ng pamahalaan ay nag-aantay kung ano ang magiging susunod na pagkilos ng Malakanyang lalo’t higit si PNoy dahil dito nakasalalay ang magiging paghuhusga at pagtingin ng taumbayan.

Mahirap ang kinakaharap na pagsubok ngayon ng anak na lalaki ni Tita Cory dahil ang kontrobersiya ng DAP na siya rin ang gumawa ang nagpabagsak sa kanyang pangalan na matagal din namang ginalang at sinjamba ng mamamayan.

Halos apat na taong ding mabango ang name ni PNoy sa publiko pero dahil sa DAP ay nakita natin ang biglaan nitong pagbagsak.

Ang mabigat kasi sa ginagawa ngayon ng Pangulo ay nagiging abogado ito ng DAP lalo’t higit ng kanyang alipores na si Budget Sec. Butch Abad na siyang utak ng naturang pondo.

Sinabi na nga ng Korte Suprema na ilegal ang DAP dahil labag ito sa Konstitusyon pero ayaw pa rin tumigil ng pangulo sa pagdedepensa at ang masakit nito ay binabalikan niya ang mga mahistrado ng Supreme Court.

Ayaw nang kagatin ang istilong ito ni PNoy na palaban kaya’t dapat nang mag-isip ang mga taga-Palasyo ng bagong taktika dahil kapag ipinilit nila na ang DAP na nakatulong sa sambayanan ay baka magulat na lamang sila na nag negatibo na ang dating ng Pangulo sa tao.

***

Mali rin ang timing ng BIR hinggil sa paghingi ni SALN na mga mahistrado ng Korte Suprema.

Parang hindi kasi tama na kung kailan natalo ang kanyang among si PNoy sa DAP ay ngayon nito aatupagin ang SALN ng mga miyembro ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa.

Lalabas na bwelta ang ginagawa ngayon ng BIR sa mga mahistrado kaya’t kung ako lamang sa mga taga Malakanyang ay magpalit na kau ng tactician dahil dehins na ito epektibo sa mamamayan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …