Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano

Huwag balewalain pahinga na regalo ng Diyos — Cayetano

PINAALALAHANAN ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga Filipino na huwag balewalain ang pahinga dahil ito ay regalo ng Diyos na nagbibigay ng lakas at bagong sigla hindi lang sa katawan kundi pati sa isipan, damdamin, at espirito.

Sa programang CIA 365 with Kuya Alan nitong 6-7 Hunyo, ipinaliwanag ni Cayetano na ang tunay na kahulugan ng pahinga ay may malalim na kaugnayan sa pananampalataya, layunin sa buhay, at kabuuang kalusugan ng isang tao.

“Ang pinakanakakikilala sa produkto ay ‘yung gumawa ng produkto. Kung pagod ka na, alamin mo kung sino ang gumawa sa ‘yo. Bumalik ka sa Manufacturer mo,” wika niya.

Ayon sa senador, ang tunay na pahinga ay nagsisimula kapag muling nagkaroon ng koneksiyon sa Diyos, na Siyang unang nagturo ng kahalagahan ng pamamahinga noong panahon ng paglikha.

“Ang nag-create po, ang nag-imbento ng rest ay ang Panginoon. Sabi sa Genesis, after the seventh day, God completed His work on the seventh day and He rested,” wika niya.

Giit ni Cayetano, ang pahinga ay hindi lang tungkol sa pagtulog. Mahalaga rin kung nasaan ka, kailan ka tumitigil, at kung sino ang kasama mo.

“Rest is also a place… Many of us, ang isang lugar ay puwedeng lugar ng pahinga,” wika niya.

Aniya, bagaman mahalaga ang pisikal na pahinga, mas mabigat at mas mahirap lunasan ang emosyonal, mental, at espirituwal na pagkapagod.

“‘Pag may mental, emotional, spiritual na pagod, napakabigat kasi pati pisikal apektado,” wika niya.

Para kay Cayetano, mahalaga ang matutong magpasalamat at lumapit muli sa Diyos dahil sa gitna ng problema, ang pahinga ay may dahilan at layunin.

“Kahit anong pagsubok ang hinaharap natin, find the strength to say, ‘Thank You, Lord.’ Find the strength to say, ‘Lord may opportunity dito. Lord may purpose Ka dito,” wika niya.

“Kailangan mo ng energy para paglingkuran ang Diyos. Saan ba nanggagaling ang physical energy? Nasa pahinga at tamang kinakain,” dagdag niya.

Ngayong linggo, patuloy na ipinaaalala ng senador na ang pahinga ay hindi lang para makabawi ng lakas kundi para maihanda ang puso at katawan sa mas malalim na paglilingkod, mas tunay na pagmamahal, at mas makabuluhang pamumuhay.

“Rest and growth. Rest and energy. Rest serving God. Rest serving your family. Magkakabit lahat ‘yon, magkatuwang,” wika niya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …