Monday , May 5 2025
dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo sa isang waiting shed sa Brgy. Lutucan, bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado ng gabi, 5 Oktubre.

Kinilala ang mga biktimang sina Bernardo Maranan, alyas Tibor; at June Regalado, alyas Asim, na natagpuan ng mga nagrespondeng pulis na may mga tama ng bala ng baril sa kanilang mga katawan sa Sitio Mangga, sa nabanggit na barangay, dakong 8:30 pm kamakalawa.

Ayon kay P/Lt. Col. Carlo Caceres, hepe ng Sariaya MPS, nakalaya si Maranan mula sa police custodial facility para sa kaso kaugnay ng droga dahil sa plea bargaining agreement.

Ani Caceras, tinitingnan nila ang anggulong onsehan sa droga bilang motibo sa pamamaslang.

Kagagaling umano ng mga biktima sa kanilang bahay na magkaangkas sa motorsiklo nang makasalubong ang isang tao sa madilim na bahagi ng tabing kalsada.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating ang gunman na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang kalibre .45 baril na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

PNP PRO3 Central Luzon Police

PNP Gitnang Luzon full alert na para sa 12 May elections

ALINSUNOD sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters, isinailalim na sa full alert status …

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at …