Sunday , December 22 2024
dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, bandang 8:00 am kahapon.

Sa tawag na natanggap ni Pat. Mendoza, duty TOC/radio operator, may biktima ng pamamaril sa nasabing lugar.

Agad dinala ang biktima sa San Pablo City District Hospital mula sa Bgy. Del Remedio sa lungsod ng San Pablo.

Pinuntahan ng duty investigators sa Ospital gayondin sa lugar ng insidente upang i-verify ang ulat.

Sa paunang pagsisiyasat, dakong 7:20 am, si Hsien Chang, 63 anyos, Taiwanese, may Special Resident Retiree’s Visa ay nakatayo sa receiving area ng Youtofu Restaurant office, nang maganap ang pamamaril.

Isang hindi kilalang suspek ang nagpanggap na LPG delivery agent ang biglang dumating at binaril ang biktima na tinamaan sa kanang pisngi.

Agad dinala ang biktima sa San Pablo City District Hospital nang magresponde ang mga tauhan ng  pulisya, ngunit idineklara itong dead on arrival ayon sa manggagamot.

Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pamamaril habang inaalam ng pulisya ang tinungong direksiyon ng suspek upang makuha ang mga video sa ikadarakip ng mga suspek.

(BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …