Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez

It’s Showtime ipinatawag ng MTRCB; kulitan nina Vice Ganda at Ion ‘di nagustuhan ng netizens

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang na-offend at nabastusan sa kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment nilang Isip Bata sa It’s Showtime. Ang kulitan ng mag-partner ay ang pagpapakita kung paano sila kumain ng icing ng cake. Dahil dito nagreklamo ang mga netizen sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kaya kahapon, nagpalabas ng statement ang MTRCB na ipinatatawag ang prodyuser ng It’s Showtime dahil sa pangyayari sa kanilang show. 

Ayon sa mga netizen,  na-offend at nabastusan sila sa ginawa ni Ion na isinubo ang daliri na may icing at napapikit pa na tila sarap na sarap sa kanyang kinain.

Nag-issue ang MTRCB ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show It’s Showtimebunsod ng patong-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng umano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa ‘Isip Bata’ segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.

“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986. Naka schedule ang paglilitis sa ika-31 ng Hulyo 2023, sa ganap na Alas-diyes ng umaga sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City,” sambit ng MTRCB.

“We assure the Public that the MTRCB acts timely on any complaint(s), big or small, without any distinction, raised before it subject to the observance of due process,” sabi pa ng ahensiya.

Agad naming hiningan ng pahayag ang ABS-CBN ukol sa paanyayang ito ng MTRCB subalit hanggang matapos ang aming deadline, walang ipinadalang statement ang Kapamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …