Thursday , June 4 2026
Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang sinasakyang behikulo sa highway ng Brgy. Causwagan ng nasabing bayan nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Mayor Ronito Martizano, 60 anyos, at security escort nitong si Private First Class Kheven Mark Claridad; pawang may tama ng bala sa kanilang mga balikat.

Sa ulat ng Surigao del Sur Provincial Office (PPO), nangyari ang insidente habang ang alkalde ay lulan ng kaniyang Toyota Hi-Ace van galing sa Sitio Panaraga, Brgy. Gamut patungong kabisera nang mangyari ang pananambang sa Brgy. Causwagan dakong 4:10 ng hapon.

Bigla umanong sumulpot ang isang kulay abong Toyota Vios na may kasama pang backup na dalawang motorsiklo lulan ang mga armadong kalalakihan na nagpaulan ng bala sa behikulo ng alkalde saka mabilis na nagsitakas patungo sa direksiyon ng Agusan del Sur.

Ang pananambang ay matapos ipag-utos ng alkalde ang pagpapasara sa illegal tunnel mining operations na umano’y Chinese ang financier sa Brgy. Tambis, Barobo.

Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) 13 Director P/Brig. Gen. Marcial ­Mariano Magistrado IV ang manhunt operation laban sa mga suspect at imbestigasyon sa kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …