Saturday , December 21 2024
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Sa buwan ng Abril,  
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 705 personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP sa pamumuno ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director ng Laguna PPO.

Sa ulat, sinabing ang Anti-Criminality Operational Accomplishments ng Laguna PPO ay isinagawa sa buong buwan ng Abril 2024 sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, illegal gambling, operation against most wanted persons (MWPs) at loose firearm sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa kampanya laban sa ilegal na droga, nagsagawa ang Laguna PNP ng 202 operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 259 suspects. Kompiskado sa mga suspek ang 468.570 gramo ng hinihinalang shabu at 1,278.50 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang tinatayang aabot sa P3,333,054.

Sa Anti-illegal Gambling Operation nakapagtala ng 82 operasyon laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na (bookies), nagresulta sa pagkaaresto ng 87 personalidad, habang 70 operasyon sa ibang porma ng illegal gambling na nagresulta sa pagkakaaresto sa 150 katao.

Nasamsam sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halagang P57,641.

Sa manhunt operations arestado ang 54 most wanted persons, 13 dito ay regional level, 13 provincial level at 28 city/municipal level, habang naaresto rin ang 142 pawang most wanted persons din.

Sa isinagawang operasyon laban sa loose firearms ng Laguna PNP nakapagsagawa ng 16 operasyon at nakakompiska ng 16 loose firearms, nakapag-aresto rin ng 13 katao sa isinagawang buybust operation at search warrant.

Sa pahayag ni P/Col. Unos, “Ang matagumpay na mga operayon ng Laguna PNP laban sa kriminalidad ay bunga ng pagtutulungan ng pulisya at mga mamamayan.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …