Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, 1st Filipino singer na umawit lahat ng kanta sa isang teleserye album

00 SHOWBIZ ms mHINDI mapasusubalian ang galing ni Angeline Quinto pagdating sa kantahan. Kaya naman hindi kataka-taka kung siya ang pagkatiwalaang umawit ng official soundtrack ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Si Angeline rin ang kauna-unahang Filipino singer na umawit ng lahat ng kanta sa isang teleserye album.

“Lahat po ng kanta sa soundtrack ay magkakabit-kabit at may kaugnayan sa buhay ng lahat ng karakter sa serye,” ani Angeline na gumaganap sa kuwento bilang si Angie, ang singer ng bar na nag-date ang mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

070514 Angeline Quinto
Bahagi ng track list ang mga kantang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Gusto Kita, Why Can’t It Be, Umiiyak Ang Puso, at Someday. Kasama rin ang Wherever You Are, Hindi Ko Kaya, Muli, at Forever na kinanta ni Angeline kasama si Erik Santos.

Samantala, maari nang makasama si Angeline sa kanyang Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon live show sa 19 East Bar & Grill tuwing Huwebes ng gabi na nagsimula noong Hulyo 3 at magtatagal ito hanggang Agosto 21 (Hulyo 10, 17, at 31, at Agosto 7, 14, at 21). Ang entrance fee sa show na sa ilalim ng produksiyon ng Star Records, Cornerstone, at Dreamscape Entertainment TV ay nagkakahalagang P500. Ito ay may kasamang kopya ng album.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …