Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Moira Dela Torre unang brand ambassador ng Maria Clara Sangria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SI Moira Dela Torre, ang mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics ang brand ambassador ngayon ng Maria Clara Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas. 

Si Moira ang may akda ng anthem na Maria Clara, isang full-length song na bagong jingle ng brand. Ipinahiram niya ang kanyang tinig para makapagbahagi ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon. Sinasabi ng Maria Clara sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.

Humanized ang leading brand sa pamamagitan ng “Maria Clara.” Rito makikita na isang steady companion ang produkto at isa rin itong mabuting kaibigan sa panahon ng pangangailangan. 

Ayon sa songwriter, “ It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.” 

Dagdag pa ni Moira na nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate.”

At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestone ng buhay ng walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.

Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng Maria Clara, na isinulat ni Moira, habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.

Mapakikinggan ang Maria Clara ni Moira sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …