Friday , April 25 2025
Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na tangkilikin ang mga lokal na produkto at suportahan ang maliliit at katamtamang laki ng negosyo (SMEs) lalo na ngayong kapaskuhan.

Ipinaala ni Brian Poe sa mga consumers na maging mapanuri sa kalidad ng mga imported na produkto at mag-ingat sa lumalalang banta ng mga online scam.

“Sa Paskong ito, magsikap tayong mamili ng mga lokal na produkto,” sabi ni Poe sa isang  pahayag.

Bagaman ang mga imported na produkto ay maaaring tila mas mura at nag-aalok ng mas maraming pagpipilian, dapat tayong mag-alinlangan sa kalidad nito at isaalang-alang ang epekto sa ating lokal na ekonomiya.”

Binigyang-diin ni Poe ang mga hamon na kinakaharap ng mga Filipino SME, na kadalasang nahihirapan silang makipagkompetensiya sa pagdagsa ng mga imported na produkto na nag-eenganyo sa mas mababang halaga.

“Ang pagsuporta sa mga lokal na negosyo ay nangangahulugan ng pamumuhunan sa ating sariling mga komunidad,” paliwanag niya. “Ito ay nangangahulugan ng paglikha ng mga trabaho, pagsuporta sa mga pamilya, at pagbuo ng isang mas malakas na ekonomiya para sa lahat,” lahad ni Brian Poe.

Nagpahayag din siya ng pagkabahala sa lumalaking kahinaan ng mga Filipino sa mga online scam, binanggit na marami ang madaling humanga sa mga advertisement at kadalasang nabibiktima ng mga mapanlinlang na tawag at text.

“Hindi talaga natin masisisi ang Nikkei Asia sa pagsasabi na ang Filipinas ay nagiging sentro ng Asya para sa online shopping scams,” paglalahad ni Brian Poe. “Ito ay isang seryosong problema na nangangailangan ng ating pansin.”

Hinikayat ni Poe ang mga Filipino na maging mas mapanuri sa kanilang mga binibili, magsaliksik nang mabuti tungkol sa mga produkto at isaalang-alang ang kalidad at pinagmulan ng mga kalakal bago bumili.

               “Mag-ingat tayo kung saan napupunta ang ating pera,” aniya.

“Sa pagpili ng mga lokal na produkto, hindi lamang natin sinusuportahan ang ating mga kapwa Filipino kundi tinitiyak din natin na nakakukuha tayo ng mga de-kalidad na produkto na ginawa nang may pag-aalaga at atensiyon.”

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …