Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibang klase si Purisima

Mangingibang bakod na raw si Finance Sec. Cezar Purisima dahil ba palubog na ang barko ni PNoy?

Ito ang pag-aanalisa ng mga political observer ng bansa dahil malinaw sa pagkatao ni Purisima, na isa siyang taong nang-iiwan sa ere.

Malinaw sa ginawa niya kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pang-iiwan kasama pa ang ibang miyemro ng tinaguriang Hyatt 10 kaya’t tumatak na sa isip ng publiko kung anong klaseng tao ang finance chief ni PNoy.

Sa pinakahuling balita, sasama na raw kay VP Jojo Binay si Purisima dahil malinaw naman sa kasalukuyan na siya ang may pinakamalaking tsansa sa panguluhan sa darating na 2016.

Nag-offer pa raw si Purisima sa grupong Binay na handa raw niyang buuin ang mga taong may kakayahan sa pananalapi upang tugunan ang campaign funds na kailangan sa labanang pampanguluhan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ganito ba talaga kaagap si Purisima gayong dalawang taon pa naman si PNoy sa Malakanyang?

Lumalabas tuloy ang totoong kulay ng kasalukuyang finance chief dahil kung totoong lilipat siya sa kampo ni Binay ay dapat din mag-isip ang pangalawang pangulo ng bansa dahil tiyak na iiwan din siya sa sandaling makaramdam ng pagguho sa kanyang liderato.

Marami rin daw sa mga kapanalig ni Binay ang ayaw kay Purisima dahil sa usapin ng loyalty at sa usapin ng pagiging negosyante nito.

Matatandaang isa si Purisima sa napabalitang nagpatalsik kay Ruffy Biazon sa Customs matapos siyang hindi sundin nito.

May balita rin malakas si Purisima kay PNoy dahil ano man daw ang sabihin niya sa pangulo ay nasusunod o ginagawa.

‘Yan ang dapat pag-aralan ni Binay bago niya tanggapin ang isang Purisima dahil baka iwan lamang siya sa kangkungan at ang mabigat, siya pa ang maglaglag sa kanya kagaya ng ginawa kay Gloria Macapagal-Arroyo.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …