SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KAHALAGAHAN ng edukasyon at pagmamahal sa bayan ang tinatalakay sa pelikulang The Blind Soldiers ng Empowerment Film Production kaya nakakapanibagong ang mga kilalang komedyanteng tulad nina Gary Limat Long Mejia ay magda-drama kasama sina Bong Cabrera at Soliman Cruz.
Pare-parehong sundalo sina Gary, Long, Bong, at Soliman sa true to life movie na The Blind Soldiers na ukol sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas. Kasama sila sa United States Armee Forces in the Fast East o mas kilala bilang USAFFE.
Ani Gary isang mangmang na sundalo ang karakter niya sa pelikulang idinirehe nina Marinette Lusanta at CHED commissioner Ronald Adamat, na introducing at isa rin sa limang bida sa pelikula.
Natanong si Gary kung ano ang mga realization niya pagkatapos gawin ang The Blind Soldiers? Aniya, “Na-realize ko na importante pa rin na ibahagi ang isang history sa mga tao, para malaman nila kung anong nangyari, ‘yung truth in the past.
“Sa buhay natin, kahit ganito man tayo, kung nasaang antas man tayo sa buhay natin, it’s really a big deal. Na parang ‘yung mga nakaraan natin gamitin natin sa tama at doon natin titimbangin.”
Ang The Blind Soldiers ay isa sa finalists sa Saskatchewan International Film Festival 2023 at ipalalabas ito sa SM Cinemas nationwide sa September.