Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laging sablay ang DepEd

TAMA ang mga mambabatas na mukhang hindi kayang patakbuhi nang maayos ni Sec. Armin Luistro ang Department of Education.

Ito ang kasi ang taon-taon na lumalabas kapag dumarating ang pasukan ng ating mga mag-aaral lalo’t higit sa mga pampublikong paaralan maging ito man ay elementarya o high school.

Hindi kaaya-aya ang paliwanag ng DepEd lalo’t higit sa usapin ng kakulangan ng silid aralan dahil palagian nilang ipinagmamalaki na sapat na ang classrooms para sa ating mga mag-aaral.

Laging ipinagmamalaki ni Luistro na naabot na nila ang kanilang target sa usapin ng silid-aralan pero kapag ayan na ang pasukan ay ta-laga namang mapapamura ka sa galit dahil talaga namang ito ay isang propaganda lamang.

Tama nga ang punto ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian na sobra-sobra na ang dahilan ng DepEd sa usapin ng classrooms kaya’t malinaw naman na nagkulang sa pangangalaga ng ating mga kabataang mag-aaral.

Malinaw sa obserbasyon ni Gatchalian at Senador Nancy Binay na maraming paraan ang DepEd para maisakatuparan ang kanilang target na bilang ng silid aralan pero dahil nga hindi nila ginawa ang lahat ay nanatiling nganga ang ating mga mag-aaral lalo na sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda at ng lindol sa Visayas.

Maging ang implementasyon ng DepEd ng K12 ay talaga namang sablay dahil nagdagdag sila ng karagdagang grado sa mga mag-aaral pero hindi naman sila nagdagdag ng silid-aralan at guro.

Samakatuwid ay panahon na para baguhin ni PNoy ang DepEd officials dahil nakahihiyang ipinagmamalaki niyang sapat ang silid aralan sa bansa gayong hindi naman ito ang totoong nangyayari sa sektor ng edukasyon na lubha namang napapabayaan.

Mayroon pang ilang panahon para magtuwid kaya’t nawa’y pakinggan ito ng Malakanyang dahil kawawa namang ang mga kabataang umaasa sa kalinga ng pamahalaan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …