Friday , November 15 2024
Elisse Joson McCoy de Leon Star MAMAgic Day

Elisse tiniyak ok na ok na sila ni McCoy; kasal ‘di pa prioridad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Elisse Joson na lalong tumatag ang kanilang pagsasama ng kanyang partner na si McCoy de Leon kahit dumaan sia sa ilang mga pagsubok.

Sa pakikipaghuntayan namin sa aktres pagkatapos ng press conference na ipinatawag ng Star Magic para sa mga bagong event na dapat abangan sa kanilang ngayong Mayo, masayang ibinalita nitong nalampasan nila ni McCoy ang mga pagsubok na dumting sa kanila. 

Mas naging okey pa raw ang kanilang pagsasama ngayon matapos silang magkahiwalay ng ilang buwan dahil sa ilang personal na kadahilanan. 

Nilinaw ng mga entertainment press kay Elisse kung talagang okey na sila at kung nagkabalikan na ba talaga sila? Na sinagot naman ito ng aktres ng, “Yes and we’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang darating na mas mahirap sa amin. So, I think we’re happy na.”

Natanong din si Elisse kung muli ba siyang sinuyo ni McCoy para makuha muli ang kanyang tiwala pagkaraang magkahiwalay sila ng ilang buwan. 

Sabi ko sa kanya, huwag niyang kalimutan ‘yung sweetness and pagiging present sa amin kahit wala naman kaming pinag-awayan.

“Araw-araw, ipinakikita naman niya that what we have is worth it. Bukod sa schedules namin, it’s a joint effort in keeping the family alive and together. Kasi it’s an effort between two people,” pagbabahagi pa ng aktres.

Kung paano naman niya ilalarawan si McCoy bilang tatay ni Felize, anito, “McCoy is very hands-on. He likes to be always present in our family, especially when it comes to keeping us whole.

“Pagdating naman sa work as a parent, siya naman ‘yung very active part of things, like playing with Felize, taking her out. Masuwerte po kami kay Felize kasi dire-diretso ang tulog niya, never kaming napuyat dahil sa kanya.

“Kapag mayroon akong work, siya (McCoy) ang nag-aalaga kay Felize. Kapag siya (McCoy) naman ang may work, ako naman. Pero kapag wala kaming choice, isinasama ko si Felize sa trabaho, tulad ngayon kasama ko siya nasa kotse siya kasi walang mag-aalaga,” sambit pa ni Elisse.  

Nang maurirat naman ang ukol sa kanilang kasal ni Mccoy, sinabi nitong wala pa iyon sa kanilang prioridad. “We’re doing it step-by-step. We’re focusing on our own house, our own property, para stable.

“Kaya, okay lang na wala munang kasal kasi magiging expensive ang kalalabasan niya.

“Even though we’re both blessed to have work, mas pina-prioritize po namin ang needs ng family which are everyday expenses, stable place to stay, stable family, and stable relationship with each other,” sabi pa ni Elisse.

May plano ring dagdagan nina Elisse at McCoy si Felize. “May plano naman (magbuntis muli) but we’re really enjoying our time with Felize now because special talagang bata si Felize sa aming dalawa.”

Samantala, isa si Elisse sa mga Kapamilya stars na makakasama sa Star MAMAgic Day event, isang pecial tribute para sa Mother’s Day celebration sa May 10.

This is a special Mother’s Day treat for all Star Magic mamas. As we all know, bukod sa pagiging artista, marami sa amin are also moms, and sometimes it can really be overwhelming,” ani Elisse na makakasama niya ang iba pang celebrity moms na sina Jolina Magdangal, Vina Morales, Dimples Romana, at Janella Salvador kasama ang kani-kanilang mga anak. 

Dapat ding abangan ngayong Mayo ang  LaHot Sexy Summer Bikini Ball  na magtatampok sa  body positivity kasama ang mga artistang sina  Maymay Entrata, Ria Atayde, Chie Filomeno, Enchong Dee, at Jake Cuencana rarampa sa kanikanilang hot at colorful creative swimsuits na idinisensyo ng mga kilalang fashion designers sa May 4.

Just like the Star Magical Prom, this is a first for Star Magic. The aim of this event is to promote body positivity and tell everyone na we can slay in any shape, size and age,” sabi naman ni Ria. 

May pa-event din para sa mga mahihilig sa sports, ito ang AIl-Star Games na magsisimula sa May 21.

Sa All-Star games we promote camaraderie and sportsmanship. Mapapanood ng maa Kapamilya na maglaro at maglaban-laban ang favorite Kapamilya stars nila ng badminton, volleyball and basketball,” pagbabahagi naman ni BGYO member Akira Morishita.

Makakasama sa All Star Games sina  Daniel Padilla, Donny Pangilinan, at si playing coach Gerald Anderson, na magpapakita ng kanilang galing sa court kasama ang iba pang Kapamilya artists. 

Ilulunsad din ng  Star Magic  ang kanilang Star Magic Catalogue kaya naman may pagkakataon ang mga fan para makakuha ng limited edition hardcopy nito na nagtatampok sa  Star Magic’s biggest at brightest stars na iri-release sa Hunyo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …