Thursday , December 26 2024
Merly Peregrino Dindo Caraig

Mommy Merly deadma sa panglilibak ng mga dating alaga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ng founder ng Abot Kamay Foundation na si Mommy Merly Peregrino dahil kahit nilibak-libak na ang pagkatao niya ng ilan sa mga dating alaga, kaya pa rin niyang isawalang bahala iyon. Pusong ina kasi si Mommy Merly at talagang bukas ang palad niya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya hindi nakapagtatakang maraming blessings pa rin ang dumarating sa kanya.

Ang Abot Kamay Foundation ay samahan ng mga OFW vlogger na karamihan ay nasa ibang bansa. May kanya-kanya silang chapter na si Mommy Merly ang namamahala ng sa Pilipinas chapter. May mga alaga silang gustong mag-artista na tinutulungan nila at may mga charity work din silang ginagawa na talagang ang sentro ay makatulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan.

Nakilala namin si Mommy Merly sa contract signing bilang recording artist ng isa  nilang alaga, si Dindo Caraig, tubong Balayan, Batangas na hindi niya lubos na kakilala pero pinag-aral at ngayo’y tinutulungang magkaroon ng magandang career sa showbiz. Marunong kasing kumanta at umarte si Dindo na kasabay ng paglulunsad sa kanya ay ini-release rin ang bago niyang single, ang Ikaw at Ako na komposisyon ni Michael D Lara.

Sa aming pakikipagkuwentuhan kay Mommy Merly, naibahagi nito na may apat siyang alagang tumiwalag sa kanya na pagkatapos niyang tulungan ay kung ano-ano pang masasakit na salita ang ibinabato sa kanya. Kaya naman isang pangako ang ibinigay sa kanya ni Dindo.

Anito, “Sa mga nangyayaring ito nalulungkot ako na minsan kahit naman hindi totoo, iniyakan ko at ipinagdasal ko po sa Diyos na sana ma-realize nila na lahat naman tayo ay naging parte ng buhay natin, magkakasama sa hirap at ginhawa. Bakit naman ngayon nawala na lahat iyon na inipon natin ang lahat ng galit sa ating puso?

“Ito namang tulad ni Mommy Merly na may edad na, tapos tayo mga bata, bakit hindi na lang hayaan na umalis na lang na walang sinasabing masama (laban kay Mommy Merly). Bakit nawala ‘yung mga dating magagandang samahan na masaya tayo, ano ba iyong dapat patunayan pa? Lahat naman po tayo ay nagkakamali, walang perpektong tao. Sa akin, ‘wag na lang mag-away-away kasi roon din lang naman tayo mapupunta sa hukay. Bakit kailangan pang magpataasan, kailangang pintasan ang buhay ng isang tao? At bakit natin kailangang pakialaman ang buhay ng isang tao kung tayo ay mayroon ding sariling buhay?

“Hindi ba ang pinaka-importante ay mabuhay tayo ng mapayapa? ‘Yung wala tayong galit sa kapwa. Ikinalulungkot ko talaga ang nangyari lalo na ‘yung mga masasakit na salita na natanggap ni Tita (Mommy Merly), para sa akin hindi man ako masalita o showy, nasasaktan ako kapag nakikita kong nalulungkot siya, ‘yung mga minahal niya ang nangyari nawala na lang lahat ng pagmamahal na ibinigay niya. Na parang itinapon siya na parang basura.

“Ipinagdarasal ko na lang na mawala ang mga galit sa kanilang puso. Sinabi ko nga po kay Tita na matatag naman po siya. Sabi ko nga saktan mo na ako ng pisikal ‘wag lang akong sabihan ng masasakit na salita. Kung ayaw mo sa isang tao, prangkahin na lang. 

“Kung ayaw mo sa grupong ito, roon ka na lang sa grupong gusto mo, ‘wag nang magsalita pa ng masama.”mahabang sabi ni Dindo.

Idinagdag pa ni Dindo na, “Ayaw kong mangako kay Mommy Merly dahil baka hindi ko matupad, ang sa akin gagawin ko na lang, hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng tampuhan, madadaan naman sa magandang usapan ang lahat.”

Sa parte naman ni Mommy Merly, sinabi nitong, “Dapat pagkatotoo na lang tayong lahat. Ang nangyari kasi noong nasa akin ang isang tao, lahat binatikos, nagpalitan ng maaanghang na salita, lahat na sinabi na. Inalipusta na, dumating pa sa puntong kapag hindi ko pinakawalan, maghihirap daw ako sa kanila. Dahil anila, walang talent, at kung ano-ano pang maaanghang na salita ang ibinato nila. Pero ngayon, nasa kanya, o ‘di ba, nasa kanya, sino ngayon ang plastic? ‘Yan ang ‘di ko kaya, ang magsalita ng masasakit sa kapwa.

“Ano ito pera-pera na lang ba tayo,” natatawang sabi ni Mommy Merly.

“Kaya dapat ‘wag tayong magsalita ng masasakit sa kapwa dahil ang buhay umiikot. ‘Yung sinasabi nilang maghihirap ako, tapos ngayon inaalagaan nila,” anito pa.

Suportado ng Abot Kamay ang career ni Dindo at maligaya sila na unti-unti nang nakakamit nito ang matagal nang pangarap ng binata. At sa tulong ng Abot Kamay nakatitiyak kaming makakamit ni Dindo ang matagal nang inaasam na pagtupad ng kanyang pangarap.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …