Saturday , December 21 2024
P.3-M shabu, boga kompiskado sa 2 lalaking arestado

P.3-M shabu, boga kompiskado sa 2 lalaking arestado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Timbog ang dalawang drug personalities sa anti-illegal drug buybust operation ng Cabuyao police kamakalawa ng umaga

Sinabi ni P/Col. Gauvin Mel Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, kinilala ang mga suspek na sina alyas Raymond nakatala bilang HVI (high value individual) at alyas Ban, LSI (street level individual) pawang mga residente sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. John Eric Antonio, hepe ng Cabuyao Component City Police Station, nagsagawa ang kanilang mga operatiba ng drug buybust operation nitong 25 Abril 2024 dakong 5:30 am sa Brgy. Diezmo, Cabuyao City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Sa isinagawang pag-aresto at pagsisiyasat, nakuha sa mga suspek ang pitong pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, may tinatayang timbang na 55 gramo, nagkakahalaga ng halos P374,000, isang pirasong P500 bill ginamit na buybust money, isang pirasong pouch color black, isang unit ng Chery mobile cellphone color gold, weighing scale, isang unit ng STI caliber .45 short firearm, isang caliber .45 magazine, anim na pirasong caliber .45 live ammunitions, at isang unit ng Yamaha Mio sporty color gray.

Sa kasalukuyan, nakapiit sa custodial facility ng Cabuyao CCPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at RA 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa pahayag ni P/Col. Unos: “Paiigtingin pa ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa ilegal na droga at tinitiyak namin na mananagot sa batas ang mga personalidad na ito. Layunin ng Laguna police na tuluyang mailayo ang mga mamamayan ng Laguna sa mapanganib at mapanirang epekto ng bawal na gamot.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …